“Ginawa ko na po lahat ng gusto ninyo. Hayaan niyo naman po akong magdesisyon para sa sarili ko.” sabi ni Leslie.
“At kasama ba diyan ang pagsuway sa akin? Leslie, I tell you. Malapit mo nang makuha ang gusto mo. Malapit na.”
Nang mga sandaling iyon, atat na atat na si Leslie na dumating ang in-order niyang pagkain. Pinahihirapan ng kausap niya ang kalooban niya. Kaya nga siya pumasok ng Manila Bulletin para makalayo kina Arleigh at Lujille. Isususko na niya ang matagal na niyang ipinaglalaban dahil alam niyang mali. Maling-mali. But she always insists, and it’s pushing her to the edge.
“Tita, hindi pa po ba malinaw sa inyo? Ayoko na. Oo, mahal ko si Arleigh. Pero para siya kay Lujille. Silang dalawa ang nagmamahalan at tanggap ko na po iyon. At nakakaalala na siya. Matagal na. So that leaves me with the last option, ang sumuko.”
The older woman slammed her hand on the table. Nanliit si Leslie sa tinging ibinibigay nga mga tao sa kanila.
“You are such a loser! Ang dali mong panghinaan ng loob. Dati umiiyak ka sa harapan ko dahil wala na si Arleigh sa iyo. Tapos ngayon, ang kapal na ng mukha mong iwan ako sa ere.”
“Dahil kahit ano naming gawin ko, ipagtatabuyan niya rin ako. Ayaw niya sa akin. Malinaw na po iyon.”
She groaned. “Oh, please! Ayusin mo nga iyang sarili mo.”
Leslie’s jaw set into a hard line. Konti na lang ang kulang, mag-eeskandalo na siya sa loob ng restaurant.
“Kayo ang may dapat ayusin sa sarili niyo. Ewan ko ba kung paano mo natitiis na gamitin ang sarili mong anak sa mga masasamang binabalak mo. Parang hindi ka ina.”
“You don’t understand me.”
“Tama! Hindi nga kita naiintindihan. At wala akong planong sakyan ka sa lahat ng gagawin mo. Kung ilalaglag mo ko sa harap ng anak mo, I can surely explain everything. Ikaw ang magmumukhang masama.”
“Pagsisisihan mo ‘to, Leslie.”
“Matagal na. Nakabaon na ang kalahati ng katawan ko sa hukay.”
Dumating ang wiater at ibinigay ang order ni Leslie.
“Pakibalot na lang. I’ll take that out.” she said to him. Binalot ng waiter ang order niya at bumalik din sa table niya.
“I have to go. And don’t call me again.” sabi ni Leslie sa kausap niya. Binayaran niya ang bill saka tumayo, and finally went out of the restaurant.
Pinagmasdan ni Anita si Leslie na naglakad palabas ng restaurant. Hindi niya kinaya ang mga sinabi nito kani-kanina lang. Sinasampal sa mukha niya ang katotohanang pilit niyang itinatanggi- sinasaktan niya si Lujille. Months ago, it may have been an ordinary wedding. Pero ang hindi alam ng lahat, sinisimulan na niya ang kanyang paghihiganti.
“Sigurado ka ba dito?” tanong sa kanya ni Monique habang hawak niya ang mga papeles.
She smiled in a devilish kind of way.
“Yes. Kung ayaw mo, umatras ka na lang. Walang kasalang mangyayari.”
“Ano ba talagang gusto mo, Anita?”
She swore she saw the shades of despair in Monique’s eyes. Iyon ang gusto niya. Ang magdusa si Monique.
“Kung ano ang gusto mo.”
Tiningnan ulit ni Monique ang mga papeles. Nakalagay doon ang terms and conditions ng merger. Kailangan niyang panindigan ang desisyong gagawin niya.
“Tandaan mo, ikaw ang lumapit sa akin para sagipin ang naghihingalo mong negosyo. You should abide to my demands.”
Nararamdaman ni Monique ang mga pangil ni Anita na tumutusok sa balikat niya. Wala na siyang magagawa kundi ang pumirma. Nagulat siya sa nakasulat sa huling papel na pipirmahan niya.
“Ano’ng ibig sabihin nito?”
“Basahin mo.” sabi ni Anita.
Napapirma nga niya si Monique. At ngayong wala na si Leslie sa tabi niya, hindi niya hahayaang may hahadlang sa mga palno niya. She needs to regain what’s hers, or it sounds that way. All for love.
Hinati niya gamit ang tinidor ang pagkaing in-order niya.
“O Nathan, nandiyan ka na pala.” sabi ni Lujille.
Umupo si Nathan sa porch matapos i-lock ang gate. Hindi pa rin niya malimutan ang nakita niya kanina, kahit alam niyang wala siyang karapatang masaktan. Tumabi si Lujille sa kanya.
“Sa’n ka ba galing?” she asked.
Sinubukan niyang hindi ipahalata ang tunay niyang nararamdaman.
“Diyan lang. Naglakad-lakad. Nagpahangin.”
“Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo.”
“Baka masaksak na naman ako? Daig ko pa kaya ang pusa.”
“Hindi naman siguro. Sinwerte ka lang yata..”
Tumawa sila pareho. Pinilit ni Nathan na tumawa. Pilit ring ibinabalik ni Lujille ang dati nilang samahan. Nakakailang sa pakiramdam.
“Syanga pala, nabayaran na ni Arkin ang pyansa mo. Hindi ka na babalik sa kulungan..”
“Alam ko na ‘yan. Tumawag sya kanina eh.”
Ngumiti si Lujille. “Mabuti naman. Tara, pumasok na tayo.”
Tatayo na sana si Lujille pero nagsalita si Nathan.
“Sandali, may sasabihin muna ako sa iyo.”
“Ano?”
Bumuntong-hininga si Nathan. “Aalis na lang ako dito.”
Kumunot ang noo ni Lujille. Hindi pa siya nakakabawi sa best friend niya matapos ang iringan nila.
“Nathan, hindi kita pinapaalis.”
“Alam ko. Pero kaya ko naman mag-isa eh. Pakiramdam ko masyadong pabigat ako dito.”
“Kailan ka ba naging pabigat? Sige nga, sabihin mo?”
Yumuko si Nathan dahil sa hiya. Sa tagal ng pinagsamahan nila, hindi siya magiging pabigat kahit ampunin pa siya ng pamilya ni Lujille.
“Lujille, trust me. I can manage kahit na hindi muna ako tumira dito. Kinausap ko rin naman si Ate Nida eh. Magpapasama na lang muna ako sa kanya. She’ll take care of me.”
Lujille felt offended. Pero hindi naman niya matatanggihan si Nathan. Siguro nga hindi solusyon ang pagpapatira sa kanya dito sa bahay para magkaayos sila. She heaved a defeated sigh.
“Kailan ka aalis?”
“Bukas ng umaga..”
Ngumiti na lang si Lujille. “Halika na. Mag-empake na tayo.”
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...