Sixty-Seven
Nathan
Malamig pa rin ang pagtrato ko sa kanya nang dumating siya. Nakita ko siyang hinatid ni Arleigh malapit sa coffee shop. I even saw them hugging. Hindi na niya kailangang sabihin na gumagalaw pailalim si Arleigh.
"O, ano'ng nangyari?"
Inilapag niya ang bag sa mesa at umupo sa sofa.
"Gagawin daw niya ang ad. Sabi ko sa kanya na lahat ng media outlets kelangang may advertisement." sabi niya.
"So you'll be working closely with him?"
"Of course, but I want it to be pure business lang. walang feelings na kailangang buhayin, if that's what you want to know."
"I don't believe you."
She rolled her eyes. "Edi wag."
Pero hindi niya magagawang magsinungaling sa akin. Kita sa mga mata niya ang saya sa tuwing nagkikita sila ni Arleigh. Kahit anong gawing pagtatago niya nakikita ko pa rin iyon.
"Siya nga pala, pupunta ako ng Cebu para asikasuhin ang branch ng restaurant na itatayo ko d'on. At most, mga one week akong mawawala. I believe kaya mo na ang sarili mo dito."
"Oo naman. Hindi na 'ko bata, Nathaniel." sabi niya.
"Pero minsan childish ka. Mas bata ka pang umasta kesa sa anak mo."
"Teka, teka. Namumuro ka na ah! Naiintindihan kita kung pinag-iinitan mo si Arleigh pero wag ka namang magalit sa 'kin."
Nauubusan na ako ng pasensya sa taong 'to. Kung di ko lang kaibigan 'to, nasapak ko na eh. Minasahe ko na lang ang noo ko para pigilan ang galit ko. Gusto ko nang sabihin sa kanya na marami akong alam na hindi niya alam. Na maaari niyang ikamatay ang pakikipagbalikan kay Arleigh.
"Hindi ako galit. Pinapaalala ko lang sa iyo na ikaw mismo ang nagsabing okay lang na wala si Arleigh sa buhay mo."
Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Pwede namang magbago yun eh." sabi niya.
"Hay nako! Ewan ko sa iyo." sagot ko at nag walk-out.
Arleigh
Kanina pa ako hindi mapakali. Hanggang ngayon hindi pa dumarating si Lujille at malapit nang magsimula ang seminar-workshop. Ngumingiti ako sa mga dumadaang estudyante na kakilala ko. Pero hindi pa rin maalis ang isip ko kay Lujille. Takot akong pumalya 'to.
"Sir, hindi pa po ba dumarating yung speaker? Five minutes na lang po, magsisimula na kami." sabi ni Calvin, yung estudyanteng nag-abot sa akin ng flyer nung nakaraan.
Tiningnan ko ang wirst watch ko. "She should be here any minute. I'll see what I can do."
Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ng bata na may halong pangamba. Nag-thank you na lang sya sa 'kin at pumasok na sa loob ng auditorium.
"Ang tagal!" bulong ko.Two minutes and the program is about to start. Pinipigilan ko ang pagsabog ng pasensya ko. Papasok na sana ako ng auditorium nang may marinig akong paparating.
"Nandito na 'ko!"
Tumatakbo si Lujille patungo sa 'kin. Sumandal siya sa dingding at humingal.
"Sorry, I'm late." sabi niya.
Ngumiti ako. "It's okay. Tara na sa loob."
Much to her surprise, hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob. Marami-rami na ring tao at hinatak ko siya papuntang back stage.Bumitiw siya sandali nang marating na namin ang backstage.
"Pwede ba tumigil tayo sandali. Hihinga muna ako." sabi niya.
Dumaan ang isang estudyanteng may dinadalang isang tray ng mineral water. Kumuha ako ng isa at pinasalamatan siya kahit hindi niya ako naririnig.
Inabot ko ang mineral water sa kanya. "Eto o."Agad niya itong kinuha at uminom.
"Bakit ba parang theater production yung pinasukan ko? Business-related itong workshop na 'to ah?"
"Gusto ko lang na komportable ka throughout the program. I made it sure para hindi ka na mahirapan."
Hindi siya sumagot at tinapos ang pag-inom ng tubig. Binigay niya sa akin ang plastic bottle at pumunta sa upuan niya sa front row.Nang umakyat na siya sa stage at tumayo sa likod ng lectern para magsalita, tumigl ang mundo ko. A leaping sensation is building in my stomach and I can't stop it. That makes me love her even more.
Hindi ko namalayan ang oras. Pumalakpak na ang mga tao sa kanya. Napapalakpak na rin ako at tumayo. Lumakad ako at niyakap siya on stage.
"Thank you." nasabi ko.
"Wala iyon. Tsaka bitawan mo nga ako. Pure business lang 'to. Walang halong –"
I softly touched her face and kissed her lips. Dinig ko ang pagkabigla ng mga tao sa loob ng auditorium. Natigilan ang lahat lalo na si Lujille.
Now where's pure business?
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...