Fifty-Seven

2.5K 38 0
                                    

Nagising si Lujille sa isang hindi pamilyar na kwarto. Isa itong mumurahing hotel room sa kalagitnaan ng siyudad. Unti-unting lumilinaw ang paningin niya. Sumakit ang ulo niya nang bumangon siya at umupo nang maayos.

Bumukas ang pinto ng CR. Lumabas si Anita habang nagpupunas ng kamay.

“O, gising ka na pala.” Sabi niya.

Pinlano na naman ito lahat ng ina niya. kanina lang papunta sila ni Arleigh at Leslie sa airport. May sumunod sa kanilang mga lalaki at pinaghiwa-hiwalay silang tatlo. Umapaw ang galit sa dibdib niya.

“Ba’t mo ko dinala dito? Nasaan ako? Nasaan sila?”

Bumuntong-hininga si Anita at nagpaliwanag sa anak.”

“Pinatapon ko na silang dalawa. Hindi mo malalaman kung saan. Huwag kang magtanong.”

“I have the right to know! Asawa at kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito!”

“Hindi mo man lang ba ako tatanungin unh bakit ko ginawa ‘to?”

Sumigaw si Lujille. “Wala akong pakialam! Sinabi ko naman sa ‘yo di ba? Sana pinatay mo na lang ako. Nasusuka akong makita ang pagmumukha mo!”

“Susuko na ako sa mha pulis. Alam kong matutuwa kang makita akong nabubulok sa bilangguan.”

“Sumuko ka man o hindi, wala akong pakialam.”

May kumatok s apinto. Napatingin si Anita at huminga ng malalim.

“Nandito na sila.” Sabi niya.

Pinagbuksan ni Anita ang mga pulis. Nakatingin lang si Lujille sa mga nangyayari.

“Ikaw ba si Anita Llamanzares?” taong ng isang pulis.”

“Oo ako nga.”

Pinosasan na si Anita matapos makita ang warrant of arrest. Tumingin siya sa anak bago sila umalis.

“Ingat ka, Lujille.” sabi niya.

Padabog na isinara ng mga pulis ang pinto. Humiga si Lujille at umiyak nang umiyak. May bahagi pa rin ng pagkatao niya na ayaw masadlak ang ina sa kulungan. May natira pang konting pagmamahal sa puso niya para dito sa kabila ng galit at poot.

Maya-maya’y nakaramdam siya ng panankit ng tiyan. Gusto niyang sumuka. Agad siyang bumangon at tumakbo papuntang banyo.

Matapos dumuwal ng paulit-ulit, humawak si Lujille sa tiyan niya. dito niya naramdamang may mali sa katawan niya at natatakot siya sa kung anuman ito.

Sumuka siya ulit. Hindi na niya kaay.

Then one thing crossed her mind.

Buntis siya.

At si Arleigh ang ama.  

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon