One

17.9K 161 20
                                    

“Ate.”

Kanina pa may kumakalabit sa braso ko. Paulit-ulit. Nagsisimula nang mamuo ang inis sa kalooban ko.

“Ate.”

Na naman! Ilang beses bang dapat ulitin iyan ha?

“Ate!”

I blinked twice at tumingin sa kanan ko. Nakita ko ang simangot sa mukha ni Lorraine. Kung hindi niya ko sinigawan, hindi ko malalaman na kanina pa pala ako tulala.

“Ano ba?” iritado kong sabi sa kanya.

She grinned widely. “Pengeng baon.” sagot niya at inilahad ang palad niya. Napabuntong-hininga ako at kumuha ng limang daang piso mula sa wallet ko. Ibinigay ko iyon sa kanya at tumayo na siya.

“Thanks. Una na ko ha. Bye.” sabi niya tsaka humalik sa pisngi ko.

“Take care.” bilin ko at ininom ang kapeng kanina pa naghihintay sa harapan ko.

After a few minutes, dumating si Mama at sumalo sa akin. As usual, palaging masigla ang usapan naming, na madalas napupunta kay Nathan.

“Anak, si Nathan nga pala, kalian ulit dadalaw dito?” tanong niya.

Napatigil ako sa pagkain at nag-isip sandal. Siya ang pinaka-atat na tao dito sa mundo pagdating sa pag-aasawa ko. At kung mangyari man iyon, gusto niyang si Nathan ang pakasalan ko.

“Ma, alam mo naman di ba? He’s just my best friend.” sagot ko.

“Best friend na may pagtingin sa iyo?” diin niya.

I rolled my eyes. Ilang beses ba niya kailangan ipagpilitan iyan?

“You’ve known him since childhood. Imposible iyon noh.”

Nagkibit-balikat siya. “Who knows. Hindi ka pwedeng maging sigurado sa lahat ng bagay, Lujille.”

Ngumiti lang ako sa kanya at pinag-isipan ang mga salitang iyon.

Habang nagmamaneho papuntang Makati, biglang nag-ring ang phone sa tabi ko. Pangalan ni Nathan ang nakalagay sa careen, na kanina pa pala ako tinatawagan.

“Nathan, bakit?”

“Libre ka ba mamaya? Lunch tayo.” He said on the other end.

“Sure.” Agad kong sagot at ibinaba ang telepono. Tahimik kong binabaybay ang unti-unting ma-traffic na daan ng may pulang kotseng nag-overtake sa akin. Humarurot ito na parang walang bukas sa harapan ko at tinangkang tumakas.

“Buwiset.” bulong ko sa sarili. 

Binilisan ko ang pagda-drive para habulin ang kotse. Tinapakan ko ang accelerator para sundan ang mala-Ferrari na sasakyang muntik nang kumitil sa buhay ko.

I’m driving at 120 kilometers per hour, just enough to keep up with his damn pace. Unti-unti siyang lumalayo habang papalapit ako. Nauubusan na ko ng pasensiya at binilisan pa ang pagda-drive.

Binangga ko ang likurang parte ng kotse to catch the driver’s attention, pero nanatili siyang deadma. I overtook him this time and drove past him, at hinarangan ang kotse niya, causing both of us to stop.

Marahas kong binuksan ang pinto ng kotse ko at pinuntahan ang Ferrari. Tama nga ang hinala ko. Ferrari ang brand ng kotse. Kinatok ko ng dalawang beses ang bintana. Bumaba ito nagpakita ang isang guwapong lalaki.

“Is there something wrong?” he asked confidently.

Napakuyom ako sa galit. This guy is pretty insane.

“Yes, there is. Alam mo bang muntik mo na kong pinatay? Kung hindi ka nag-overtake, malamang nasa Makati na ako ngayon!”

“I’m sorry, kung ganon. Kanina pa ako nagmamadali. Naaksidente ang kapatid ko kaninang madaling araw. Nasa ICU siya ngayon at kailangan niya ko.”

I rolled my eyes. “Tch. Ang babaw mo naman! Pwede ka namang magmadali ng walang sinasaktang tao di ba?” 

Sa totoo lang, his excuse is the lamest I’ve ever heard. Nakakainis pakinggan ang taong ‘to.

Galit ang namuo sa mata niya nang tingnan ko siya ulit.

“I said I’m sorry, right? Now if you don’t mind, mauna na ko.” sabi niya at akmang paaandarin ang kotse.

“Sa susunod, mag-ingat ka. You’re too clumsy. Baka makapatay ka niyan.”

Lumabas siya ng kotse at padabog na isinara ang pinto nito. Nabigla ako sa tunog noon at tiningnan siya. Ngayon nakita ko na ang iritadong ekspresyon sa mukha niya.

“Isang hirit pa, at hindi ko magkakamaling pulbusin ang maganda mong mukha. Hindi ka pa ba nakuntento, ha? Binangga mo na nga ang taillights ng kotse ko, sinisigawan mo pa ko! Talaga bang wala ka ng natitirang breeding sa sarili mo? Umayos ka nga!”

“Sige, pulbusin mo kung kaya mo! Lumabag ka na nga sa traffic rules tapos mananakit ka pa. Puwede kitang idemanda alam mo ba iyon?”

This time, he rolled his eyes.

“Shit. Whatever.” bulong niya sa sarili niya, pero malinaw kong narinig iyon.

Tinanggal ko ang kaliwang pares ng sandal ko at ginamit iyon para hampasin ang windshield. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Basag ang malakung bahagi nito na nakaposisyon sa harapan ng driver’s seat. Wala akong pakialam kahit Ferrari pa ang brand ng kotse basta ang importante, naturuan ko siya ng leksyon. 

“What the - ! Ano ba’ng problema mo?” sigaw niya.

Isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko. “Hindi naman masyadong obvious, di ba? Sana magtanda ka na.”

Inihanda niya ang kamay niya para sampalin ako, pero hindi niya itinuloy. I guessed him right. Hindi niya kayang manakit ng babae.

“Ikaw ang magtanda. Sisingilin kita ng malaking danyos para dito.”

“Shit. Whatever.” I imitated, but I said it louder than him. Naglakad na ako pabalik sa kotse ko at nagmadaling umalis. Pakiramdam ko nanalo ako sa loto pagkatapos ko siyang gantihan. Buti nga. Serves him right.

Gaya ng nakagawian, madami akong inasikasong paperworks sa opisina. Kahit nakakapagod ay kinakaya ko lumipas lang ang oras. Pagdating ng alas-dose, tumawag si Nathan.

“Lujille, nasaan ka na? Remember sabay tayong magla-lunch. Libre mo ngayon kaya huwag mo kong takasan.”

Natawa ako sa sinabi niya. “Oo na, oo na. Libre ko. Uma-activate lang iyang radar mo kapag libre na ang pinag-uusapa eh. Nasa office pa ako. Wait ka lang diyan, okay?”

“Okay.” natutuwa niyang sabi at ibinaba ang phone. Napangiti ako sa sarili ko. Having lunch with Nathan means comfort. Naipapalabas ko ang tunay na ako kapag kasama ko siya. Halos lahat ng sikreto ko, alam niya. And since magkakilala na kami mula pagkabata, magkapatid na ang turingan namin sa isa’t-isa. He’s the brother I wish I had. Pero kahit hindi kami magkadugo, hindi naming itinuturing na ibang tao ang bawat isa sa amin.

Nag-ring na naman ang cellphone ko, na parang nagsasabing “Enough of daydreaming, Lujille”. Sinagot ko ang tawag niya at naghanda na para umalis ng office.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon