Thirty-Three

5.1K 59 11
                                    

A/N: The next chapters will be narrated in third point of view. At magsisimula iyon dito sa chapter na 'to. Enjoy people!

“Pakiluto na lang ulit ng order ng customer. Sinabihan ko na siyang hintayin ang lulutuin mo.” sabi ni Nathan sa isang chef sa kusina. Tumango lang ito at nagsimulang magluto. Umalis ng kusina si Nathan at pumunta ng opisina niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Leslie. Nasa kanya pa rin ang cheke. Hindi niya lubos maisip kung saan nabingwit ni  Leslie ang ganoong kalaking halaga ng pera. Posible sana kung naipon niya ito sa tagal ng pagtatrabaho niya sa Inquirer. Pero parang may mali. May kutob si Nathan na nakakabagabag.

Kinuha niya ang cheke at tiningnan ito. Three hundred thousand pesos. Sabi ni Leslie, sapat na raw iyon para maisalba ang negosyo niya. Para naman sa kanya, mas gugusuthin niyang mawala ang restaurant kesa tumanggap ng kahit na anumang tulong mula kay Leslie. Hindi lang ang masamang kutob tungkol sa pinanggalingan ng pera ang naiisip niya, kundi pati na rin ng magiging kapalit kung gagamitin niya ang pera. Sa laki ng galit ni Leslie kay Lujille, sigurado siyang may ipapagawa ito na hindi niya magugustuhan.

Pero unti-unti nang bumabagsak ang negosyo ni Nathan. Hindi na niya mababawi ang kailangang bawiin. At mauuwi din siya sa paggastos ng malaking halaga maisalba lang niya ang restaurant. Mataman niyang tiningnan ang cheke. Natutukso siya sap era, pero alam niyang malaki ang kapalit. Ayaw din niyang bigya ng problema si Lujille kung uutang pa siya sa kanya.

Tinago niya na lang ang cheke sa drawer niya. Bumuntong-hininga siya at pumikit.

Binuklat ni Lujille ang mga reports na hinatid ni Monica sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. Malalaking halaga ng pera ang unti-unting nawawala sa kaban ng kompanya. Nakakabahala ang mga nangyayari.

“Sino ba’ng may gawa nito?” tanong niya sa assistant niya.

“Ewan ko po, Ma’am. Dumating lang po sa akin iyan.” sabi ni Monica.

“My god! Ang laki ng mga nawawalang pera.”

“Hindi naman po sa nakikialam ako Ma’am, pero nagulat po ako nang mabasa ko po iyan.”

Tumango si Lujille. Graduate ng Business Administration si Monica kaya alam nito ang flow ng pera. Iyon din ang dahilan kaya kinuha niya itong assistant.

“Okay lang. Tama ka  rin naman eh. This is so shocking.” Padabog niyang binagsak ang mga folders sa mesa niya.

“Ma’am, baka gusto niyo pong pa-imbestigahan natin ang nangyari.” suhestiyon nito.

“Exactly. Kailangang mabigyang linaw ‘to.”

“Gumawa na rin po ako ng kopya para kay Sir Arleigh.”

“Itago mo na lang iyon. Ipapakita ko na lang ‘to sa kanya.”

“Sige po, Ma’am.” sabi ni Monica at umalis.

Napapikit si Lujille at huminga ng malalim. Tiyak pananagutin niya kung sino man ang nasa likod nito.

Biglang my kumatok sa pinto ng opisina niya kahit nakabukas ito. Nang tingnan niya, si Arleigh lang pala. Nakangiti ito sa kanya at may dalang paper bag.

“Kumain ka na ba? Dinalhan na kita.” sabi niyo at pumasok sa opisina niya.

“Hindi pa. Pakilagay na lang diyan. Salamat.”

Inilagay ni Arleigh ang paper bag sa mesa niya.

“In-order ko ang paborito mo sa restaurant ni Nathan. Nagulat nga ako dahil di niya pinabayaran.”

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon