Three

9.5K 114 4
                                    

Nilapitan ko si Nathan at hinila ang braso niya. Tahimik pa rin ang buong restaurant dala ng gulong ginawa ko kani-kanina lang. Halos kinaladkad ko na ang best friend ko papunta sa table namin. Ang mga matang kanina pa nakatitig sa akin ay nadagdagan nang maka-recover si Arleigh mula sa suntok ko. 

“Idedemanda kita!” sigaw niya para marinig ng lahat.

“Sue me if you want. Wala akong paki.” sabi ko at kinuha ang bag ko. Tahimik lang si Nathan sa harapan ko.

Lumapit yung waiter sa amin. Malamang  pagbabayarin na kami sa kinain namin.

“Ma’am, bayad niyo po-!”

Pinutol ko ang sasabihin niya nang tinapon ko sa mukha niya ang dalawang libong piso.

“Keep the change.” sabi ko at hinila si Ntahan palabas ng restaurant. Wala akong pakialam sa iisipin nila, basta ang alam ko, nakaganti na ako sa lalaking iyon.

Pagkarating namain sa kotse, isang malakas na batok ang ibinigay ko kay Ntahan.

“Bakit mo ba sinabi yon, ha?!” singhal ko sa kanya.

“Alin don?”

“Diyos ko naman, Nathan! Huwag na nga tayong maglokohan dito. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin di ba?”

He chuckled. “Sorry. Akala ko kasi naka-get over kana kay Arleigh. My god naman, Lujille. Ilang taon na ang lumipas okay? Huwag ka ng bitter.”

Tumama ng kaunti si Nathan sa mga sinabi nia, na siang nagpabuwiset sa akin. Bakit ba lagi na lang siyang may point? Ako yung talo eh. Noon pa ako talunan.

“Alam mo ba yung feeling na may iba na yung taong mahal mo? Na kahit nasaktan ka na, wlaa ka pa ring magawa. Kahit sabihin mo sa sarili mo na hindi mo na siya mahal, mas wala ka pa ring magawa.” sabi ko habang nilalabanan ang mga luhang nais pumatak mula sa mga mata ko.

“Alam ko, kaya nga kita sinesermonan eh.  Para ma-realize mo na hindi ka na dapat masaktan pa. it’s all over between the two of you.”

Mas lalo akong nasaktan sa sagot niya. Hindi ko na kaya.

“Nathaniel, huwag mo kong hamunin. Alam mo kungpaano ako magalit.” banta ko.

“Lujille, kumalma ka na. Tatamaan ka na sa akin eh. Girlfriend na ni Arleigh si Leslie. Maghanap ka na ng iba.” sabi niya at pumasok na sa kotse. Hindi na ako kumibo at umupo sa backseat. Binuhay ni Nathan ang makina at inihatid niya ako pabalik sa office.

Buong hapon akong nag-isip sa mga sinabi ni Nathan. Lahat tama, lahat ng iyon sumasalamin sa buhay ko noon. Siguro bitter nga lang ako dahil naghiwalay kami ni Arleigh noon, at naghintay pa ako sa wala. Masakit mang isipin pero lungkot pa rin ang nararamdaman ko tuwing naiisip ko iyon. At ngayong nagkita na kami ulit, hindi ko agad ma-digest ang lahat ng pagbabagong naganap. May girlfriend na siya, and the worst is, close friend ko pa.

Pero bakit parang hindi niya ko naaalala? Ano ba’ng nangyari? Nagka-amnesia ba siya? pakiramdam ko posible iyon. Kung paano nangyari, hindi ko na alam, at kailangan kong malaman.

“What? Ma, you must be kidding.” sabi ko kay Mama ng hapunang iyon. Mistulang nanuyo ang lalamunan ko sa balita niya. Kalokohan. Ipapakasal niya ako sa kung sinu-sinong lalaki lang? talagang desperada na siyang lumagay ako sa tahimik.

“Anak, kailangan nating tulungan ang taong iyon. Malulugi na ang kompanya nila, at taylo lang ang malalapitan nila para maisalba ito. Please naman, I need your cooperation.” pakiusap niya.

“Pwede naman natin silang pahiramin ng malaking halaga ng pera, ‘di ba? Alam kong mababayaran nila tayo?” katwiran ko.

“Pero paano kapag tinakbo nila yung pera? Paano kapag hindi nila tayo mabayaran? Tayo ang malulugi, Lujille.”

“Eh di idemanda natin sila.” katwiran ko ulit.

Napahilamos sa mukha si Mama, na siyang dapat na ginagawa ko. Halatang nadedehado na sa mga pinagsasabi ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at uminom ng tubig.

“Tapos na akong kumain. Mauna na ako.” sabi ko at umakyat papunta sa kuwarto.

Tinawagan ko si Nathan at sinabi sa kanya ang tungkol dito. Maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga pangyayari.

“Ano? Ikakasal ka na? Naku po, ang saklap.”

Inilayo ko ng kaunti ang cellphone mula sa tainga ko. Mas nakakabingi ang sigaw niya sa tawag kaysa sa personal.

“Oo. At hindi ako Masaya. Hindi ko kilala ang lalaki. Sabi ni Mama, mag-di-dinner yung buong pamilya nila dito bukas.”

Natawa siya. “Goodluck na lang sa iyo. Daig mo pa ang teenager na biktima ng human trafficking.”

“Ikaw talaga. Bakit ba wala kang masabing matino? Kainis ka naman eh!”

“Ikaw naman, di ka na mabiro. Ano’ng gusto mo, pupunta ako sa dinner na iyan ant magpapanggap na boyfriend mo?”

I grinned. Ito na ang tamang panahon para makabawi siya sa ginawa niya sa akin sa Sugar and Spice.

“Sure. That’s a great idea.” sabi ko at pinutol ang tawag. Minsan matalino rin pala ‘tong si Nathan. Ngayon, makakalusot na ko.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon