Thirty-Five

4.5K 43 15
                                    

A/N: Ngayon ko lang na-realize na mag-iisang taon ko na palang sinusulat ang Shotgun Wedding pero hanggang ngayon hindi pa rin tapos. Happy anniversary! Kahit bukas pa ang exact day that I posted the first part. Hope you'll like this update. :*

“Leslie, bitiwan mo ko!” protesta ni Arleigh habang hinahalikan ni Leslie ang leeg niya.

Tumigil ito at tumingin sa kanya.

“Do you think na tititgil talaga ako? Hindi ko gagawin iyon. Mahal na mahal kita.” sabi nito.

Kung hindi lang siya nanghihina, kaya niyang itulak si Leslie palayo sa kanya. Sa dami ng pinaghalong suntok, sipa at tadyak na natanggap niya, halos hindi niya kayang kumilos.

“Kailangan kong puntahan si Lujille. Naghihintay siya sa ‘kin.”

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Leslie kay Arleigh. Halos matumba si Arleigh dahil sa impact, pero nakatayo pa rin siya.

“Ganyan mo ba talaga siya kamahal, ha? Handa mo siyang puntahan kahit ganyan na ang hitsura mo?”

“Look, wala kang pakialam. Tumabi ka diyan!” sabi ni Arleigh at tinulak palayo si Leslie. Kinuha niya ang nahulog na bouquet at naglakad. Inagaw ni Leslie ang bouquet.

“Ano ba’ng problema mo?!” sigaw ni Arleigh dito.

“Ikaw. Kayong lahat!” sagot ni Leslie at tinapak-tapakan ang mga bulaklak. Nagkandadurog ang mga ito. Pinilit na awatin ni Arleigh si Leslie pero tinulak lang siya nito.

“Tama na!”

“Hindi pa ‘ko tapos!” Matapos tapakan ni Leslie ang mga bulaklak ay bigla niyang siniil ng halik si Arleigh.

Nararamdaman niya ng malapit na siya. Konting takbo na lang at maaabutan na niya ang asawa niya. Wala siyang pakialam kung mapagod siya basta makita niya lang ang pinakamamahal niya.

Ngunit isang maling tapak sa hakbang ng hagdan ang naging dahilan nang paggulong niya pababa. Kahit sampung hakbang lang iyon, sumakit ang katawan niya lalo na ang tuhod niya. Napaupo siya sa sahig at dumaing.

Kaya mo ‘to, Lujille. Takbuhin mo lang iyon. Palagi niya iyong sinasabi sa sarili niya.

Tumayo siya at nilakad na lang ang parking lot. Masakit na ang tuhod niya para takbuhin ang pupuntahan niya.

Si Arleigh. Si Arleigh! sigaw ng isip niya. Kailangan niyang makita ito. Nag-aalala siya sa posibilidad na may nangyaring masama sa kanya kaya ito nag-text.

Nasa entrance na siya ng parking lot. Konti na lang ang lalakarin niya. Kumikirot ang tuhod niya sa sobrang sakit. Pero bigla siyang napatigil sa nakita niya.

Si Leslie, hinahalikan ang asawa niya.

Nag-init ang dugo ni Lujille at naglakad patungo sa kanila.

“Ano ‘to?”

Natigil ang dalawa sa halikan nila. Bakas ang pagkabigla sa mga mukha.

“L-Lujille.” Hirap ng konti si Arleigh sa paglalakad niya habang lumalapit kay Lujille.

“Huwag kang lumapit!” singhal niya sa asawa. Tumigil si Arleigh sa paglalakad at napayuko. Nilapitan ni Lujille si Leslie at sinuntok niya ito sabay sabing “Hayop ka!”

Inawat ni Arleigh ang dalawa pero siya pa rin ang nasasaktan. Sinuntok siya ni Lujille sa dibdib dahilan para muntikan na siyang matumba.

“Pinaghintay mo ‘ko tapos ito lang ang makikita ko? Gago ka rin eh! Hinintay kita sa rooftop. Naulanan pa kami dahil umasa kaming darating ka. Napaka-surprising naman.” maluha-luhang sabi ni Lujille. Pinipigilan niya ang mga luha niya kahit alam niyang hindi niya kaya.

“Hindi mo kasi alam ang nangyari eh.”

“Ano’ng hindi ko alam eh kitang-kita kong naghahalikan kayo?”

Sumabad si Leslie sa usapan.

“Yeah, we kissed. And I felt happy. Iyon ang birthday gift ko sa iyo.”

Hindi makapagpigil si Lujille at muli niyang sinuntok si Leslie. Sa ilong ito tinamaan at dumugo ito.

“You are desperate! Kahit alam mong nasa kamay na ng iba, pilit mo pa ring binabawi. Mababa na ang tingin ko sa iyo, Leslie. Mababang-mababa!”

Walang sinayang na sandali si Lujille at tumakbo na siya papunta sa kotse niya. Pilit siyang hinabol ni Arleigh kahit hirap na ito sa paglalakad. Binuhay ni Lujille ang makina ng kotse niya at hindi pinansin ang pagkatok ni Arleigh sa bintana. Humarurot siya palabas ng parking lot.

Tiningnan ni Arleigh si Leslie nang napakatalim, pero ang hindi niya alam, maaari siyang mamatay dahil sa nakaambang panganib. Pumasok na siya ng kotse at hinabol si Lujille.

Mabilis ang pagharurot ni Lujille sa lansangan habang tumutulo ang mga luha. Giniginaw pa siya dahil sa malakas na aircon sa loob ng kotse niya dala ng pagkabasa niya sa ulan kanina. Hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya. Akala niya magiging masaya ang birthday niya pero hindi pala. Mababalot lang itong kasinungalingan at galit.

Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Napapagod na rin siya sa paulit-ulit na habulan nila ni Arleigh na gawa talaga ni Leslie. Nais na niyang sumuko.

Binilisan niya pa ang pagmamaneho palayo sa katotohanan.

Pilit na hinabol ni Arleigh si Lujille habang tinatawag niya ito. Hindi sinasagot ni Lujille ang mga tawag niya, which made him more frustrated. Nakaka-labinlimang missed calls na siya pero wala pa rin.

Binilisan pa niya ang takbo dahil nakita niya ang taillights ng kotse ni Arleigh. Nang magkatabi ang mga kotse nilang tumatakbo sa daan, tiningnan niya ito. Nagpahid ito ng mga luha sa mga mata. Labis na nasaktan si Arleigh sa nakita.

Nag-ring ang cellphone niLujille. Sa sobrang inis ay sinagot niya na lang ito.

“Ano ba?!” sigaw ni Lujille sa phone.

“Lujille, I’m sorry.” sabi ni Arleigh.

“You shut up, okay? Wala akong panahong makipag-usap sa iyo!” Inihagis ni Lujille ang phone niya sa backseat at patuloy na nag-drive. Binilisan pa niya ang pagda-drive palayo sa asawa niya.

Gustong itigil ni Arleigh ang kotse. Tapak siya ng tapak sa brake pero hindi ito gumagana. Hindi siya tumitigil.

And he realized na may nagtanggal ng brake ng kotse niya. Iisang tao lang ang alam niyang gagawa sa kanya ng ganitong krimen.

Si Leslie.

Nahampas niya ang manibela sa sobrang inis. Pwede niyang ikamatay ‘to kapag wala siyang maisip na paraan para makaligtas sa nakaambang panganib.

Nang maliwanagan ng headlights mula sa isang ten-wheeler truck at natatantiyang mabubunggo nito si Lujille, lumiko siya at pumagitna sa dalawang sasakyan.

“Arleigh!” sigaw ni Lujille pero huli na ang lahat. Nabunggo na si Arleigh ng truck. Mabuti na lang at nakapagpreno siya agad. Muntikan na siya doon.

Natumba ang truck at wasak ang harap ang bahagi ng kotse ni Arleigh. Bumaba si Lujille at tiningnan ang asawa niya. Duguan ang ulo nito at walang malay. Masama ang pagkakahampas ng ulo nito sa manibela.

Kinuha niya ang cellphone niya habang hindi alam kung paano ilalabas si Arleigh sa sasakyan. Hinanap niya ang numero ng ambulansya at tinawagan agad ito.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon