Twenty-Six

5.3K 56 3
                                    

A/N: Before I make a full-blast three chapter update, I'm sorry if I just came from a long break. Sana maintindihan niyo. :)

Tumigil ang kotse sa parking area ng Star City. Sa backseat, hindi na mapagsidlan ang excitement nina Bugoy at Basha. Kanina pa sila nagkukulitan sa tabi ko. Isinama namin si Lorraine para tatlo kaming magbabantay sa dalawang bata. Si Arleigh naman, nakasimangot pa rin. Kanina ko pa siya kinakausap na kumalma, pero walang nangyari.

Lumabas kaming lahat sa kotse. Pumasok kami sa loob ng amusement park na nagpalakas sa tibok ng puso ko. Halos marinig ko na nga. Isa ito sa mga alaala namin ni Arleigh na hindi ko malilimutan.

“Tita, carousel tayo.” pangungulit ni Basha.

“Sige.” sabi ko. Nilingon ko si Arleigh na malayo ang tingin. I wonder if we’re thinking of the same thing. Sana nga pareho kami ng iniisip.

“Babes, sakay tayo.”

Tumingin siya sa akin. “Paano kung sabihin kong natatakot ako?”

I smiled. “Hahawakan ko ang kamay mo.” sagot ko.

“Sige na, Tito.” pilit ni Basha.

Nakisali na rin si Lorraine sa usapan.

“Oo nga, kuya. Pagbigyan mo na yung bata. I’ll take the pictures.” sabi pa niya at itinaas ang camera na dala niya.

In the end, napilitan din si Arleigh.

“Sige. I’ll try.”

Ngumiti ako at sumakay na kaming apat sa carousel. Sa harapan ni Arleigh si Bugoy. Sa harapan ko naman si Basha. Nagsimula nang umikot ang carousel. Hindi pa man nito nalilibot ang buong circle, hinawakan na ni Arleigh ang kamay ko. Halata ang kaba sa lamig ng kamay niya. Lumapad lalo ang ngiti ko. Humawak ako ng mahigpit, habang masaya ang mga bata, at masaya kami sa isa’t-isa.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ito. Basta ang alam ko lang ay mahigit pa sa crush ang nararamdaman ko para kay Arleigh. Mukhang isnabero at first pero mabait pala. Hindi siya yung tipikal na lalaki na kamo mayaman, mayabang na. Down-to-earth siyang tao. At kahit na hindi masyadong pala-kaibigan, hindi rin naman siya nagsisimula ng gulo.

Tapos na ang exams. Thank you Lord, makakahinga na ako ng maluwag. Pero parang sinapian ng kung anong espirito itong si Nathan. Niyaya niya kami ni Arleigh na mag-amusement park. Alam naming tatlo na ayaw ni Arleigh sa mga ganyang lugar. Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan niya.

“Nathan, ayokong sumama.” sabi ni Arleigh.

Tinapik ni Nathan ang balikat niya.

“Pre, conquer your fears.” sagot nito.

“Ang tigas din ng bungo mo, Nathan. Ayaw nga nung tao eh.” sabat ko.

“Lujille naman, minsan lang ‘to. Huwag kang KJ.”

I rolled my eyes. “Ang hina talaga ng kukote mo.”

“Sige, sasama ako. Kalian ba tayo pupunta doon?”

Ngumisi si Nathan. “Yun oh! Sabi ko nga ba’t papaya ka eh. Sa makalawa, pre. Tayong tatlo lang.”

“Sure.”

Pero bakas ang kaba sa mukha ni Arleigh. Ako yung namumutla para sa kanya.

“Bakit ba ayaw mo sa mga amusement parks?” tanong ko sa kanya nang tumambay kami sa library.

“Nakikita mo ba ‘to?” sabi niya at itinaas ng konti ang braso niya. May traces iyon ng tahi na kalauna’y naging peklat. Malapit iyon sa siko niya. Mga two centimeters yata iyon.

“Oo.” sabi ko sabay tango.

“Nahulog kasi ako sa carousel nung bata pa ako. Nasugatan pa ako at nabalian ng buto.”

Marinig lang iyon, nasasaktan na ako. Napaka-insensitive ni Nathan para yayain si Arleigh na mag-amusement park sa kabila ng takot nito.

“Kaya pala.  Pero bakit ba gusto mo pa ring sumama?”

Ngumiti siya. “Gusto ko lang.”

“Sira! Gusto mo lang yata mapahamak eh.”

Tumawa lang siya. Pinipilit niyang maging matapang para hindi lang siya mapahiya.

Ilang saglit pa, nilapitan kami ng librarian at sinaway dahil sa pagiging maingay namin.

Sabado. Ito na ang araw na pupunta kami ng amusement park. Kinakabahan ako para kay Arleigh. Baka maulit ang nangyari sa kanya nung bata pa siya. Ayokong humantong sa ganoon ang dapat sana’y masayang araw para sa aming tatlo.

Sa Star City kami pumunta. Sa carousel talaga kami unang sumakay. Alam kong matatanda na kami para sumakay sa mga ganitong ride. Awkward kung titingnan kami ng ibang tao, pero nag-e-enjoy naman kami. Halata pa rin ang kaba sa mukha ni Arleigh. Hindi siya makatingin ng diretso habang umiikot ang carousel.

“Arleigh.”

Lumingon siya sa akin dahil magkatabi lang kami ng kabayong sinasakyan.

“Lujille?”

Inabot ko ang kamay ko.

“Hawakan mo ang kamay ko. Hindi kita pakakawalan.” sabi ko.

Nag-aalangan pa siyang humawak. Kumapit siya ng mahigpit sa handle.

“Sigurado ka ba?”

Tumango ako. “Oo. Kumapit ka lang. Walang mangyayari sa iyo.”

Hinawakan niya ang kamay ko habang patuloy ang pag-ikot namin sa carousel. Hinigpitan ko iyon dahil ayokong mahulog siya… at tuluyang mawala sa akin.

“Lujille?”

Bumalik ako sa kasalukuyan. Gumalaw ng konti  ang kamay ni Arleigh pero hindi pa rin niya ako binibitawan.

“Bakit?”

Nagkatinginan kami sandali. Tumama sa akin ang mga matang napakaseryoso at nakapangingilag.

“Aykong bumitaw. Hahawakan kita hangga’t kaya ko. Hindi naman mauulit yung nangyari sa akin noon di ba?”

Ito na ba? Naaalala na ba niya ang tagpong ito? Please naman, sana matandaan na niya. Halos mabiyak ang puso ko sa kaba.

“Hindi. Kumapit ka lang.”

Ngumiti siya sa akin. “Mahal kita.”

And everything inside me exploded all at once. Parang fireworks.

“Lujille?”                

Lumingon ako sa kanya. “Bakit?”

“Hindi naman ako mahuhulog ulit ‘di ba? Ayoko kasing bumitaw eh. Kakapit ako hangga’t kaya ko.”

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

“Hindi. Walang mahuhulog sa atin.”

Tahimik kami sandali habang umiikot ang carousel. Malakas ang tibok ng puso ko. Crush ko ang nakahawak sa kamay ko.

Nang walang anu-ano’y biglang binasag ni Arleigh ang katahimikan.

“May gusto akong sabihin sa iyo.”

Tiningnan ko siya.

“Ano?”

His grip on my hand became tighter.

“Mahal kita.”

My one-sided love has been reciprocated. Memorable ang araw na ito. Ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon