Thirty-Nine

4.3K 50 14
                                    

Gusto niyang isigaw ang lahat ng sama ng loob niya. Paulit-ulit niyang hinahampas ang manibela ng kotse. Ang naging usapan nila ni Nathan ay ang pinakamasakit sa lahat. Isang maling sagot ang dahilan kaya tuluyang nawala ang best friend niya. Plus the fact that her husband was in critical condition. And Leslie’s presence.

She brought the car to life and sped away.

“Anak, gising na.”

Iminulat ni Lujille ang mga mata niya. Katabi niya ang ina na nakaupo sa gilid ng kama niya. Pinilit niyang bumangon kahit masakit ang katawan niya.

“Ma, ayokong pumasok sa trabaho.” sabi ni Lujille.

“Bakit?”

“Gusto kong bantayan si Arleigh buong araw. Baka magising siya ngayon.”

Walang maisagot si Anita sa sinabi ng anak. She felt a pang of guilt. Mahal na mahal talaga ni Lujille si Arleigh.

“Ma, narinig niyo ba ‘ko?”

She blinked. “Ikaw ang bahala, anak.”

Isang tasa ng mainit na kape at konting tinapay lang ang kinain ni Lujille bilang agahan. Simula nang maaksidente si Arleigh, nawalan na siya ng gana kumain. Palagi niya itong kasabay sa umaga. Nami-miss na niya ang mga luto nito, lalo na ang pancakes nung birthday niya. Napapaiyak siya habang naaalala ang mga iyon.

Pumunta na siya sa kwarto ng asawa. Nadatnan niyang nakaupo si Monique sa tabi ng kama ng anak.

“Good morning po, Mommy.” magalang na sabi ni Lujille.

Ngumiti si Monique sa kanya.

“Good morning, hija.” sagot nito.

“Kumain na po ba kayo? Dinalhan ko po kayo ng pagkain.”

Natuwa si Monique kay Lujille sa concern na pinapakita nito. She really didn’t make a mistake on letting Arleigh marry her.

“Pakilagay na lang diyan. Salamat na rin. Hindi pa kasi ako kumakain eh.”

Inilagay ni Lujille ang pagkain sa maliit na mesa. Isang nakakabinging katahimikan ang naganap dahil pareho silang nakatingin kay Arleigh. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ni Lujille ngayon, pero hindi niya alam kung paano sasabihin iyon. At hindi rin niya alam kung sino ang sasagot.

“Anak, gumisng ka na.” sabi ni Monique habang hawak ang kamay ng anak.

Arleigh, please. Gumising ka na. Ayokong nakikita kang ganito.

Unti-unting nangingilid ang mga luha ni Lujille. Hindi niya kayang tingnan man lang ang walang malay na asawa. Araw-araw niyang pinagdarasal na sana may himala na mangyari. Kahit imposible, hihilingin pa rin niya ito.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Nathan. Natunugan ni Monique na kailangang maiwan ang dalawa kaya nagpasya siyang lumabas.

“Lujille, maiwan ko muna kayo, ha? Dalhin ko lang itong pagkain sa labas.” sabi ni Monique at umalis. Sasagot pa sana si lujille pero nakalabas na si Monique ng kwarto.

Katahimikan ang namagitan habang nakatitig sina Lujille at Nathan sa isa’t-isa. Sa mga nangyari sa kanila noong mga nakaraang araw, walang ni isa ang gusting magsalita. Kapwa sugatan pa dahil sa mainit na bangayan.

Tiningnan ni Lujille si Arleigh.

“Siguro tama ka. Matagal pa nga siyang magigising.”

Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang tapang para kausapin si Nathan. Basta lumabas na lang iyon mula sa bibig niya.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon