Twenty-Three

5.8K 56 16
                                    

A/N: This is for you, MigShiin! You'll love Nathan even more. Enjoy! xoxo


Leslie

Betrayal was the first thing that sank in me. Habang papalayo ang kotse niya, patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko inasahan na kakalas siya sa akin ng ganun-ganon na lang. Akala ko tutupad siya sa pangako, pero siya rin pala ang unang babali. Masakit… pakiramdam ko tutumba ako anumang oras. Hiniling ko na rin na matumba ako at hindi na bumangon pa. Ayoko nang makaramdam ng kahit na ano.

I wiped my tears gamit ang panyo ko. Alam kong hindi ko siya kailangang iyakan ng ganun ka-bongga. Ngayon ko lang ilalabas lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Life is so unfair. Mabuti na lang pumasok agad iyon sa isip ko.

Tinawagan ko si Nathan. Karamay ko siya sa mga ganitong scenario bukod sa pagiging best friend-slash-special admirer ni Lujille.

Five rings. Nandiyan na ang kabilang linya. 

“Bakit?”

Gumulat sa akin ang sinabi ni Nathan. Parang galit yata siya.

“Nathan, libre ka ba mamayang gabi?”

“Oo. Wala naman akong ginagawa eh.”

“Pwede mo ba akong samahan uminom? Nakakainis lang talaga kasi eh.”

“Ano ba’ng nangyari?” tanong niya.

I sniffed. Ayokong sabihin sa kanya dito sa phone. 

“Basta. Magkita na lang tayo.”

Nakakabingi ang musika sa loob ng bar. Nakakabulag ang mga liwanag na kung saan-saan na lang tumatama. Malapit ko nang maubos ang isang bote ng margarita, pero hindi pa ako nalasing. Wala pa rin si Nathan.

Napahiga ako sa counter habang binabalanse ang sarili ko sa stool na inuupuan ko. Hindi ko na kaya ang sakit na narararmdaman ko. No one can heal this pain. Pinagsakluban na ako ng langit at lupa.

“Bumangon ka nga. Ke babae mong tao, nakalupasay ka diyan.”

Alam kong boses ni Nathan iyon. Bumangon ako para tingnan siya.

“Hindi ko na kaya.” sabi ko.

Itinabi niya ang bote ng margarita at ang shot glass.

“Talagang hindi mo kakayanin. Lasing ka na eh. Kailangan mo ng umuwi.” sigaw niya dahil sa sobrang lakas ng music.

“Mag-isa lang ako sa apartment ko. Walang maghahanap sa akin.”

Uminom siya ng isang shot ng margarita at napangiwi. Nasobrahan yata ang tama.

“Meron kaya. Ang buong sandatahan ng Philippine Daily Inquirer. Kung ayaw mong ma-sesante, magtino ka.”

Pinilit kong ngumiti. Kahit kalian talo ako sa lalaking ito. Mautak at magaling magbigay ng rason.

“Magkano ba ‘to? Nawindang ako sa tama, ha?” sabi niya, tinutukoy ang margarita.

“Bakit, babayaran mo ba?”

“Ikaw halos nakaubos nito pero ako ang pagbabayarin mo? Swerte mo masyado, neng!”

Napahaplos ako sa dibdib ko. Parang sinusunog ng wala sa oras.

“Hindi ko na kaya…” bulong ko sa sarili ko.

Biglang nag-iba ang mood ng music. It turned into a seductive one. Mabuti na rin iyon dahil hindi na kami magsisigawan para makapag-usap.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong niya.

Matatakot akong sabihin sa kanya yung totoo, pero sinabi ko na rin na sasagutin ko ito ng personal. Pinipigilan kong umurong ang dila ko.

Huminga ako ng malalim.

“Naghiwalay na kami ni Arleigh.”

Tumingin lang siya sa akin. Inasahan ko na ito mula sa kanya, at lalo lang akond ididiin na mali ko. But I badly need someone to talk to. Ayokong mabaliw na lang dahil wala akong nahihingahan ng sama ng loob. May gana pa kaya si Nathan na intindihin ako?

“Natural lang iyan. May asawa na yung tao eh.”

Lujille came into my mind. Lalo akong nabwiset.

“Pero nung hindi pa sila kasal, nangako siya na babalikan niya ako. Na ako yung mamahalin niya. Alam mo yung feeling na nag-e-expect ka pero hindi rin pala mangyayari? Ang sakit lang eh. Nagmukha akong tanga.”

Sinubukan kong pigilan ang mga luha ko, pero tumulo pa rin. Hinagod ni Nathan ang likod ko para mapatahan ako.

I know that feeling, pero didiretsuhin kita.”

Kinabahan ako. Wala siyang sinabing seryosong bagay na hindi naka-apekto sa akin. He’s straightforward, na tipong isasampal sa iyo kung ano ang totoo. And I know it will not comfort me. Not even a bit.

“Ano?”

Three, two, one. Brace myself. Kahit lasing na ako, I still have the will na makinig.

“Kinailangan niyang mamili. At sa simula pa lang, pinili na niya si Lujille. Pinili niyang sundin ang mga magulang niya kaya siya nagpakasal kay Lujille para ma-save ang negosyo nila. At ngayon sabi niya, babalikan ka niya. Kinailangan niya ulit mamili. Ayaw lang niya ng gulo kaya he chose to stay by Lujille’s side. Alam mo naman yung babaeng iyon. Daplisan mo sa braso, babarilin ka sa ulo.”

Hindi ko kayang aminin na may point ang mga sinabi niya. But still, hindi pa rin maibsan ang sakit na nararamdaman ko. I’m almost dying. The fact that Arleigh chose to leave me for Lujille hurts so much.

“Naiintindihan mo ba ako?” tanong ni Nathan nang mapansin ang pananahimik ko.

Tumango ako. Namili si Areligh. At hindi ako ang pinili niya. Kailangan kong tanggapin iyon.

“Mabuti naman. Move on, neng. Iba na lang landiin mo.”

Napabuntong-hininga ako. “As if madali iyon.”

Hindi nga madali. Pero magiging madali iyan kung sa iba mo itutuon ang atensiyon mo.”

Uminom na naman siya ng isang shot ng margarita.

“Hay, diyos ko naman! Ang tapang! Pwede bang haluan ng softdrinks ‘to? Para akong sinipa sa lakas ng tama.” reklamo niya.

Napangiti ako ng pagiging bungangero niya, pero nakatulong din naman iyon.

“Sayaw tayo, Nathan.”

Inilapag niya ang shot glass sa counter.

“Nagbibiro ka ba? Hindi ako marunong sumayaw.” 

Hinatak ko siya patungo sa dance floor. Biglang nag-transform yung music. Naging dance-pop. Sumayaw ako ng walang pakundangan. Pilit pa ang pagsayaw ni Nathan sa umpisa pero nakisabay na rin siya. At least makalimutan namin na pareho kaming bigo sa pag-ibig. Nagsanib ang mga pusong sawi at sugatan. 

Then out of the blue, hinila ko si Nathan at hinalikan ang mga labi niya. Matagal-tagal din iyon. Kumawala ako at nagpatuloy sa pagsayaw. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Nagising ako sa tindi ng sikat ng araw sa kwarto ko. Bumalikwas ako ng bangon at napatingin kay Nathan. Humihilik siya habang tulog na tulog sa sofa. Nahiya na rin ako na gisingin siya sa sobrang sarap ng tulog niya.

Naalala ko yung mga nangyari kagabi. Nag-usap kami, uminom siya. Sumayaw kami at hinalikan ko siya. Hinawakan ko ang mga labi ko. Hindi ko sana ginawa iyon. Sinamantala ko ang kabaitan niya. Sana paggising niya hindi niya maalala ang nangyari.

Bumalik ang sakit sa puso ko. Kahit anong gawin kong pag-comfort sa sarili ko na pinili ni Arlegih si Lujille para makaiwas sa gulo, wala pa rin epekto para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Pero kailangan kong tanggapin iyon. Ang problema ay paano.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon