Seventy-Five

3.4K 39 0
                                    

Lujille

Wala na akong kayang iiyak pa. Naubos na lahat ng luha ko. Unti-unti nang nagsisi-alisan ang mga taong nakilibing kina Charleigh at Monique. Magkatabi lang ang mga libingan nila. Nakatayo lang ako sa tapat ng puntod ng anak ko nang lumapit sina Bryan at Leslie.

"Lujille, una na kami ha? Magpapahinga na kami. Magpahinga ka na rin." Sabi ni Leslie.

Ngumiti ako. "Salamat din. Ingat kayo pauwi."

"Oo naman. Basta nandito lang kami ha? Don't worry. Tawag ka agad kung may problema ka." Sabi ni Bryan.

"Alam ko. Salamat ulit."

Tuluyan na silang umalis. Pumalit naman si Arleigh at tumayo sa tapat ng puntod ng ina niya.

"I'm sorry."

Sa dalawang salitang iyon, mas gumuho ang mundo ko. Wala na akong magagawa pa.

"Nangyari na ang nangyari. Hindi na sila mabubuhay ulit."

"Alam ko. Naging masama si Mama sa iyo. Hindi ko alam kung paano ako babawi."

"You don't have to. Gusto ko lang matapos ang lahat ng 'to." Sabi ko. I'm a grief-stricken woman at hindi ko alam kung paano ako uusad pa. Losing Charleigh was like losing half of me. Kalahati ng pagkatao ko ang nabaon sa hukay kasama ng anak ko. Bumuntong-hininga na lang ako. Hanggang larawan na lang ang nakakagaang ngiti ng anak ko.

Tumingin si Arleigh sa lapida ni Charleigh.

"Akala ko ordinaryong Charlie lang ang spelling. C at H pala tapos pangalan ko na."

Napangiti ako. Ngayon lang iyan napuna.

"Oo naman. Anak mo rin siya eh. So kahit nung nawala ka, I decided to name him after you."

He looked at me.

"Wherever he is now, he is in a better place. Babantayan niya tayo palagi."

"I hope so. I really hope so."


For five days hindi umuwi si Nathan sa bahay. Hindi ko alam kung saan siya nag-stay at hindi ko siya ma-contact. Huli kaming nagkita ung libing ni Charleigh. Malaki ang naitulong niya sa burol g anak ko. Nag-usap kami saglit at umalis na siya.

Alam kong mali na sinisi ko siya sa pagkamatay ng anak ko. Nadala lang ako ng galit ko at ngayon gusto kong bumawi sa kanya. Pero hindi ko siya mahagilap.

Nagising na lang ako nang may umupo sa gilid ng kama ko. Si Nathan. Puuno ng lungkot ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Umupo ako at nag-unat ng katawan. Niyakap ko siya.

"Buti naman nandito ka na. What brings you here? Limang araw kitang hindi nakita." Sabi ko.

Bumitiw siya sa yakap ko at sinabing,

"Gusto ko lang magpaalam."

And that was totally unexpected. Biglang bumigat ang dibdib ko.

"Sa'n k aba pupunta?"

"Sa Paris."

Natigilan ako at tiningnan siya.

"Paris...seryoso ka?" Takte, ni basic French nga hindi marunong 'to.

"Oo. I just need some time alone. Maghahanap na rin ako ng trabaho d'on." Seryoso niyang sabi.

"Iiwan mo ang lahat dito? Iiwan mo ko? Kung galit ka pa rin sa 'kin dahil sinisi kita sa pagkamatay ng anak ko, then I'm sorry. I felt so cheated because of this. Hindi ko naman – "

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon