Lujille
"Mama..."
Kung paano ko nasabi iyon, hindi ko alam. Basta na lang lumabas sa bibig ko. Lahat ng gusto kong sabihin sa kanya sa loob ng mga taong nakakulong siya ay nawalang parang bula. Hindi ko mahagilap. Lahat ng galit, pait, paninisi at hinanakit na gusto kong ibuhos natapon na. Para na siyang ibang tao sa akin. Pinipilit kong hananpin ang ina ko sa mga mata niya. O baka naman kaya ako na ang ibang tao para sa kanya?
Dati puno siya ng galit. Gusto niyang pasabugin ang mundo. Napuno ng poot ang puso ko matapos malamang pinaglaruan niya ang damdamin ko. Makailang ulit na kaming pinaghiwalay ni Arleigh. Ngayon iba na siya. Inag-ina. Parang niyayaya akong kumain ng ulam niyang bagong luto, o magkulay sa binili niyang coloring book. Nakakataba ng puso pero hindi ko magawang lumapit.
"Umupo ka dito. Gusto kitang kausapin."
Sa paunti-unting mga hakabng pinilit ko ang sarili kong lapitan siya, hanggang sa nakaupo ako sa harapan niya. Binabasag ng puso ko ang mga tadyang ko sa bawat malakas na pagtibok nito.
"Kumusta ka na?"
Pati ang isang simpleng tanong ay nahirapan akong sagutin. Huminga ako ng malalim at sumagot.
"Ayos lang po."
"Kinwento sa akin lahat-lahat ni Nathan. Pasensya ka na kung wala ako sa tabi mo."
Pinipilit kong hindi maiyak. Kumuyom ang mga kamao ko.
"Alam kong malaki ang galit mo sa akin, pero sana kahit ngayon man lang pakinggan mo ko."
"Ma, diretsahin mo na 'ko." sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Everything I told you in the hotel that day was a lie."
Ang pagguho ng mundo ko ngayon ay mas malala pa kesa noon. Sobra-sobra na ang mga rebelasyong ito.
"Lilipad sana kayo papuntang New York ni Arleigh. Sagot ni Monique ang ticket di ba?"
Tumango ako. Naalala kong ibinigay ni Tita Monique ang mga ticket namin ni Arleigh sa akin.
"Habang papunta kayong airport ni Leslie, pinasundan niya kayo. Balak ka niyang patayin n'on. We made a deal na susuko ako s amga pulis kapalit ang pagpunta niyo sa New York. Pero napakasakim niya. Gusto ka pa rin niyang saktan hanggang sa huli."
"Kaya ba..." Hindi ko matapos ang gusto kong itanong. Tumulo na ang mga luhang matagal ko nang nais pakawalan. I've been dying to erase the day I was kidnapped from my memory.
"Kaya kita pindaukot sa mga tauhan ko at idinala sa hotel kung saan tayo huling nag-usap. Gusto kong ipakita sa iyo ang pagsuko ko para kahit papano mapatawad mo ko. Ginawa ko ang lahat ng iyon to keep you safe, kahit na buhay ko ang kapalit."
Napatingin ako kay Nathan tsaka bumitaw sa ina ko.
"Pinawalang-bisa ni Monique ang kasal niyo. Binayaran niya ang abogado para gawin iyon. Kaya gusto kitang ilayo kay Arleigh."
Kaya ganito ka-overprotective si Nathan sa akin. Kaya nangyari ang lahat ng iyon. Kaya biglang lumambot ang puso ko.
"Ma, I'm sorry..."
"Anak, naiintindihan kita. Wala kang dapat ihingi ng tawad."
I shook my head. "Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Tumayo siya para yakapin ako.
"Palakihin mo nang maayos ang anak mo. Do that for me, okay? Kahit na hindi ko pa siya nakikita, mahal na mahal ko siya."
"Ma..."
Bigla siyang umubo at bumitaw sa akin. Nakita ko ang duguan niyang kamay.
"Ma, ano 'to? May sakit ka."
Ngumiti siya at pinunasan ang bahid ng dugo sa bibig.
"Wala lang 'to. Umuwi na kayo. Gabing-gabi na."
Tahimik kaming naglakad ni Nathan papunta sa kanyang kotse. Sumandal muna ako sa hood para makapag-isip. Naging makasarili ako all this time. Pinangunahan ako ng galit. I didn't look at the other side and it hurts me to think na malaki ang ginawang sakripisyo ng ina ko. I feel so dumb. Gusto kong magwala pero wala akong magawa.
Tumabi si Nathan sa akin at sumandal din sa hood ng kotse.
"Huwag kang mag-alala, maipapagamot din natin ang mama mo. Kakausapin lang natin ang Correctional na ilabas siya kahit sandali." sabi niya.
"Nathan, sorry. Ang sama ko. Ang sama-sama ko!" sagot ko at napaiyak ulit.
"Tahan na. At least ngayon alam mo na ang totoo at nagkapatawaran na kayo."
Umiyak lang ako ng umiyak. Niyakap niya ako at medyo natagalan pa bago kami makauwi.
Nagising ako nang yumakap ang dalawang maliliit na braso sa baywang ko. Nakangiti si Charleigh at hinila ko siya palapit sa akin.
"Good morning, little man."
Mas humigpit ang yakap niya at hinalikan siya sa noo.
"Ligo ka na. You have to go to school pa."
"Ayoko..."
"Bakit naman?"
"I want to know my real Papa."
Sa sagot niyang iyon, napaupo ako sa kama at sumeryoso. Mabuti kung ngayon pa lang linawin ko na sa kanya ang lahat. After all, siya ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Arleigh.
"Anak, si Tito Arleigh talaga ang real Papa mo. Matagal siya nawala at ngayon lang bumalik. But now, never na siyang aalis."
"Paano si Papa Nathan?"
Humugot ako ng malalim na hininga para kumalma kahit papano.
"Anak, papa mo pa rin si Nathan. Aya wmo n'on? Dalawa Papa mo." Sabi ko.
Ngumiti siya. "Gusto ko po iyon, Ma."
"Balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat. Always remember na mahal na mahal kita."
Hinalikan niya ako sa pisngi. Even this little man beside me is more than enough.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...