Lujille
"Alam ko na'ng sasabihin mo."
Matalim ang tingin ni Nathan sa akin. Kung tungkol ito sa nangyari kagabi, bahala na kung magkasigawan kami. Kanina pa siya hindi umiimik.
"Na I'm being careless, pabaya o malambot kasi nandiyan siya." dugtong ko.
"Buti naman alam mo." malamig niyang sagot.
Nagkamot ako ng noo. "Nathan can you please be logical this time? It was a coincidence. Nagkataon lang iyon."
"At kailangan ba talagang si Arleigh ang maghatid sa anak mo pauwi?"
"Nagkataon nga eh. Buti si Arleigh ang nakakita sa kanya at hindi kung sinu-sino lang."
"Sana sa susunod huwag nang maulit 'to. Sana sa susunod, hindi na mag-krus ang mga landas niyo."
"Why are you so overprotective? Hindi siya lalapit kasi kahit hulaan ko man o hindi, sinabi mo sa kanya na anak natin si Charleigh."
Nag-iba bigla ang tono ng boses at expression ng mukha.
"Kasi wala kang alam!" sigaw niya.
Natahimik ako sandali. "Walang alam saan?"
Umiwas siya ng tingin sa akin."Wala. Don't think about it."
"Ano'ng huwag kong isipin? Nathan, tell me. Ano ang hindi ko alam?"
"Wala nga. Ang puntahan mo na yung advertiser para sa coffee shop mo."
I picked up my bag ang headed for the door.
"Mabuti pa. Kuya Arkin is waiting for me."
"Sino?"
"Si Kuya Arkin."
"Kapatid ng gagong iyon."
"Nathan stop! Napa-praning ka na naman."
I didn't wait for his response and walked out on him.
Pagkatapos kong i-park ang kotse ko ay nagmadali akong pumasok sa Chinese restaurant na meeting place namin ni Kuya Arkin. Nakatalikod siya sa akin the moment na makita ko siya sa loob. Nagmadali akong puntahan siya.
"Hi Kuya! Sorry ah, medyo na-late ako. Traffic kasi sa EDSA eh." sabi ko habang inaayos ang palda ko. Pagtingin ko, laking gulat ko na hindi si Kuya Arkin ang kinakausap ko.
"Hello, beautiful lady." sabi niya.
"Arleigh."
"Nagulat ka?"
I rolled my eyes.
"Ba't nandito ka?"
"May lakad si Kuya eh. Ako muna dito."
"You mean..." Co-owner niya si Arkin sa ad agency na nilapitan ko?
Sinagot na rin niya ang tanong sa isip ko.
"Yes. Partners kami ni Kuya. So right now, you don't have any choice but to deal with me."
"Ugh!" Nahampas ko ang mesa sa sobrang inis. I guess wala na talagang urungan 'to.
"Ano, what's the plan?"
Tinawag ko muna ang waiter para magpa-serve ng tea. Kinuha ko lahat ng documents sa bag ko at binigay sa kanya.
"I want you to make an advertisement for our coffee shop. TV, radio, print, online lalo na sa social media. We're seven years in operation but we need a strong branding. Nalugi ang ad agency na una naming nilapitan. Para kaming iniwan sa ere."
Binasa niya ang mga documents.
"Nathanielle. Clever name. Pambabae."
"Actually, it's a combination ng mga pangalan namin ni Nathan." I stated.
Nagbago ang timpla ng mood niya nang banggitin ko si Nathan.
"Ba't ba ang sungit mo?" sabi ko. Nilapag na ng waiter ang tea sa mesa namin. Uminom ako para kumalma naman kahit papano. Kanina pa ako nagpupuyos sa galit.
"Tumigil ka. Nag-iisip ako." sabi niya.
"Gago 'to ah." bulong ko.
Matapos ang ilang minutong pananahimik niya at pag-inom sa tea ko nagsalita siya ulit.
"Okay I'll work on this. Let's meet again para mapag-usapan natin 'to."
I slammed my cup on the table.
"What? No! Si Kuya Arkin ang kakausapin ko sa susunod."
"Imposible iyon. Dahil ako ang gagawa ng ad."
Nanlumo ako bigla. Ako na talo dito.
"Bahala ka."
May kinuha siya sa bag niya. Inabot niya sa akin ang isang flyer.
"Meanwhile, I want you to do something for me. Um-attend ka sa event na iyan. Ako na'ng bahala sa pagkain at bayad mo for that event. Just go."
Isa itong seminar-workshop organized by UST students. Requirement sa isang subject nila I guess.
Tumango ako. This is a formal business after all. Give and take.
"Sure, I'll go. Ihahanda ko na ang speech ko."
Napangiti siya at naglahad ng kamay.
"So, deal?"
Tinanggap ko iyon dahil nanginginig ang kamay ko.
"Deal."
Biglang naputol ang handshake namin nang may biglang pumutok sa labas. Tumayo ako at pumunta sa pinanggalingan ng ingay.Nakita ko na lang ang kotse kong butas ang dalawang gulong, basag ang windshield at headlights, at nakabukas ang hood na parang tinanggalan ng mga mahahalagang parte. Sino naman kaya ang may gawa nito?
"Oh my god..."
He must have seen the damage, kasi narinig ko ang boses niya sa likod ko.
"Come on, I'll take you home." sabi niya.
Ihininto ni Arleigh ang kotse ang kotse malapit sa coffee shop. Bumaba kaming dalawa. Nahagip niya ang braso ko bago pa man ako makapaglakad palayo.
"Mag-ingat ka. Maraming masasamang loob ngayon. Wag mong pababayaan ang sarili mo." sabi niya.
Tumango lang ako at kumawala sa kanya. But he only pulled me in a tight hug.
"Can we stay like this? Kahit ngayon lang."
And slowly, I wrapped my arms around him. I buried my face in his chest, nilalasap ang nakaw na sandaling alam kong hindi na mauulit pa.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...