Sixty-Two

2.5K 37 0
                                    

Lujille

“What the hell do you want?!”

Halos mapunit ang lalamunan ko sa kakasigaw. It’s just so rude of him to take me away in the middle of Leslie’s wedding ceremony. Ayos na sana kasi malapit nang maghalikan sina Leslie at Bryan. Nakakakilig na sana if I hadn’t felt the urge to pee. Kung pwede lang, bubugbugin ko ‘tong lalaking ‘to.

“Just let me borrow you for a while.” He said and flashed his all too cocky smile.

I clenched my fist. This is not going anywhere.

“Take me back.” I replied.

“Lujille, kahit ngayon lang. Let’s talk.”

Pero ewan ko kung may gana ba akong makipag-usap sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa kanya na ayaw ko ring sabihin at the same time. Magulo ang utak ko. Sana nga lang hindi ko na siya nakita ulit.

“Wala tayong kailangang pag-usapan.” Sabi ko.

“Marami, Lujille. Hahatakin ba kita dito kung hindi kita gustong makausap?”

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar na pinagdalhan niya sa ‘kin. Nasa gitna kami ng isang mahabang tulay. Tubig na ang nasa ibaba nito. Kami lang dalawa. Walang ibang sasakyang dumaraan and I get the feeling na pinasara niya ‘to.

“Kung iniisip mong pinasara ko ‘to, tama ka. Pinasara ko nga.”

Malamig at kabadong tingin ang ipinukol ko sa kanya. I’m starting to feel the creeps.

“Ano ba talagang gusto mong marinig mula sa ‘kin?!” iritado kong tanong.

“Everything. I want to hear everything from you in the last seven years.”

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin pero binitiwan ko ang mga salitang mtagal ko nang kinikimkim.

“Wala kang kailangang marinig mula sa akin! Ikaw ang nawala kaya ikaw ang magpaliwanag. You don’t know how long I waited for you!”

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Kung ganito lang din naman ang mangyayari, sana hindi ko na lang siya nakita ulit. Pagod na pagod na akong masaktan at umasa.

“You don’t know what happened.” He said.

“Exactly! And I’m not in the mood to know. Kaya please naman Arleigh, bumalik na tayo.” I pleaded.

“No, hindi tayo babalik! Masasayang lang ang lahat ng pagod ko ‘pag bumalik tayo agad.”

“Arleigh ano ba…” I pleaded again. Hindi ba talaga siya madaan sa matinong usapan?

“Kapagt sinabi kong hindi, talagang hindi.” Sabi niya at hinila ako patungo sa harapan ng kotse. Pinaupo niya ako sa hood ang he folded both his arms across his chest.

“Simple lang naman ang gusto ko e. just tell me everything.”

“Gusto mo malaman lahat? Eto na, sasabihin ko na.”

I looked to the ground. Wala nang atrasan ‘to. Hinihintay niya pala akong magsalita kaya tahimik lang siya.

“Nagising ako sa isang hotel room pagkatapos akong mawalan ng malay. Naabutan ko d’on si Mama. Sinabi niya sa ‘kin na siya ang may pakana kung bakit tayo nagkahiwalay. Sinisi ko siya at sinabing sana pinatay na lang niya ako. Pero hindi ko na siya muling nakausap pa. Sumuko na siya sa mga pulis.

Since then, si Nathan na ang kasama ko sa buhay. Tinulungan niya akong itayo ang coffee shop na meron ako ngayon. He’s always been a good friend. Hindi niya ako iniwan.”

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon