Unang bumaba ng kotse si Lujille pagkarating namin sa boutique. Para talaga siya sa mga nagbubuntis kasi puro maternity dresses and needs ang binebenta nila. Sumunod ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob.
Binati kami ng saleslady. Nginitian lang namin ni Lujille ang babaeng iyon at nagsimula nang tumingin-tingin sa mga damit.
"Kumusta na yung coffee shop mo?" tanong ko habang pumipili ng damit.
"Okay naman. Under construction pa yung pwesto but I made sure na malawak yung space. Tsaka pang-masa naman yun eh. Afford ng lahat. Kahit negosyante o estudyante."
Ngumiti ako. "Very well said. Libre kape ko ha?"
"Oo naman. Hugasan mo na rin pati mga pinggan."
"Sira!" nasabi ko na lang.
"Bagay ba 'to sa 'kin?" Humarap siya at pinakita ang isang puting damit.
Kumunot ang noo ko ng konti. "Puti? Seryoso ka? Para kang med student niyan."
"Trip ko 'to eh! Tsaka wag mong ipaalala sa akin yang med-med na iyan. Nalulungkot lang ako."
Noon kasi gusto niyang kumuha ng med course sa college pero pinigilan siya ng mama niya. Baka naaalala niya si Tita Anita ngayon. Sana nga lang nami-miss niya ang ina niya kahit hindi sila maayos ngayon.
"Pero puti talaga ang gusto mo? Adik ka rin eh."
Limang maternity dresses na ang kinuha niya mula sa rack.
"Oo nga! Ba't ba ang kulit mo?"
"Tamad ka namang maglaba basta puting damit. Tingnan lang natin."
Ngumisi siya. "Isusukat ko muna 'to. Wag kang aalis ha?"
"Lumayas ka nga."
Tumawa lang siya at pumunta na sa fitting room. Maya-maya lumapit sa akin ang isa sa mga salesladies.
"Ang cute niyo naman pong mag-asawa, Sir. Ilang taon na po ba kayong kasal?"
Hindi ko napaghandaan ang sinabi niya. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Ah miss, hindi kami mag-asawa. Mag-best friend lang kami." Paliwanag ko.
Nawala ang enthusiasm sa mukha niya. She must have been assuming all this time.
"Ay, gan'on po ba? Pasensya na po, Sir. Ang gwapo niyo po kasi eh. Kung asawa niyo sana ang kasama niyo, bagay na bagay po kayo para maging one big happy family."
Nakakatuwa naman ang sinabi niya. Sana. Sana nga lang ako talaga ang ama ng batang iyan. Sana ako na lang ang asawa ni Lujille.
Sana nga.
"Okay lang." Napangiti na rin ako sa saleslady dahil sa honesty niya.
Lumabas ng fitting room si Lujille at tinawag ako.
"Bagay ba?"
At para ulit akong teenager na naa-attract sa kanya. Tiningnan ko lang siya na parang tanga.
"Oo. B-Bagay." Bagay na bagay.
Binayaran ko na lahat ng mga damit na pinili ni Lujille. Hanggang paglabas namin, naririnig ko pa rin ang bulong nila.
"Ang cute talaga nung guy! Swerte yung girl sa kanya."
"Bagay talaga sila!"
Alam ko, alam ko.
Araw-araw akong dumadalaw sa tinatayong coffee shop ni Lujille. Kahit hindi pa tapos ang interior design nito, pinatuloy niya pa rin ako. Masaya ako at unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya. Matagal na kasi niyang gusting magtayo ng coffee shop. College pa lang kami sinasabi na niya sa akin 'to. Kahit hindi siya natuloy sa pagkuha ng med course, sapat na para sa kanya na maitayo niya itong coffee shop.
"Mukhang in six months time, matatapos na 'to." Sabi ko habang tinitingnan ang buong lugar.
"Sana nga. Excited na akong buksan 'to. Dream come true na 'to eh."
"Basta yung kape ko ha? Libre mo ko palagi."
"Sure. Akong bahala sa iyo." Tapos hinimas niya ang tiyan niya. "At sa iyo din."
Talagang mahal na mahal niya ang anak niya kahit wala na si Arleigh. Sa tingin ko hinihintay niya pa rin ang lalaking iyon.
Sa tingin ko, aasa na lang ako habambuhay.
"Ano'ng gusto mong gender ng anak mo? Lalaki o babae?"
"Depende. Hindi naman ako pwede mamili."
"Paano kung bakla ang lumabas?" biro ko.
Siniko niya ang tiyan ko. "Gago ka pala eh! Pag ikaw naging tatay, humanda iyang batang iyan sa akin!"
"Aray! Ito naman, di na mabiro."
Tinawanan niya alng ako habang hinihimas ko ang parteng siniko niya kani-kanina lang.
"Tanga ka talaga hijo." Nanghihinayang na sabi ni Ate Nida sa akin. Mula nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente, siya na ang tumayong magulang ko. Tanggap na rin ako ng pamilya niya. Kaya hindi na ako nagrereklamo o naiinis kapag nag-uusap kami ng ganito.
"Alam ko po, pero mahal ko siya eh. Ano bang magagawa ko?" sabi ko. Nasa hita ko ang ulo ni Lujille at nakahiga siya sa sofa. Bagsak ang katawan sa pagod. Hinahaplos ko ang buhok niya. Mabuti hindi siya nagigising.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Malinaw naman sa iyo na hindi ka niya gusto. Sinasaktan mo lang ang sarili mo."
Hindi na lang ako umimik. Pinakinggan ko na lang ang paghilik ni Lujille. Dahil tama si Ate Nida.
Lalaki nga ang anak ni Lujille. Four months na siyang nagbubuntis n'on nang malaman naming iyon. Healthy naman ang bata. Pinayuhan lang si Lujille na alagaan ang sarili niya atb kumain ng tama.
Pabalik na kami ng coffee shop pero hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi niya. Nakatingin lang siya sa labas.
"Ano'g plano mong ipangalan sa bata?" tanong ko habang nagmamaneho.
"Charleigh."
Charleigh. May bahid pa rin ni Arleigh kahit sa pangalan ng bata. Hindi ko naman siya masisisi kasi anak niya iyan. Pero pwede bang kahit minsan magkaroon naman ako ng puwang sa mundo nila? Kahit maliit lang. Kaya kong pagkasyahin ang sarili ko d'on.
Nakarating na kami sa coffee shop at una siyang bumaba. Nagpaiwan ako sa loob ng kotse para makapag-isip. Charleigh, Charleigh, Charleigh.
That weekend, pinagluto ko siya ng spaghetti with matching meatballs kasi natatakam daw siya. Hinain ko na ang pagkain. Nangangalahati pa lang siya sa kinakain niya nang itulak niya ang plato.
"O, bakit? Hindi ba masarap?" tanong ko.
"Masarap naman, pero busog na 'ko. Tapusin mo na lang." sabi niya.
"Sure ka?" Nag-effort pa akong magluto tapos ganyan lang ang sasabihin niya? Para akong sinampal ng kahoy sa mukha.
"Oo. Akyat na ko sa taas. Inaantok ako eh."
Inutusan pa niya akong bumili ng manggang hilaw at bagoong bago niya isara ang pinto.
Malayo ang tinagge galing dito at sigurado akong hindi ko mabibili sa supermarket iyon.
Sa'n nga ba ako maghahanap?
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...