A/N: This one is for xociniesaur06. Enjoy!
A/N #2: Sorry if matagal nakapag-update. Busy sa school eh. Sana po magustuhan niyo 'to. :)))))
Lujille
Nanigas ang buong katawan ko nang makita si Leslie na nakayakap kay Arleigh. Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Kahit anong oras, magagawa kong tanggalin ang pinto sa bisagra at ihagis ito sa kanila. Kung kaya ko pang pigilan ang galit ko, pipigilan ko. But it’s too much.
“Good morning.” nakangiting sabi ni Leslie.
Wow. Nananadya pa. Lalong kumulo ang dugo ko.
Nang walang anu-ano’y matulin akong naglakad patungo sa kanila at hinatak si Leslie palayo sa asawa ko.
“Lujille, ano ba!” awat ni Arleigh.
“Diyan ka lang!” bulyaw ko sa kanya. Kung gulo ang hinahanap ng kaibigan kong ‘to, ibibigay ko sa kanya ng buong puso.
Dinala ko si Leslie sa labas ng bahay. Inihagis ko siya na parang basura sa malaking pader. Tumama ang buong braso niya doon.
“Ikaw talagang bibitayin na kita eh! Humahabol ka sa asawa ng may asawa. Kung balak mong ibenta ang katawan mo, huwag sa asawa ko. Dahil ni lamang loob mo, hindi niya bibilhin.” galit kong sabi.
“Hindi ko naman binebenta ang katawan ko eh. Kinukuha ko lang kung ano yung akin. I had him first.” katwiran niya.
I blew my bangs and rolled my eyes. Tiningnan ko siya ulit.
“Wow ha! Sa iyo ba talaga siya? My god, Leslie! Sino ba ang girlfriend niya ng apat na taon? Baka nakakalimutan mong ako iyon.”
“At ako ang nasa tabi niya for the last seven years.”
I faked a laugh. “Yeah, pitong taon. Seven years of lies and boring nights. How I love that, huh.”
Sasampalin niya sana ako but I caught her arm.
“Kung ayaw mong bugbog ang abutin mo sa ‘kin, umayos ka. At huwag mong hahawakan ang mukha ko, okay? Mahal magpa-derma.” I threatened at marahas na ibinaba ang braso niya.
“Pagsisisihan mo rin ‘to, Lujille.”
Nagkibit ako ng balikat. Walang epekto sa akin ang mga huling sinabi niya.
“Okay. And one more thing. Kasal kami ni Arleigh, so technically speaking, akin siya. Therefore, third party ka lang. Sabit kumbaga. Kaya umalis ka na ngayon din. Baka ano pa‘ng magawa ko sa iyo.”
She gathered her will at inayos ang sarili niya. Umalis na siya nang walang sinasabi. Pumara siya ng taxi. I waved her goodbye at pumasok ulit sa bahay.
Sinalubong ako ni Arleigh sa may sala pa lang.
“Lujille, hindi ko isinama si Leslie dito kagabi.” sabi niya.
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mokong na ‘to. He’s trying to explain his side again. Ewan ko if I have the will to listen.
“Huwag mo nang isipin iyon. Wala din naman akong pakialam eh.” diretso kong sagot.
“Ano ba’ng pinag-usapan niyo?” tanong niya.
“Mga bagay-bagay lang. Huwag mo ng usisain. At least ngayon wala ng germs sa bahay natin.”
Iniwan ko siya at pumunta sa kwarto ko. Napahiga na lang ako sa kama habang pilit na nag-iisip.
Alas-singko na ng hapon nang tuluyan akong magising. Hindi ko inakalang ganoon katagal ang tulog ko. Dahil din naman sa kalungkutan iyon. Iniisip ko lang, bakit kami nagkakaganito ni Arleigh? Hindi pa man tumatagal ang kasal namin pero nagkakalabuan na kami. Mahirap, sobra akong nahihirapan.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...