Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 4)

2.3K 21 1
                                    

Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lujille. I was hoping again. Umasa na naman ako that there's something going on between us. Makailang ulit ko nang hinampas ang ulo ko sa pader para magtanda naman ako kahit sandali lang.

Tinulungan ko pa rin si Lujille sa finishing touches and last minute preparations sa pagbubukas ng coffee shop niya. It's cleverly named Nathanielle, combination ng mga pangalan namin. Pinakitunguhan ko siya in a professional and businesslike way.

Makailang ulit niya ring pinisil ang braso ko kung walang nakakakita. It's what she always does kung gusto niyang makipag-ayos sa akin tuwing nag-aaway kami. Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy sa run-through para sa opening.

Successful ang opening ng Nathanielle. Maraming pumunta at tumikim ng iba't-ibang flavors ng kape. Kita ko ang pag-iingat ni Lujille sa sarili niya sa kabila ng maraming tao.

Umupo ako sa isang sulok at naglaro ng games sa cellphone ko. Naririnig ko ang mga taong nagtatanong kay Lujille kung asawa ba niya ako.

""Hindi po. Best friend ko lang po siya."

And then again, nagkalasog-lasog ang puso ko.

"Sir, pinabibigay po ni Ma'am Lujille sa inyo." sabi ni Erika, isa sa mga barista dito, at inilapag ang isang Java Chip Coffee sa mesa ko. Yung pinakamalaking size pa.

Tiningnan ko siya mula sa malayo. Unti-unti na siyang nakakabawi sa 'kin.


Dalawang linggo na ang lumipas mula ng opening. Hands-on pa rin si Lujille sa pagpapatakbo ng coffee shop sa kabila ng pagbubuntis niya. Of course, hindi ko siya hahayaang gawin ito nang mag-isa lang kahit kasabay ko itong mina-manage kasama ng restaurant ko.

Nang minsang konti lang ang tao sa coffee shop at abala ang mga barista, kinausap ko siya nang masinsinan.

"Hindi ka na ba talaga aasa pa?"

"Aasa na ano?"

"Na babalik si Arleigh."

Tumingin siya sa tiyan niya at ngumiti. "Ayoko nang masaktan pa. Sapat na sa 'kin ang anumang meron ako ngayon."

"Paano kung bumalik siya?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko –"

"Lujille?"

Napasigaw siya at namilipit sa sakit. Humigpit ang hawak niya sa tiyan.

"Lalabas na!"

"Talaga?"

"Nathan, sa ospital tayo! Dali!"

Agad akong lumabas at pumara ng taxi. Mabilis din kaming nakarating sa ospital.


"Nathan, hindi ko na kaya..." nanghihinang sabi ni Lujille. Maputlang-maputla na siya habang hinahatid sa emergency room. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko na rin nararamdaman ang mga binti ko sa kakatakbo.

"Lujille, kaya mo yan. Hwuag kang susuko. Mabubuhay kayo ng anak mo."

"Samahan mo 'ko..."

"Sira ka ba? Hindi pwede no! Pagagalitan ako ng mga doktor." katwiran ko.

Bumukas ang mga pinto ng emergency room. Binitiwan ko ang kamay niya. Bigla siyang sumigaw.

"Papasukin niyo ang mister ko!"

Natigil ang mga nurse sa paghahatid kay Lujille. Bumaling silang lahat sa akin.

"Diyos ko naman lalabas na yung anak ko! Papasukin niyo siya!"

Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya, nagawa pa niya akong ituro. Nagmadali akong tumakbo at sinamahan sila sa emergency room.

Nagsimula na ang mala-roller coaster na panganganak ni Lujille. Tanging sigaw lang niya ang pumuno sa buong silid. Tagaktak na rin ang pawis niya kaka-ire sa bata. Napapasigaw na rin ako dahil sa paulit-ulit niyang pagkagat sa braso ko.

"Lujille ang sakit..." daing ko.

"Misis, malapit nang lumabas ang bata.

Napabuntong-hininga ako. Sigurado akong buto na lang ang matitira sa braso ko pagkatapos nnito.

"Malapit na?" sabi niya. Huminga muna siya at umire ulit. Napapikit ako sa muling pagkagat niya sa braso ko.

"Ataaaaaaaan!"

Sinabunutan niya ako pagkasigaw niya ng palayaw ko. Aray ko ng aray sa lakas ng kapit niya.

Finally lumabas na rin ang bata. Umiiyak ito ng malakas. Hinawakan ni Lujille ang kamay ko.

"Nathan..." nanghihina niyang sabi.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig na sinundan ng katahimikan.


Tinapik ng nurse ang balikat ko nang malapit na akong makatulog. Napilitan akong gumising at umayos sa pagkakaupo sa bench.

"Sir, pwede niyo na pong makita ang anak ninyo." sabi ng nurse.

Tumayo ako, nagkamot ng ulo at pumasok sa kwarto ni Lujille. Nakangiti siyang hinahawakan ang anak niya.

"Nathan, tingnan mo siya oh! Ang cute cute niya!" masaya niyang sabi.

Lumapit ako sa kanila. Natutulog ang batang lalaki. Mapula ang pisngi nniya at napaka-angelic ng mukha. Pinakarga niya sa akin ang bata. Doon ko naramdaman na ako talaga ang ama nito.

Sana nga ako na lang.


Kahit anong pilit kong magpahinga muna siya, pinilit niyang magtrabaho sa coffee shop matapos ang dalawang linggo. Sabi ni Lujille kaya niya ang sarili niya at nagtatrabaho siya para pag-ipunan ang kianbukasan ni Charleigh. Hindi na rin siya umasang magpaparamdam si Arleigh kahit kailan.

And so, parang ending ng fairytale ang naging buhay namin for the next few years. Kaming dalawa, kasama si Ate Nida, ay nakatutok sa paglaki ni Charleigh. Bawat kabanata ng buhay ng bata nasaksihan namin.

Gaya nung second birthday ni Charleigh, matapos niyang ihipan ang birthday candle, ngumiti siya sa akin at sinabing,

"Papa."

Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa munod ng mga sandaling iyon.

Pero ang lahat ng iyon a biglang gumuho nang sabihin ni Lujille sa akin ang isang balita over the phone.

"Nathan, nakita ko siya ulit." sabi niya.

"Sino?" tanong ko.

"Si Arleigh."


Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon