Fifty

2.9K 40 2
                                    

Binuksan ni Lujille ang pinto ng board room. Nakaupo na doon ang lahat ng mga board members para sa monthly board meeting. Nagmamadaling naglakad si Monica sa likod niya, dala-dala ang mga importanteng papeles para sa meeting. Tahimik ang lahat the moment she stood in front of them.

“Gaano ba talaga ka-urgent ang meeting na ‘to at kailangang ngayon na?” sabi ni Lujille sa lahat ng tao sa board room.

Isang middle-aged na lalaki ang tumayo para sagutin siya.

“Ma’am, may malaki po tayong problema.” nag-aalalang sabi nito.

“Ano?”

May kaunting katahimikan bago marinig ni Lujille ang sagot.

“Nawawalan na po ng pera ang kompanya.”

Gumimbal kay Lujille ang balitang iyon. Hindi maaari. Maayos ang pagpapatakbo niya sa kompanya. Walang pwedeng mangyaring mali. Alam niyang maayos rin ang pagpapalakad ni Arleigh ng LGV Kingdom.

Hindi pa man makasagot si Lujille at nagsalita ulit ang board member niya.

“Matagal-tagal na rin po itong nangyayari. Ngayon lang po namin nasabi ito kasi akala naming kayo ang gumagalaw ng pera.”

Kumunot ang noo niya. As far as she knows, wala siyang ginagalaw na pera na pagmamay-ari ng kompanya.

“Ako? Nag-iisip ba kayo? Wala akong ginagalaw ni singkong duling dito!”

“Ma’am, pina-trace ko na po sa mga accountants natin ang flow ng pera. Mukhang malaki=laki na po ang nawawala.” sabi ni Monica. 

Napalunok si Lujille at pumikit. May malaking katiwaliang nagaganap dito at ngayon pa niya nalaman.

“I-trace mo ulit. Gusto kong makasigurado.”

“Yes Ma’am.”

Bumaling si Lujille sa board member na kausap niya kanina.

“”Gawan niyo ng paraan ‘to. Mag-imbestiga kayo and I want a full report after five hours.”

“Yes Ma’am.”

Naiwan si Lujille sa board room, nag-iisip kung paano nagkaproblema ang kompanya kung kailan okay na ang lahat.

Pinagbuksan na si Monique ng gate ng kasambahay matapos ang panagtlong pagpindot niya ng doorbell. Kanina pa siya nagtitimpi sa maraming kadahilanan. Magsasalita pa sana ang kasambahay ng unahan niya ito.

“Nasaan ang amo mo?”

“Nasa l-loob po.” kinakabahang sagot nito.

Hindi na lang ito pinansin ni Monique. Tinabig niya ito at mabilis na naglakad papasok sa loob.

Marahas niyang binuksan ang pinto at nakita si Anita na nakaupo sa sala at umiinom pa ng kape. Muntik nang mabitiwan ni Anita ang tasa niya habang nakatingin kay Monique.

“Napadalaw ka yata?” nakangiting sabi nito.

But now is not the time for friendly conversations. Mabilis siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Anita at sinampal niya ito nang malakas.

“Hayop ka!”

Tumapon ang kape sa damit ni Anita. Napatayo sya at sinigawan si Monique.

“Ano ba’ng problema mo?!”

“Problema? Eto!”

Tinapon ni Monique ang isang long manila envelope sa mukha ni Anita.

“Magnanakaw ka! Akala ko mapagkakatiwalaan kita tapos ito lang ang igaganti mo sa ‘kin. Ayos ka rin ‘no?”

Kinuha ni Anita ang mga laman ng envelope at nabigla sa mga nakita. Bistado na siya sa mga mata ni Monique.

“O ano? Masaya ka na ba? Nasa iyo na lahat ng pera ko. Nasamsam mo na ang pinagkatiwala ko sa iyo! I may be stupid but I’m not dumb, Anita.”

“Hindi…” Anita said, holding the manila envelope with trembling hands. Malinaw doo nag traces ng mga pera na kinuha niya mula sa kompanya.

Inagaw ni Monique ang mga papeles at envelope. 

“Siguro naman masaya ka na. it all makes sense to me kung bakit ka nakipag-merger. You lying, stealing wench!”

Biglang dumating si Vicente at sumugod sa eksenang nagaganap.

“Ano’ng nangyayari dito?”

Yumakap si Anita sa asawa at umiyak. Nagtiim lang ang bagang ni Monique at tiningnan ng matalim si Anita. 

“Talaga ngang mahala mo pa rin si Pocholo hanggang ngayon. It’s so clever of you to pull this trick. Bilib na ako sa iyo.”

“Hoy Monique, tigilan mo ang pambabastos sa asawa ko kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas!”

“Aalis na rin naman ako e. Kasi maghahanap pa ako ng kasong magpapabulok sa asawa mo sa loob ng selda.” sabi ni Monique kay Vicente at umalis sa kanilang harapan.

Padabog na isinara ni Monique ang pinto habang pinipigil ang mga luhang tumulo na pala sa pisngi niya.

“Ma’am, eto na po lahat.”

Inilapag ni Monica lahat ng papeles sa harapan ni Lujille. Tiningnan agad ito ni Lujille at mas lalong nagimbal sa mga nalaman niya. Matagal nang nangyayari ang ganitong katiwalian ng hindi niya nalalaman. Nababaon na ang kompanya sa utang dahil sa laki ng mga perang nawawala.

“Ma’am, ewan ko po kung dapat ko bang sabihin sa iyo ‘to pero…”

“Sabihin mo na.”

“Ang ina niyo po ang gumagawa ng lahat ng iyan.”

She slammed her hand on the table. Hindi na niya napigilang umiyak. 

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon