Lujille
Tatlong araw na mula nang makita ko si Mama sa Correctional. Nasasaktan pa rin ako habang iniisip ang kinahantungan ng naging pagsasakripisyo niya. Kasalukuyan siyang nagpapa-check up sa Makati Med dahil sa dugong nakita sa kamay at bibig niya,. nandito lang ako sa bahay at naghihintay ng resulta.
Tumigil ako sa pagbabasa ng libro at napatingin sa labas nang may kotseng huminto sa harap ng bahay. Lumabas na lang ako para tingnan kung sino.
Then it's him. Matamang nakatingin si Arleigh sa akin.
"What are you doing here?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan." He retorted.
Baliw ba 'to? Siya na nga pumunta dito tapos ganyan pa ang sasabihin niya? Aba naman!
"Umalis ka kung wala kang matinong sasabihin." Sabi ko at tumalikod na.
Narinig ko ang mga yabag niya papasok ng bahay.
"Ganito na lang ba tayo? Susuko na tayo kahit paulit-ulit na tayong nasasaktan?"
"Pagod ako, Arleigh. Umuwi ka na."
Bubuksan ko na sana ang pinto nang mahagip niya ang kamay ko. Pinaikot niya ako para harapin siya.
"Well, ako hindi. Ipaglalaban natin 'to. Ilang beses ka nang nawala sa akin and this time, I won't let you go."
I'm glad na alam na niya ang totoo. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Napakasakit sa amin na mapaglaruan ng sarili naming mga magulang. Napatawad ko na si Mama. Ewan ko lang kung mapapatawad ni Arleigh ang ina niya.
"Mahal kita, pero hindi ko matitiyak na pwede nating mahalin ang isa't-isa hangga't nandiyan ang ina mo."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"I'll do whatever it takes. Everything. Hindi ako papaya na mawala ka ulit."
Then in one slow, soothing moment, he kissed my forehead. Ipinikit ko ang mga mata ko at lumayo sa kanya.
I looked at him. This might be my last moment with him.
"Umuwi ka na. Bye." Sabi ko at pumasok sa loob. Sumandal ako sa pinto at hinintay siyang umalis. Tumutulo na ang luha ko habang humahakbang siya paalis.
Nakita kong lumabas si Nathan galing banyo. Tahimik lang din siyang nakatingin sa akin.
"Nakaalis na ba siya?" tanong ko. Tumango lang siya.
"Then that's it. I pushed him away. Sana masaya ka na." sabi ko at naglakad papuntang kwarto.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...