Thirty-Six

4.5K 51 8
                                    

A/N: To Reisparck, this is for you. Thanks for always reading this story! ^___^

Tumingin si Lujille sa wristwatch niya. Alas-siyete ng gabi. Kanina pa niya hinihintay si Arleigh pero wala pa rin ito. Mabubura na ang make-up niya at mababali na ang mga takong ng high heels niya sa kakahintay. Nangako ito na darating ito agad-agad. Pero pagod na siya. Ito na yata ang pinakamasaklap na birthday party sa buong buhay niya.

Isang oras na lang, magsisimula na ang party. Kinakabahan na siya sa maaaring mangyrai kay Arleigh. Para siyang nalalagutan ng hininga sa loob ng sarili niyang kwarto. Hindi na siya mapakali habang naglalakad back and forth. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito pero walang sumasagot. She’s starting to think of terrible things.

Bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Akala niya kung sino. Si Nathan lang pala.

“Ba’t nandito ka pa? Hinahanap ka na sa labas.” sabi nito.

“Teka lang, sandali. Si Arleigh kasi eh. Hindi pa dumarating.” sagot niya.

“Tinawagan mo na ba?”

Bumuntong-hininga si Lujille para pakalmahin ang sarili.

“Oo. Pero hindi naman siya sumasagot. Bwiset naman eh!”

Umupo siya sa gilid ng kama habang mahigpit na nakahawak sa cellphone. Sana nga lang mag-ring ito para naman mapanatag ang loob niya.

“Tatawagan ko ha?” sabi ni Nathan at tuluyang pumasok sa kwarto ni Lujille. Pagkasara ng pinto, dinukot ni Nathan ang cellphone niya at tinawagan si Arleigh.

 

Gusto nang magwala ni Arleigh sa labis na inis. Kahit anong hampas niya sa manibela ay hindi lumuluwag ang traffic. Kung kakaripas siya ng takbo sa kabila ng dami ng sasakyan, aani naman siya ng galit na busina mula sa ibang mga motorista. Wala na siyang mapagsidlan ng nararadaman niya ngayon.

Nag-ring ang cellphone niya. Pero nung tingnan niya, imagination lang pala niya iyon. Lowbat ang phone kanina pa. Lalo siyang nainis.

 

“Hindi rin ako sinasagot.” sabi ni Nathan.

Humiga si Lujille sa kama na nakalatag ang mga braso, tanda ng kawalan ng pag-asa. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung nasaan na ang boyfriend niya.

“Bumangon ka nga diyan. Sisirain mo lang hairdo mo eh.”

“Ayoko.” sagot ni Lujille.

Nathan’s lips pressed into a hard line. Nilapitan niya ito, hinawakan ang dalawang kamay at hinila ito para tuluyang makabangon.

“Ano ba!” iritadong sabi ni Lujille.

“Ano’ng ‘Ano ba?’ Lujlle, you shouldn’t throw this night away. Debut mo pero mukha kang namatayan diyan. Darating din si Arleigh, don’t worry.”

“Pero pano kung hindi?” nangangambang tanong ni Lujille.

“Ibibili kita ng pinakamahal na sapatos na na-spot-an natin sa SM nung nakaraang linggo. Promise iyan.”

Ngumiti si Lujille. “Sira. Huwag mong seseryosohin iyon. Uupakan talaga kita.”

“Tayo na nga. Sayang yang blue gown mo.”

Tumayo na si Lujille. Hinalikan ni Nathan ang noo niya.

“Happy birthday.” sabi nito.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon