Two

11.7K 146 7
                                    

“Hindi ko in-expect na dito mo ko dadalhin.” sabi ko sa kanya nang makarating kami sa restaurant. Marami-rami na ring tao sa loob, halatang nag-e-enjoy sa mga hinahaing pagkain. Sugar and Spice, isa sa mga pinakamahal na restaurant dito sa Makati.

Nagkibit-balikat siya. “Well, alam ko naman na galante ka, kaya nilalasap ko na.” Tumawa siya pagkatapos kong sabihin iyon.

“Che! Halika na nga.” sabi ko at hinila siya papasok. Ilang beses na kaming kumain dito pero kanya-kanyang bayad lang. Masarap naman ang pagkain dito, nakakatulo ng laway. Umupo kami sa pinakadulo malapit sa pinto dahil iyon na lang ang bakante. Binigyan kami ng menu ng waiter at pagkatapos umalis, kinausap ako ni Nathan.

“So, sabi mo sa akin may nakaaway ka sa daan. Ano ba’ng nangyari?” tanong niya.

“Ganito kasi iyon. Papunta ako sa office kanina. Tahimik nga akong nagda-drive sa daan eh, ng may buwiset na Ferrari na nag-overtake sa ‘kin. Muntik na nga akong mamatay sa gulat. Tapos nung kinausap ko siya, parang galit. Ang palusot pa niya, naaksidente ang kapatid niya at nagmamadali siya. Sounds stupid, right?”

“Ang babaw.” Tanging nasabi niya sa haba ng ikinuwento ko.

“Mababaw nga.” sagot ko. Nagkuwentuhan lang kami habang ibinababa ng waiter ang order sa mesa namin. Nagsimula na rin kaming kumain dahil gutom na gutom na kami.

“Lujille?”

“Bakit?” sabi ko habang nginunguya ang pagkain. Alam ko naman iyong ‘Don’t talk when your mouth is full’ na rule, pero kapag kaming dalawa ang magkasamang kumain, hindi na uso iyon. Kung puwede lang naming kamayin lahat ng pagkain, kanina pa namin ginawa.

Napatingin siya sandali sa pagkain tapos sa akin. 

“Break na kami ni Patrice.”

Muntik na akong mabilaukan. 

“What?” gulat kong sabi sa kanya. Girlfriend niya ng dalawang taon si Patrice. Isa siya sa mga pinakamaganda at highly paid models sa bansa. Nang huli ko siyang tanungin tungkol sa relasyon nila, sabi niya masaya naman daw sila.

“Oo, break na kami. Three days ago pa.”

“Anak ng-! Nathan naman eh! Ba’t di ka nagsabi?”

“Nakaka-stress na ‘ko masyado sa iyo.” katwiran niya. Sorry ka na lang Nathan, baluktot iyang utak mo.

“Baliw ka ba? Alam mo namang makikinig ako di ba?”

“Sorry na.” sabi niya sa maliit na boses at nag-puppy eyes. Masagwa talaga siyang tingnan tuwing ginagawa niya iyan.

Uminom ako ng kaunting iced tea bago magsalita. “Ano ba’ng nangyari? Akala ko ba happy kayo sa isa’t-isa?”

 Bumuntong-hininga siya at singaot ako.

 “I don’t know. It just didn’t work out. Siya iyong nakipaghiwalay eh, which is hindi ko alam king bakit.”

 “Kinausap mo ba siya?”

“Oo, but she said it’s over. Ang sakit, dre.” sabi niya habang hinihimas-himas ang dibdib. 

“Ang OA mo.” Natawa ako pagkatapos sabihin iyon. Kung may isang bagay man na ikabibilib ko sa kanya, iyon ay ang pagharap niya sa mga problema. Nakangiti lang siya, hindi katulad ng iba na iisipin pang magpatiwakal makawala lang sa pinagdadaanan nila.

“OA na kung OA. Basta nasasaktan ako.”

I gave him a follow-up question. “Babalikan mo pa ba siya?”

“I’ll try.” he said then shrugged. Natahimik kami sandali para tapusin ang pagkain namin. Matapos ang ilang minute, idinaan namin sa kuwentuhan ang pagkabusog namin.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon