Arleigh
Nung hinawakan ko ang kamay niya, alam kong tama ang hinala ko. Tumugma sa pilit na ipinapaalala sa akin ng utak ko na si Lujille nga ang kasama ko sa carousel noon. Ang kakaibang pakiramdam ng kamay niya sa kamay ko ang nagsilbing daan para maalala ko ang mismong tagpong ito.
“Mahal kita.”
Pagkasabi ko nun, nagliwanag ang mukha niya. Masaya siya para sa akin, at sa katotohanang nagbubunga na ang mga pagsisikap niya maibalik lang ang alaala ko. Aaminin ko may bumabalik na rin, pero konti pa. Kailangan naming magtulungan para maalala ko na ulit siya.
Noong una, ayaw kong sumama dito. Makukulit ang mga pamangkin ko. Hindi nila kayang mag-behave kahit maputol na ang ugat mo kakasaway sa kanila. Maiingay, hanggang sa ikaw na lang ang mananahimik para sa kanila. Mabuti na lang hindi ko sila mga anak. Tatamaan ang mga yun sa akin.
Tiningnana ko ang mga pictures namin kanina. Halos naman lahat ay puro stolen lang. yung mga tipong hindi mo napaghandaan at aakalain. Nakikita ko ang saya sa mukha ng dalawang bata. Hindi ko maipagpapalit iyon sa kahit anumang bagay sa mundo.
At si Lujille. Kahit saang anggulo ko tingnan, maganda siya. Mas maganda pa siya kung palagi siyang ngingiti.
Dumako ang mga mata ko sa kamay naming dalawa. Pigilan ko man, lumalabas pa rin ang ngiti sa mga labi ko. Sa mga buwan na nagkasama kami, natutunan ko na rin siyang mahalin. Parang unti-unting bumabalik ang dati. Nararamdaman ko na sa ibang panahon, ibang mundo, nakasama ko siya. Naging mahalaga siya sa akin, at hindi ko inakalang mangyayari iyon.
Tulog silang lahat sa kwarto. Napagod yata sa ginawa namin buong maghapon. Ini-on ko ang laptop ko at inilagay sa tabi nito ang camera ni Lorraine. Ililipat ko ang mga pictures sa laptop. Para remembrance na rin ‘to.
Ginawa kong desktop background ang picture na ka-holidng hands ko si Lujille. Kahit back view iyon, it never fails to make me smile. Kung makikita ni Lujille ito, baka tuksuhin ako. Bahala na.
Nag-ring ang cellphone ko. Nang makitang si Leslie ang tumatawag sa akin, hindi ko iyon sinagot. Pagod na pagod na akong makipag-usap sa kanya. Ayokong habul-habulin pa niya ako. Makikipag-bangayan lang ako sa kanya.
Tumayo ako at kinuha ang post-it na idinikit ni Lujille sa pintuan ng ref. hindi ko matandaan kung kailan niya isinulat ‘to. Siguro matagal-tagal na rin.
House Rules. Gusto kong tumawa sa joke na ‘to. Ito ang mga bagay na dapat sana’y pareho naming susundin, pero sa kasamaang palad, walang nangyari.
One- No Strings Attached. Pero nakatali na kaming dalawa. Hindi lang dahil sa merger, kundi pati na rin sa psuo. Mahal ko na siya.
Two- No Involvement With Each Other. Dahil mag-asawa kami, responsibilidad namin ang isa’t-isa. Ayoko siyang pabayaan anumang oras.
Three- Give Me A Chance To Make You Remember Me. Ito ang ginagawa niya, at ito ang nararamdaman ko. Somehow, nakikita ko na siya sa mga panaginip ko, at may mga bagay na tungkol sa kanya na naaalala ko na. Alam kong darating ang panahon na mahahanap ko rin ang lugar niya sa puso ko.
Sa ngayon, hindi ko na ito mapapakinabangan pa. Wala kaming sinusunod sa tatlong rules na iyan. Alam ko naman na hindi iyan magiging hadlang sa amin ni Lujille.
“Bakit starring masyado ang kamay ko dito?”
Napatingin ako saglit sa sala. Nakaupo sa harapan ng laptop ko si Lujille habang inaantok na tiningnan ito.
“Huwag ka ngang masyadong pakialamera diyan.” sabi ko at pabilis na naglakad sa sala.
“Kamay natin ‘to eh. Paanong hindi ako magtatanong?”
Tumingin si Lujille sa akin. Inaantok pa nga talaga siya. Ang cute niyang tingnan.
“Bakit ka ba nandito? Matutulog ka pa naman, ‘di ba? Bumalik ka na sa kwarto.”
Umupo ako katabi niya sa sofa. Humikab siya at sumandal ang ulo niya sa balikat ko. Kakaiba ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Magaan at masaya.
“Ang init eh. Siksikan kaming apat sa kama ko. Dito ko gustong matulog.” sagot niya. Nang tiningnan ko siya, halos nakapikit na ang maga mata niya. Bumibigat na rin ang ulo niya sa balikat ko.
“So ngayon, gagamitin among unan ang balikat ko?”
“Minsan lang naman eh. Sige na.”
Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha niya.
“Sige na nga.” sabi ko.
Ilang sandali lang ay humilik na siya. May kalakasan pero hindi ko na inisip iyon. Ibinulsa ko ang post-it na kanina ko pa hawak-hawak at nakangiting nakatingin sa laptop.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...