Arleigh
"Arleigh kasi-"
"Oo o hindi lang ang kailangan kong sagot. Totoo ba ang mga narinig ko?"
Humihigpit ang hawak ng bata sa braso ko. Pakiramdam ko malapit na siyang umiyak.
May konting katahimikan ang namagitan, tapos ang sagot niya, "Hindi mo alam ang nangyari."
Biglang sumulpot ang teacher ni Charlie, pinapabalik na kami sa program. Inihabilin ko muna ang bata sa kanya para makapag-usap kami ni Lujille.
Nang kami na lang dalawa ang naiwan, binalikan ko ulit ang tanong ko kanina.
"Lujille totoo ba o hindi?"
Hindi na siya nagdalawang-isip.
"Oo. Totoo lahat ng narinig mo kanina. Hindi si Nathan ang ama ng bata kundi ikaw. Nung pinaghiwalay ulit tayo seven years ago, buntis na ako n'on sa anak natin. Hindi ko nasabi sa iyo kasi hindi kita ma-contact. Si Nathan na ang kinilalang ama ng bata."
Kaya pala. Unang kita ko pa lang sa bata magaan na agad ang loob ko dito. I should have known better. Pero pagkagimbal pa rin ang namayani sa akin.
"Nung una ayaw kong bumalik ka sa buhay ko. Ayoko ng nandiyan ka para hindi mo na makita ang anak natin. It turns out I'm wrong."
Napaiyak na rin siya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Naghahalo ang pagkabigla, galit at pagsisisi sa puso ko. Paulit-ulit kaming pinaglalaruan ng tadhana. Napapagod na ako.
"Well..."
"Arleigh, sorry." Sabi niya at nagpunas ng mga luha.
"That's it. I'm done with all this." Sabi ko at iniwan siya. I drove home at idinaan sa tulog ang mga nalaman ko ngayon.
Nathan
Mula sa sala ay tanaw ko ang taxi na tumigil sa harap mismo ng bahay. Abala si Ate Nida sa pagluluto sa kusina. Bumaba sina Lujille at Charleigh sa taxi at pumasok ng bahay. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
"Mag-usap tayo." Sabi ko.
Naintindihan niya naman agad ang ibig kong sabihin. Pinaakyat niya muna si Charleigh sa itaas. Sumunod naman ang bata at umupo siya sa sofa.
"Ano na naman ba?"
"Tungkol kay Arleigh."
Bumuntong-hininga siya. "Ayokong nakikitang naghihirap ang anak ko. And if you're asking kung alam na niya, yes he does. Ni hindi nga siya makapaniwala."
"Kailan ka ba matututo ha?"
"Mahal ko siya. Ano ba'ng mahirap intindihin d'on?"
Hinila ko siya papunta sa pitno. Pinilit niyang magpumiglas. Tinawag kami ni Ate Nida galing sa kusina.
"Kumain na kayo!"
"Mamaya na ate. Kumain muna kayo ni Charleigh."
Pumasok kami sa kotse. Doon na niya ako pinagsisigawan.
"Nathan ibaba mo ko! Sa'n ba tayo pupunta?! Kung anuman 'to, itigil mo na. Ayoko na!"
Binuhay ko ang maina ng kotse at humarurot ng takbo.
"Pupunta tayo sa dahilan kung bakit dapat mong layuan si Arleigh."
"Ibaba mo ko!"
"Shut up!" sigaw ko.
Pareho naming hinahabol ang mga hininga namin. Tumahimik siya at tumingin sa labas.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Correctional Institute for Women. Itinigil ko ang kotse at bumaba na kami. Tinitingnan kami ng guard habang hinihila ko siya na parang bata papunta sa loob ng kulungan. Tinawag ko si Tita Anita.
"Tita."
Lumingon siya at ngumiti sa amin ni Lujille. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Lujille sa pagkakahawak ko.
"O, nandiyan na pala kayo."
Nakatingin lang si Lujille sa kanya. Parang na-amnesia at nakaalala ulit. The motherly touch in Tita's voice was never lost, kahit dumaan man ang mahabang panahon at hindi pagkakaayos ng sigalot nilang mag-ina. Warm, endearing, comforting.
Hindi makapagsalita si Lujille. Ni walang gumagalaw sa aming tatlo.
"Halika anak. Na-miss kita."
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...