Fifty-Six

2.6K 32 1
                                    

“Hi!” masiglang sabi ni Leslie nang makasakay na sina Arleigh at Lujille sa loob ng kotse.

“O, ba’t nandito ka?” tanong ni Lujille. Sana nga lang hindi ito plano ng mama niya para paghiwalayin sila ni Arleigh.

“Ako na maghahatid sa inyo. Let’s go.”

“Ingat ka sa pagda-drive. Traffic pa naman ngayon.” nasabi na lang ni Arleigh.

Siniguro muna ni Leslie na maayos ang pagkakaupo nila bago niya pinaandar ang kotse.

“Oo naman. Dalwang oras pa naman bago ang flight niyo e. Aabot pa tayo.” Sabi niya.

Umalis na rin sila matapos ang ilang minuto. Tahimik silang tatlo habang binabagtas ang highway papuntang airport. Tumingin si Leslie sa mag-asawa sa salamin. Malayo ang mga tingin at kapwa pagod ang mga mata. Kahit nakakailang para sa kanya, nagtanong pa rin siya.

“Ano na’ng plano niyo ngayon?”

Umayos ng pagkakaupo si Arleigh at sinagot si Leslie.

“Maghahanap kaagad ako ng trabaho pagdating namin sa New York. Masyado ng maraming gulo ang nangyari dito. Pagod na ko d’on.”

Tumango lang si Leslie.

“Ingat kayo.” Sabi niya.

“Thank you. Ikaw din.”

Malamig man sa pandinig niya ang naging pagsagot ni Arleigh, inintindi na lang niya iyon. Ramdam niya ang kagustuhan nito na makalaya mula dito sa bansa.

Tahimik ulit ang loob ng kotse. Pinaandar ni Leslie ang radio ng kotse para may ingay naman kahit papano.

“Pakihinaan mo ng konti.” Sabi ni Lujille.

Sinunod ni Leslie ang sinabi niya. Pero bigla siyang napasigaw nang may makita siya sa rearview mirror.

“Shit!”

“Bakit?” tanong ni Arleigh.

“May sumusunod sa atin.”

“Iligaw mo!” sigaw ni Lujille.

Biglang bumilis ang pagtakbo ng kotse pero nakasunod pa rin sa kanila ang itim na kotse. Namuo ang takot sa puso ni Lujille. Sigurado siyang ina na naman niya ang may pakana nito.

Hindi na nagawa pang iligaw ni Leslie ang kotse. Hinarangan na sila nito. Mabilis niyang inapakan ang brake.

Nagsilabasan ang mga nakaitim na lalake mula sa kotse. Binuksan nila ang mga pinto ng kotseng sinasakyan nila ni Leslie.

“Bitiwan niyo ko! Ano ba!” sigaw ni Lujille nang pilit siyang hilahin ng mga ito. Nanlaban din si Leslie pero nawalan ito ng malay matapos takpan ng panyo ang bibig at ilong niya.

Pinagsusuntok ni Arleigh ang mga lalaking tumatangay sa asawa niya. Napasigaw si Lujille nang si Arleigh na ang nakahandusay sa lupa at walang awang sinisipa at binubugbog.

“Wag! Itigil niyo iyan! Arleigh!” Umiiyak siya sa anim na lalaking bumubugbog sa kanya. Nadudurog ang puso ni Lujille sa nakikita. Nagdilim ang paningin niya nang hampasin ng matigas na bagay ang kanyang ulo.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon