A/N: At matapos ang 10,000 years nakapag-update din ako! Sorry sa matagalang paghihintay. :(
Itinabi ni Nathan ang payong niya kasama ng iba pang mga payong sa labas ng police station. Pumasok siya sa loob at naghanap ng kung sino mang pwedeng kausapin tungkol sa krimen ginawa sa kanya. Nakita sya ng isang pulis at nilapitan sya nito.
“Bakit po sir? Ano pong kailangan niyo?”
“Ah, ganito po kasi iyon…” At sinimulan nang ikwento ni Nathan ang buong pangyayari.
Kanina pa tipa ng tipa si Leslie sa keyboard ng computer niya. Kailangan niyang habulin ang deadline ng editor niya para sa article na ilalabas bukas. Naghahabulan ang mga letra sa screen.
“Ingat ka sa pagta-type diyan. Baka masira mo yung keyboard.” sabi ng isang workmate niya.
Ngumiti lang si Leslie. “Kailangan ko po itong tapusin, Kuya. Konti na lang e.”
“E di tapusin mo na. Alam ko namang kaya mo yan.”
She focused back to her work. Concentration lang ang katapat niya sa mga oras na ito.
Pero naputol lang ang lahat ng iyon nang may kumatok sa pinto ng opisina nila. Patuloy pa rin si Leslie sa pagta-type ng article sa computer niya.
“Pwede po bang makausap si Miss Leslie Cojuangco?”
Eksakto ding natapos ni Leslie ang article niya nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses. Nakatayo ang tatlong pulis sa may di kalayuan. Iba na ang kutob niya dito.
“Bakit po?” Halata ang kaba at pangamba sa boses niya. May nakikita siyang masamang pangyayari. At ngayon pa lang alam na niya kung ano iyon.
“May naghain po ng warrant of arrest sa inyo. Si Nathan Buenaventura.”
Si Nathan. Alam na niya ang dahilan kahit na hindi pa sabihin ng mga pulis. Sumama siya ng walang pag-aalinlangan.
She woke up cradled in the strong arms of her husband. Her back was facing him and he could feel the rising and falling of his chest. The rays of the morning sun filtered inside their room. She suddenly wished that every day it’s like this, waking up without worries and spending each second with the man she spent most of her life loving.
She turned around and gently touched his face. Ngayon lang niya naramdamang masaya siya simula nang ikasal sila ni Arleigh. Gusto niya ganito palagi – maligaya at walang inaalala. Napapagod na rin siya sa dami ng mga problema niya.
He stirred a bit and her hand stopped in midair. Baka naistorbo niya ang asawa. She felt guilty. He opened his eyes and smiled at her.
“Good morning.” sabi niya.
Lujille kissed his lips. “Good morning.”
He pulled her closer to him in a warm embrace he stroked her hair while her face was buried on his chest.
“Nakatulog ka ba ng maayos?”
She smiled. “Oo naman. Sino ba’ng hindi? Katabi kaya kita. Masarap ang bawat tulog ko.”
He hugged her even tighter. “Ayoko kasing mawala ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.”
She swore she melted at his words. Pakiramdam niya iiyak siya pero pinipigilan lang niya ang kanyang mga luha.
“Minsan ka nang nawala sa ‘kin. Mababaliw ako kapag nawala ka ulit.”
And he made a mental promise to himself na hindi siya mawawala ulit. Not at this point kung kailan napakasaya na nila.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...