Six

8K 147 8
                                    

Kasabay ng pagtuyo ng katawan ko at ng payong ni Monica ay ang pagtigil ng agos ng luha ko. Ewan ko ba. Pakiramdam ko lugmok na lugmok ako nung iniwan ako ni Nathan. Tuluyan na siyang kumalas mula sa akin. Hindi na siya ang dating best friend na kilala ko.

Paulit-ulit sa alaala ko ang nangyari kanina. Hindi ko inakalang magagawa niya sa akin iyon at ni hindi ko man lang naisip na may nararamdaman siya sa akin.

Pero hindi ko kinaya ang bugso ng damdamin ko. Pinasya kong umiyak sa couch ng opisina ko.

Dumating na rin sa wakas ang mga wedding planners namin, at kasabay din noon ay ang pagdating ni Arleigh. Susukatan siya ng wedding suit niya sa bahay namin. Kahit pinuputakti na ako ng inis, pinilit ko na lang ngumiti.

“Lujille, sorry nga pala kahapon. Alam ko ako ang dahilan kung bakit biglang umalis si Nathan.” he apologetically said habang sinusukatan siya.

Naramdaman ko ang tape measure sa baywang ko habang sinusukatan ako. Sinubukan kong hindi suminghal sa kanya.

“Huwag mo ng intindihin iyon. Ako na ang bahala sa kanya.”

“Nag-away ba kayo?” tanong niya.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ko kay Arleigh. Kung nag-away man kami, na talagang totoong nangyari kahapon, wala na siyang pakialam.

“Mind your own business.” I said.

Tapos na akong sukatan habang siya ay hindi pa. umupo ako sa sofa at nagbasa ng magazine. Hindi ko maintindihan ang pagiging mabait ni Arleigh these days. Baka ganito lang siya dahil ikakasal kami. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kasama sa iisang bubong. Oo, mahal ko pa rin siya, pero tapos na ang lahat sa aming dalawa.

“Siya nga pala, alam na ni Kuya Arkin na ikakasal na tayo. Sabi niya, dalawin mo siya bago lumabas ng ospital."

Napatunayan kong hindi nagsinungaling si Arleigh nang makadalaw ako kay Arkin sa Makati Medical Center. Medyo mabuti na ang kalagayan niya mula ng maaksidente siya. Nagdala ako ng prutas para sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto, isang malaking ngiti na ang nakasalubong sa akin.

“Hi, Lujille!”

“Hi.” sabi ko at ngumiti sa knaya. Mag-isa lang siya ng mga oras na iyon. Umupo ako sa gilid ng kama niya.

“Kumusta ka na?”

“Heto, okay lang. busy sa trabaho, at…” Hindi ko alam kung paano isisingit ang kasal namin ni Arleigh nang hindi siya na- o- offend. Malapit sa akin si Arkin noon pa man. I don’t want to spoil my visit by making a mistake.

“Sa kasal niyo ni Arleigh.” dugtong niya.

Napatingin ako sa kanya at natahimik. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari. Tumnago na lang ako.

“I knew it. Congrats nga pala, ha. I hope the merger turns out fine soon.” he said positively.

Merger?

“Pakiulit?” sabi ko.

“Ikakasal kayo ni Arleigh dahil i-me-merge ang Valderama Empire at LG Corporation. Real estate business kasi eh, kaya napagdesisyunan ng Mama mo na ipagsanib ang mga kompanya niyo.

Natahimik ako sa pangalawang pagkakataon. Ang sinabi ni Mama ay taliwas sa mga sinabi ni Arkin. Pahihiramin lang daw ng malaking halaga ang pamilya ni Arleigh. Hindi ko na maintindihan…

“Ganun ba? Kaya pala…”

“At isa pa, huwag kang mabibigla ha?”

“Ano?” Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

“May amnesia si Arleigh. Naaksidente siya after your college graduation. Nasa Amerika kami noon. May nag-overtake sa kanya kaya nawalan siya ng focus. It took him years para maalala ang lahat tungkol sa kanya, pero ikaw na lang ang kulang.”

Sabi ko na nga ba. Totoo ang hinala ko na may amnesia siya. Nakakatawang isipin na ako na lang ang hindi niya matandaan.

“Kaya pala. I’m a complete stranger to him now. Ang saklap.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan ito. Maging siya ay malungkot din para sa akin.

“I’m sorry kung sinabi ko pa ‘to sa iyo, but I felt the need for you to know.”

I faked a smile. “Okay lang.”

Imbis na pag-usapan pa si Arleigh, sinariwa na lang naming ang mga masasayang memories naming bilang magkaibigan.

Gabi na rin nanag makauwi ako sa bahay. Tinanong ako ni Mama kung bakit wala ako sa opisina buong araw.

“Dinalaw ko si Arkin, Ma.” I said coldly habang nagtatanggal ng sapatos ko.

“Okay. Akala ko pa naman nag-date kayo ni Arleigh.”

I glared at her. “Busy siya, Ma.”

“Bakit ka ba nagkakaganyan, anak?”

“Tanungin niyo ang sarili niyo tungkol sa merger. Baka doon niyo makikita ang sagot.” sabi ko at tumayo.

“Kailangan mong gawin ‘to, anak. Please, kahit ngayon lang.” she begged.

“Ayoko ng pag-usapan ‘to, Ma.” Umalis ako sa harapan niya pagkatapos at pumunta sa kwarto ko.

Pagkaupo ko sa kama, kinuha ko ang isang malaking kahon na may lamang kung anu-anong gamit. Mula sa tiyong dahon, ribbon, vola ng baseball at isang libro ni Jane Austen. Lahat ng ito, may kaugnayan sa amin ni Arleigh. Alaala niya ang lahat ng nakalagay dito.

Iniisip ko, bakit ko nga ba itinutulak palayo si Arleigh sa akin? Bakit ako sumuko noong sinabi niyang hindi niyo ako matatadaan pa? Duwag nga ako, kung ganun. Duwag akong harapin ang katotohanang estranghero na ako sa kanya.

Pero ngayon, nabuhayan na ako ng loob dahil kay Arkin. May pag-asa pa ang lahat. Maibabalik ko pa ang nakalipas, at ang lalaking minahal ko ng sobra-sobra.

Ang maalala ulit ako ni Arleigh ay siyang misyon ko ngayon.

P.S.

Sana po nagustuhan niyo yung story! If you like it, please click the vote button and feel free to share your insights. Thank you!

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon