Kuyom ang kamay ni Nathan habang tinatahak ang daan palabas ng ospital. Gusto niyang takasan ang isang mapait na katotohanan. Isinampal iyon ni Lujille sa mukha niya. At ang gabing iyon ang pinakamasaklap na pangyayari sa kanyang buhay.
Asawa ko siya, kaibigan lang kita.
Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Masakit talagang isipin ang sinabi ni Lujille at kailangan niyang tiisin iyon.
“Nathan.”
Lumingon si Nathan sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Leslie na mga ang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Nilapitan niya ito habang napupuno ng galit ang puso niya. Si Leslie ang dahilan kung bakit nagdurusa ngayon si Lujille at nakaratay si Arleigh ngayon. Ito ang puno’t dulo ng lahat ng sakit na nararamdaman nilang tatlo sa mga oras na ito.
“Leslie.” Sabihin lang niya ang pangalan nito, para na siyang pinapatay. Ito na yata ang pinaka-nakakalasong pangalan sa mundo.
“Nathan…” Humihikbi na si Leslie dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Napayakap siya kay Nathan pero itinulak lang siya nito.
“Sabihin mo, pano mo nagawa sa kanila ‘to, ha?!”
Hindi agad makasagot si Leslie. Hindi rin niya alam kung ano ang isasagot.
“I’m… I’m sorry.” sabi nito.
“Sa lahat ng katarantaduhang ginawa mo, sorry lang ang kaya mong isagot?! You’re stupid!”
Umiyak lang si Leslie habang umalingawngaw ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pati si Nathan ay nawalan ng sasabihin. Pero alam niyang kailangan niyang magsalita.
“Ganyan ka na ba talaga kadesperada na balikan ka niya? Si Arleigh na ang unang bumitiw. I kept on telling you na tigilan na ‘to pero matigas ang ulo mo.”
Tuluyan nang humagulgol si Leslie.
“Nathan, hindi mo alam eh! Hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang kailangan kong pagdaanan para magawa ko ‘to! Palagi mong sinasabi sa akin na naiintindihan mo ko pero ang totoo, hindi! Pagod na pagod na ko, alam mo ba iyon? Masakit na ang loob ko. I can’t take this anymore!”
“Kailangan ko na naman bang ulitin ‘to? Ano? Gusto mo sabihin ko ulit?!”
She harshly wiped her tears with the back of her hands.
“No! I won’t stop!”
“Then brace yourself. Pagbabayaran mo ang lahat ng ‘to.”
Sinubukang sampalin ni Leslie si Nathan. Nasalo ni Nathan ang paparating na atake ni Leslie. Sinampal niya ito ng pagkalakas-lakas na halos ikatumba nito sa sahig.
“Ikaw na yata ang pinakamasamang taong nakilala ko, Leslie.” sabi ni Nathan at umalis agad.
Naiwang nakatunganga si Leslie habang dinadama ang sakit ng mga salita ni Nathan.
“Ate, umuwi ka muna. Hindi ka pa nagbibihis. Hindi ka pa rin kumakain.” sabi ni Lorraine. Tumango lang si Lujille. Kanina pa siya nakaupo sa gilid ng higaan ni Arleigh. Hawak niya ang kamay nito habang ito’y tulog.
Pagod na siyang isipin kung bakit kailangang umabot ang lahat sa ganito. Ang gusto lang niya ngayon ay ang magising si Arleigh. Kaya niyang kalimutan ang lahat ng problema at ang masasamang nangyari sa kanila.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Arleigh bago umalis. Nakasalubong niya si Nathan habang papalabas siya ng ospital. Hindi naging maganda ang pag-uusap nila kanina. Nilapitan niya ito at pareho silang tumigil sa paglalakad.
“Nathan, I’m sorry sa mga nasabi ko kanina. Alam kong mali pero nadala lang ako ng mga emosyon ko.” sabi niya dito.
Tiningnan lang ni Nathan si Lujille. Pinangako niya sa sarili na labas na siya sa buhay nilang mag-asawa. Kailangan niyang panindigan iyon.
“Tumigil ka.”
Sandaling napatigil si Lujille. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Nathan. Napakunot ang noo niya.
“Nathan-“
“Sabi ko tumigil ka!” bulyaw ni Nathan dito.
“Ano ba’ng problema mo?! Nagso-sorry na nga ako ‘di ba? What else do you want?” sigaw na rin ni Lujille. Sa init ng mga ulo nila, malabo silang magkausap ng malinaw.
“Ikaw ang problema ko. At wala akong pakialam sa iyo.” he coldly said.
“Pwede pa naman nating pag-usapan ‘to, ‘di ba?”
“Shut up! Just shut up! Umuwi ka na.”
Tumulo ang mga luha ni Lujille. She pushed her best friend away, now it’s time to deal with the loss. Umalis na lang siya sa harapan ni Nathan pero may pahabol pa ito.
“I’d be the happiest man in the world kung hindi na siya magigising.”
That hurt her more. She walked faster away from him.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...