A/N: IamMissStalker, niabot na jud imong moment. Dia na imong gipangayo. If you haven't read chapters 1-24, read it na para makasabot ka sa story. Hehe. Pasensya na rin dear readers at matagal-tagal akong nakapag-update. Busy kasi eh. May special announcement ako. Click niyo lang yung post kasunod nito. Enjoy reading! :D
Lujille
Biglang sumagi sa isip ko ang pag-alis ni Arleigh habang natutulog ako. Kaya pala umalis siya para hiwalayan si Leslie. Nabunutan na rin ako ng tinik sa wakas.
Dumating si Arleigh sa opisina ko at umupo lang sa sofa. Ni hindi man lang siya ngumiti. Siguro hindi pa maka-recover sa nangyari. Tumagal sila ng ilang taon kahit sinamantala lang ni Leslie ang pagkakataon.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na hiniwalayan mo na pala siya?” tanong ko.
“Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa iyo eh. Baka magalit ka na naman dahil nagkita kami.”
Tumayo ako at tinabihan siya sa sofa.
“Paano mo naman nasabi iyan? Pwede mo naming sabihin sa akin eh.”
“Ayoko lang na magalit ka.” sagot niya.
Ngumiti na lang ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Ngayon tiwala na ako na mapayapa na kaming mamumuhay.
Nag-ring ang doorbell Sabado ng umaga. Nagising ako sa mahabang pagkakatulog. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table. Alas-otso pa ng umaga.
Bumaba ako para salubungin kung sinuman ang nasa bakuran ng ganito kaaga. Binuksan ko ang pintuan.
“Lujille, anak!” bungad sa akin ni Mama. Napakalaki ng ngiti niya.
“Ma.” Pilit akong napangiti. Nasa likuran niya si Jen at ang dalawang anak nito. Doon ko lang naalala ang sinabi ni Arkin.
“Hindi mo ba bubuksan yung gate?” tanong ni Mama.
Oo nga, ngumiti ako, pero sarado yung gate. Dali-dali akong tumakbo para pagbuksan silang apat. Tumuloy din kami sa loob ng bahay.
“Sorry to bother you this early, Lujille. Kailangan ko kasi ng mapag-iiwanan ng mga bata. May business trip kasi kami ng asawa ko eh. Okay lang ba?” sabi ni Jen habang naglalakad kami patungo sa sala.
I smiled. “Sinabihan na kami ni Arkin tungkol diyan at okay lang sa amin iyon. Saan nga pala ang punta mo?”
“Sa Cebu. Kailangan lang talaga eh.”
Biglang lumapit ang isang batang babae kay Jen.
“Mommy, where’s Tito Arleigh?” tanong nito.
Wow. Ke bata-bata pa, fluent na sa English. Nahiya naman ang Master’s degree ko sa Business dahil sa batang ito. Nung bata ako, Tagalog lang ang salita ko.
“He’s sleeping pa, Basha.” sagot ni Jen.
So siya pala si Basha. Magandang bata. Yung features ng mukha niya, nakuha niya kay Jen.
Binaling ni Jen ang atensiyon niya sa akin.
“Nasaan nga pala si Arleigh?” she asked.
“Natutulog pa… sa kabilang kuwarto.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit magkahiwalay kayo ng kwarto? Di ba mag-asawa kayo?”
“Oo nga, pero…” I guess I don’t owe her any explanations. Hindi niya siguro alam ang buong kwento.
“Pero?”
“Tatawagin ko muna, ha?” palusot ko at nagmadaling umakyat papunta sa taas.
Hindi na ako kumatok pa. Binuksan ko na ang pinto ng kuwarto ni Arleigh. Marahas ko iyong isinara.
Parang ngayon pa lang, naduduwag na akong gisingin siya. Mahimbing pa ang tulog niya at nakabuka pa ang mga hita. Pero kailangan niyang malaman na nandito na ang dalawang batang magpapa-stress sa kanya.
Umupo ako sa gilid ng kama at niyugyog siya.
“Babes…”
Umungol lang si Arleigh at nagpalit ng posisyon. Nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya.
“Babes, may bisita tayo. Nandito na sina Jen at ang mga bata.”
Tiningnan niya ako. “Seryoso?”
“Mukha ba akong nagbibiro? Bumangon ka na nga diyan!”
Napilitan siyang bumangon. May simangot sa mukha niya nang mahina niya akong tinulak para hanapin ang tsinelas niya. Sinuot niya iyon at iniwan ako sa kwarto.
Paglabas ko, nagbatian ang dalawang magpinsan. Nagkukulitan sa tabi ni Mama ang kambal. Bumaba ako sa sala at nakisali sa kanila.
“Kumain na ba kayo, Ma? Ipagluluto ko po kayo?”
Ngumiti lang si Mama sabay ng isang energetic na pagtango.
“Bakit ba magkahiwalay ang mga kwarto niyo?”
I rolled my eyes. Dalawang beses nang tinanong ni Jen sa akin iyan habang nagluluto ako ng bacon. Kung ikukwento ko sa kanya ang lahat, siguradong hindi siya makakaalis patungong Cebu.
Hinarap ko siya.
“Trip lang namin. Masyado na kasing mainstream yung magkatabing matulog eh. For a change din.” I joked, pero ako lang yata ang natawa. I can see that from their expressions. Ngumiti lang si Jen.
Inihain ko na ang bacon sa kanila after a few moments. Nakaupo na kaming lahat sa hapag-kainan.
“Kain na.”
Nagpatuloy ang usapan. Halata sa mukha ni Arleigh na naiinis siya sa dalawang bata. Makulit ang mga ito.
Ngumiti si Basha sa akin at nag-hello. Patay-malisya lang si Bugoy.
“Tita Lujille, you and Tito Arleigh look good together.” Basha complimented.
“Naks naman! Thank you, hija.”
“Babes ha? Ang lakas mong maniwala sa joke.”
Siniko ko si Arleigh.
“Bagay tayo, babes. Tanggapin mo na lang.”
“Look Basha o! She’s too mean to Tito.” sabi ni Bugoy.
“Bugoy? Don’t be mean. Respect her.” saway ni Jen.
Dapat pala mag-ingat ako kay Bugoy. At si Basha naman, love na love ko na. Masabihan lang ako na bagay kami ni Arleigh, kinikilig na ako. Bumabaha na ang ganda points ko niyan.
“Basha, ano’ng gusto niyong gawin ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Punta tayo sa Star City. I want to ride a carousel.”
I smiled. “Sure. Sasakay tayong dalawa doon.”
“Star City? Diyos ko, ang cheap.” komento ni Arleigh.
“Sige na po, Tito? Please?”
Nagmakaawa na si Basha. Sana bumigay ‘tong lalaking ito.
“Babes, pagbigyan mo na yung bata.”
“Oo na, sige.” He answered in defeat.
Alam kong ayaw niya sa amusement parks, pero isang bahagi ng nakaraan namin ang ipapaalala ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...