Nine

8K 114 20
                                    

A/N: This is for yoola19, na matiyagang naghintay na matapos ko ang update na to. ERMAHGERD. Imo na jung moment, girl! :D Love, your MR. P :DDDD

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa sa tabi ko si Arleigh, at nang tingnan ko siya, hindi ko mapigilang ngumiti. He’s still handsome as ever. Kahit anong facial expression niya, cute siyang tingnan. Siguro kung hindi lang siya nagka-amnesia, boyfriend ko pa siya hanggang ngayon. At ang kasal namin kahapon ay simbolo ng pag-iisang dibdib namin, na walang halong acting o kakyemehan. Pero nag-iba na lahat eh. Sadyang mapaglaro ang kapalaran.

Bumangon ako at pumunta malapit sa bintana. Tiningnan ko yung plane tickets namin papuntang El Nido. Nakakatawang isipin pero magha-honeymoon talaga kami. Nag-abala pa si Mommy Monique na bilhan kami nito. Itinuon ko ang paningin ko sa labas. Malapit nang sumikat ang araw, at kasabay noon ay ang paggising ko sa katotohanan.

To him, I’m a stranger. To me, he’s my everything. Wala ng sweet-sweetan sa amin. Kailangan ko ng simulan ang misyon ko.

Pero paano nga ba ako magsisimula?

Nag-isip muna ako ng plano habang naliligo. Paano ko ba sisimulang ipaalala sa kanya nag lahat tungkol sa akin? Malapit ng mag-agahan, at sigurado akong gutom na gutom na kaming dalawa. May room service ang hotel, at biglang sumagi sa isip ko ang isang bright idea.

Tama. Favorite food ni Arleigh ang uunahin ko.

Pagkatapos magpatuyo at makapagbihis, tinawagan ko agad ang room service. Nag-order ako ng chicken pasta at isang basong gatas. Paggising niya, siguradong ngingiti siya sa inihanda ko.

Dumating ang staff sa room namin at inihatid ang order. Nauna na akong kumain sa order kong tuna sandwich at omelet. Hinintay ko siyang gumising pero mukhang matatagalan pa yata. Binayaran ko na ang order at umalis na rin ang staff pagkatapos.

He stirred up a bit, then eventually he opened his eyes. Nagulat siya nang makita niya akong bihis na. I smiled at him.

“Kanina pa ako gising. Kumain na rin ako ng breakfast. Kain na. Pinag-order na kita.” sabi ko.

He rolled his eyes.

“Kaya ko naman eh. Nag-abala ka pa.”

“Siyempre naman ‘no. It would be improper for me kung pabayaan kita.” I answered.

Enough of daydreaming, Lujille.

Hindi na siya magiging sweet sa iyo gaya ng kagabi. He’s back to his normal attitude now. Si Leslie ang mahal niya, hindi ikaw.

Bumangon na siya at pumunta muna sa banyo. Lumabas siya after a few minutes at tiningnan ang pagkain. Bigla siyang ngumiti.

“Paborito ko ‘to ah!” he exclaimed.

“Yup! Yan ang in-order ko para sa iyo.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Thanks.”

Hindi ko na lang iyon pinansin at kinalikot ang cellphone ko. Matagal na akong naghihintay na may maalala siya tungkol diyan, pero ni isang statement, walang lumabas sa bibig niya.

“Siya nga pala, marunong ka ba magluto nito?” tanong niya.

Tumango ako. “Oo. Specialty ko yan eh.”

Try mo yung luto ni Leslie, masarap iyon.” he said.

Leslie. My heart sank dramatically nung sinabi niya iyon. Why does he have to bring her up? Kami yung kasal ‘di ba? Siguro ninakaw niya ang lahat ng meron ako sa puso ni Arleigh. Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. That’s too silly.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon