Arleigh
Nakabalik na rin sina Jen at ang asawa niya galing Cebu. Masaya naman ang naging business trip nila. Dumaan sila sa buahay para kunin ang mga anak nila.
Kahit isang linggo lang dumito ang mga bata, napamahal na rin sila sa amin ni Lujille at Lorraine. Nakabawi na ako sa nagawa ko kay Bugoy noong nakaraang limang araw, at ginawa ko ang lahat mapasaya ang kambal. Si Lujille naman, halos maiyak sa pag-alis nila. Pinangako naman ni Jen na babalik sila dito kapag may oras. Niyakap ni Lujille ang mga bata.
Nang makita kong umaalis ang kotse, bumigat ang pakiramdam ko. Naging maingay saglit ang bahay. Ngayong kami na lang dalawa ni Lujille, sigurado akong katahimikan ang gagawa ng ingay.
Umupo siya sa sofa at nagbasa ng magazine. Wala siyang sinasabing anuman sa akin. Binubuklat lang niya ang mga pahina nang tinabihan ko siya. Napatingin ako sa sugat niya. Unti-unti na itong naghihilom. Muli ay bumigat ang pakiramdam ko. Kasalanan ko kung bakit nasugatan siya.
“Wala na sila. Wala ng maiingay.” nakangiti kong sabi.
“Wala ka na ring sasaktan.” malamig niyang tugon.
“I admit kasalanan ko talaga.”
“Buti naman alam mo.”
Hindi pa rin nakaalis ang titig niya sa magazine. Kahit ngayon lang, sana tingnan niya ako sa mata.
“Ano ba’ng dapat kong gawin para makabawi sa iyo?” tanong ko.
Tinapon niya ang magazine sa center table at tumingin sa akin.
“Malapit na ang birthday ko. Give me a surprise. Yung talagang ikakagulat ko.” she demanded.
Natahimik ako sandali. Hindi naman mahirap ang hinihingi niya. I just don’t know kung saan ako magsisimula.
“Sige. Yun lang pala eh.” nasabi ko na lang.
Nasa rooftop ako ng LGV Kingdom alas-dos ng hapon. Tiniis ko ang init para mapaghplanuhan ang sorpresa ko para kay Lujille. Kasama ko si Kuya Arkin. Ngayon ko pinaka-kailangan ang tulong niya.
“Candlelight dinner sa rooftop? Sure ka ba dito?” tanong ni Kuya.
Tumango ako. “Kaya nga nandito ka eh. I need your wisdom in planning this.”
He chuckled. “Wisdom talaga ha?”
“Huwag ka nan gang maraming tanong. Gawin na natin ‘to.” sabi ko.
Naglalakad kami back and forth sa rooftop habang ini-imagine ko ang candlelight dinner. It would be romantic. Kailangan ko itong pagsikapan.
Napaturo si Kuya sa may gitna.
“Diyan mo i-set up yung mesa. Tapos dun sa gilid yung mga pagkain at yung music. Dapat violinist ang i-hire mo.”
Napangiti ako. Kahit masyadong mainstream ang mga ganitong uri ng date, romantic pa rin iyon para sa akin.
“Kuya, aasahan ko iyan ha?” sabi ko.
Nakasabay ko si Leslie sa elevator nang pabalik na ako ng opisina. Kanina pa nauna si Kuya dahil may klase pa siya sa FEU. Nagpasya akong hindi siya kausapin pero siya itong madaldal.
“Ano’ng ginagawa mo d’on sa rooftop kanina?” tanong niya.
“Nagpahangin.” I lied.
Ngumiti siya. “It’s quite unusual. Alam mo naman ang polusyon sa labas ‘di ba? Nakamamatay.”
“Mas gusto kong mamatay sa usok kaysa makita ka.” sarkastikong sagot ko.
“How mean.” sabi niya.
“Sa susunod, huwag kang makialam sa mga ginagawa ko. Do your work. Binabayaran ka para gawin ang trabaho ko.”
“I know. I’m just curious. Para nagtatanong lang.”
Pero alam kong sa loob-loob niya, nagtatanong siya para makapagplano ng gagawin laban sa amin ni Lujille.
Malayo-layo pa ang kailangang tahakin pababa. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka may masabi pa ako sa kanya.
“Birthday na pala ni Lujille. Ano’ng plano mo?”
“Akin na lang iyon. Huwag ka nang makialam.”
Tumunog ang elevator. Nasa tamang floor na ako. Iniwan ko si Leslie habang pinapakinggan ang pagsara ng mga pinto nito.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...