Forty-Four

3.7K 32 6
                                    

Binuksan ni Lujille ang kahon na naglalaman ng mga bagay-bagay na magpapaalala kay Arleigh ng nakalipas. Kinuha niya iyon isa-isa. Ang isang kopya ng Pride and Prejudice, tuyong dahon, pink na ribbon, ticket sa isang concert at kung anu-ano pa. nais niyang ipaalala iyon lahat sa asawa para kahit paano ay sumaya siya. She wants to know if her husband has finally gotten over the memory loss.

Dumating si Arleigh mula sa kwarto. Umupo siya sa tabi ni Lujille sa mahabang sofa.

“Ano yan?” tanong niya.

“Lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa atin.”

Tiningnan ni Arleigh ang mga laman ng kahon. Bumalik ang mga mumunting alaala sa isipan niya. Kinuha niya ang Pride and Prejudice at binuklat ito.

“Buti naman buhay pa ‘to.” nakangiti niyang sabi.

“Oo nga eh. Sige nga, sabihin mo sa ‘kin kung paano ko napasakamay iyan?”

“Nawala mo yung copy ng librong ito sa library. Ibinili kita ng bago dahil sobra mong gusto ang kwento.”

Napangiti si Lujille. Unti-unti na siyang naniniwala na magaling na ang asawa niya. Kinuha niya ang concert ticket.

“E ito, sa’n mo naman ‘to binili?”

He took the ticket and examined it in his hands.

“Binili ko pa ‘to sa may Glorietta kasi concert ng paborito mong banda. Nag-away pa nga tayo dahil sa selos. Ito yung peace offering ko sa iyo. At naalala ko pa n’on, nilagnat ka. Napagalitan pa nga ako ng mama mo dahil lumabas ka.”

Ngumiti si Lujille. Kinuha niya ang tuyong dahon.

“Naaalala mo ba ‘to?”

“Sa field trip natin yan. Kinuha ko para sa iyo kasi korteng puso.”

Nang mga sandaling iyon, gusto nang maiyak ni Lujille. Ito ang araw na pinakahinihintay niya. Matatapos na rin ang araw na kailangan pa niyang gawin lahat makaalala lang si Arleigh.

“O, ba’t ka umiiyak?”

Hindi niya namalayang kanina pa tumutulo ang mga luha niya. She wiped her tears with the back of her hand.

“Kasi… ano eh…”

Natunugan ni Arleigh ang sasabihin ni Lujille.

“Tatanungin mo kung nakakaalala na ba ako?”

Tumango si Lujille. Namumula na siya sa hiya. Hinawakan ni Arleigh ang magkabilang pisngi niya.

“Matagal na. At mas nakaalala pa ako matapos kong maaksidente.”

Pinahid ni Arleigh ang mga lhua niya. “Para kang engot diyan. Tigilan mo na yang pag-iyak mo.”

“Na-touch lang naman ako eh. Masama ba?”

“Oo.” he said playfully.

Hinawi ni Lujille ang mga kamay ng asawa sa mukha niya.

“Bitiwan mo nga ako! Nakakainis ka eh.”

Tumawa si Arleigh at hinawakan ulit ang mga pisngi ni Lujille. “Ayoko. Ang cute cute kasi ng mukha mo eh. Tumaba ka lalo.”

“Tigilan mo ko.” she said.

Biglang hinalikan ni Arleigh ang mga labi ni Lujille. It was a quick kiss, at nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

“Kung hahalikan mo ko, magsabi ka. Hindi yung ginugulat mo ko.”

Nakahawak pa rin si Arleigh sa mukha ni Lujille.

“Okay, sige. Pwede ba kitang halikan?”

She smiled naughtily. “Ayoko.”

Mabilis na sinunggaban ni Arleigh ang pagkakataon. Iiwas n asana si lUjille pero nahagip niya ang mga labi nito. And they kissed for a long time. Tanging tunog lang ng kanilang mga labi ang maririnig. It was a kiss that could make up to all the years they lost. Unti-unti na silang napapahiga sa sofa, with him on top of her.

“I love you.” sabi ni Arleigh.

“I love you too.” she answered and took one last peck on his lips.

Bumangon sila at ipinagpatuloy ang asaran at kulitan. Ang mga tawa nila ay sapat na para sabihing napakasaya nila.

Pero hindi nila alam na kanina pa nakamasid sa kanila si Nahan. Ang puso niya ay kanina pa nadudurog ang puso niya sa paglalambingan nila. Iniwan niya ang bahagyang nakabukas na pintuan at naglakad-lakad kung saan-saan. Hindi na niya kaya. Bukas o sa makalawa, aalis na siya sa bahay na iyon.

“Congratulations! You’re now hired and welcome to Manila Bulletin.” sabi ng isang empleyado na kaharap ni Leslie. Napangiti siya at sabay silang tumayo.

He offered a handshake at tinanggap iyon ni Leslie.

“Thank you po, sir. Pagbubutihan kop o ang trabaho ko. Maaasahan niyo po iyan.”

“You should. Dahil alam kong magaling ka.”

Napangiti si Leslie. Umalis na rin siya ng opisina at naglakad-lakad sa labas. New work. New life. Babaguhin niya ang buhay niya sa paraang alam niya.

Nag-ring ang cellphone sa bulsa niya. Tiningnan niya ang pangalan ng tumatawag. Biglang sumibol ang kaba sa dibdib niya.

She swiped the screen to answer.

“Hello?”

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon