A/N: To natsumi06, thank you for always reading. Enjoy! :D
Arleigh
“The number you are calling is busy at the moment. Please try your call later...”
Walang sawang sinasabi sa akin ng network ang mga salitang ito. Labinlimang beses ko nang tinatawagan si Lujille pero ito lang ang nakukuha ko. Hindi ko siya ma-contact mula nang magkasama silang umuwi ni Nathan, at kanina pa ako nag-aalala.
“Tawagan mo ulit.” sabi ni Leslie. Mas mukha pa siyang nag-uutos kaysa concerned. Nagtagpo ang mga kilay ko sa inis.
“Para ano pa? Hindi rin naman niya ako sasagutin eh. Same old story.” sabi ko.
“I’m sorry.”
Nagpapatawa ba siya?
“Para saan?”
She feigned a bit of her voice. “Sa nangyari.”
“Tumigil ka na nga. Sinadya mo kong halikan sa pisngi para makita tayo ni Lujille. Ganun iyon eh!” I said angrily.
She swallowed at mukhang iiyak na. Hindi man lang ako nakaramdam ng konting awa, which surprised me.
“Sabihin mo nga sa akin, Arleigh. May plano ka pa bang balikan ako? Tutuparin mo pa ba ang pangako mo sa akin noon?”
Natigilan ako sandali. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam. Mula nang ikasal ako kay Lujille, unti-unti na siyang nawawalan ng space sa buhay ko. Napupunan iyon ni Lujille, at hindi ko alam kung sino ang pipiliin sa kanila.
“Sumagot ka!” singhal niya.
“Mauna na ako. Kailangan ko ng umuwi.” sagot ko at iniwan siyang mag-isa. Ayoko din naman siyang saktan kung sasabihin kong may balak pa akong balikan siya. Aasa si Leslie sa wala. Paikot-ikot lang ang mga pangyayari.
“Hindi pa tayo tapos!” sigaw niya habang papasok ako ng kotse. Pagpasok ko sa loob, adabog kong isinara ang pinto. At least ngayon hindi ko na siya maririnig na dumakdak. Nag-drive na ako at tuluyang tinahak ang daan pauwi.
Habang nakahawak ang isa kong kamay sa manibela, nasa isang kamay ko naman ang cellphone ko. I dialed Lujille’s number and let the damn signals reach her. Wala pa ring response kaya ihinagis ko na lang sa katabing upuan ang cellphone sa sobrang inis. Binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa bahay.
I looked at my phone again. May message galling kay Lujille.
Hindi ako uuwi diyan ngayon. Kina Mama ako matutulog. Ingat ka.
Mas lalo akong nainis sa kanya. Ganito lang pala ang ibig sabihin ng pag-walk out niya kanina tapos pinag-alala niya pa ako. Gusto kong ihagis ang cellphone sa dingding pero pinigilan ko ang sarili ko. Magmumukha lang akong tanga.
Pumasok na ako sa loob at humiga sa sofa. This night turned out to be as bad as what I’ve expected. Lumapit si Leslie sa akin sa kalagitnaan ng party at niyaya ko sandali sa labas para mag-usap. Pilit niya akong tinatanong kung sino sa kanila ni Lujille ang mahal ko. I was under a whirlwind of emotions na hindi ko maipaliwanag. She kissed me on the cheek. At dahil magaling sa timing ang asawa ko, nakita niya iyon at mistulang galit. Hindi pala mistula, dahil halata sa mukha niya ang galit.
Ewan ko ba. Unti-unting nagbabago ang buhay ko after marrying Lujille. She’s digging an emotion deep inside me na alam kong naramdaman ko na noon pero hindi ko alam kung saan, kailan o sa paanong paraan. Palagi akong nakakaramdam na may isang bahagi ng pagkatao ko ang nawawala, at dapat na mahanap sa lalong madaling panahon. And the saddest thing is, kapag sinusubukan kong isipin, walang sumasagi sa isip ko. No one else can give me that effect but Lujille, and only she can fill that void. Alam ko na hindi kaya ni Leslie iyon.
Totoo, nangako akong babalikan ko si Leslie kapag kasal na kami. Nagyon parang hindi ko na kaya. I’m slowly falling apart sa relationship namin. I’m torn between two women. Habang tumatagal na kasama ko si Lujille, mas lalo akong nahuhulog sa bitag niya.
Tama bang tawagin kong bitag ang mga ginagawa niya? She’s doing everything to bring my memory back. At walang nangyari. Ang pangatlong House Rule lang ang tanging nakikita kong ginagawa niya- at aaminin ko na rin, ginagawa kong tama. But the first two rules? Unti-unti kong binabali iyon. No strings attached pero nung halikan ko siya pagkatapos nung inuman namin, doon ko naramdamang higit pa sa business purpose ang pagpapakasal ko sa kanya. No involvement with each other, but I couldn’t stop caring kung nasasaktan na siya na ako rin naman ang dahilan. Tuwing kasama ko si Leslie, naiisip ko si Lujille. At tuwing magkasama sila ni Nathan, nagseselos ako. But deep inside, I’m hurting like hell.
Nagtungo na ako sa kuwarto at doon na humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari bukas, basta bumalik lang si Lujille dito sa bahay. Okay na sa akin iyon.
Biglang binaha ang isip ko ng kung anu-anong bagay. Ulan, sampal, keychain, bottled water, pink ribbon. Mabilis ang pag-ikot nila sa utak ko. Nakakahilo.
Paggising ko kinabukasan, nagulat na lang ako dahil nakahiga na si Leslie sa tabi ko. Bumalikwas ako ng bangon, dahilan para magising din siya.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat kong tanong.
She opened her eyes and smiled.
“Natutulog. Sinundan kita kagabi. Your door was wide open. Kung di ka nga naman gago, no.” she said.
I remember... hindi ko pala sinara ang pinto kagabi. I never felt her trailing behind me last night.
“Umalis ka na nga. Babalik dito si Lujille anumang oras. Sige na!” taboy ko sa kanya.
Sumimangot siya. “How dare you! Ako na nga itong nag-effort na samahan ka ikaw pa itong galit.”
“Tumigil ka. Umalis ka na before it’s too late.”
Niyakap niya ako nang mahigpit. “Ayoko.”
Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako sa direksyong iyon at nakita si Lujille na gulat na gulat sa amin ni Leslie. Nakatingin lang ko sa kanya. Lahat ng salitang gusto kong sabihin ay mistulang naagnas na dahil sa emosyong pinapakita ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...