Arleigh
Hindi maialis ang ngiti sa kanyang mga labi habang kianakain ang malaking cheeseburger na in-order ko kanina lang. Pinagmasdan ko lang siya habang abala siya sa pagkain. Hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.
"Won't you eat your food?" tanong niya nang tumigil siya sandali at napansin ang ginagawa ko.
Ngumiti lang ako. "Mauna ka na lang. Mamaya ko na kakainin 'to."
Ngumiti lang din ang batang lalaki at kumain pa. hindi siya katulad ng ibang bata na malakas umiyak at nagde-demand ng kung anu-ano. Tahimik lang siya. Pinangako ko sa kanyang ihahatid ko siya pauwi. Sa bait ng batang 'to, hindi ko kayang ipako ang pangako ko.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko.
"Charleigh."
Tumango ako. "Charleigh. Magandang pangalan ah! How old are you?"
Inilapag niya ang burger sa mesa at naglahad ng anim na daliri sa akin sabay ngisi.
"Six...wow! You're too smart for a six-year old."
"Kayo po, how old are you?"
"Matanda na ako. I'm thirty-five." sagot ko.
"May anak na po ba kayo?"
Natawa ako sa kadaldalan ng batang 'to. I can't help but answer him honestly.
"Wala pa." Pero gusto ko kahit isa man lang. At dapat lalaki para magkasundo kami. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya. Ganyang-ganyan ako nung bata ako. Pakiramdam ko gumagaan ang loob ko sa kanya. Sana nga anak ko na lang siya.
"Tapusin mo na iyan. Iuuwi na kita sa mama mo." sabi ko. Ngumiti lang siya at napatingin ako sa malayo.
Itinuro ni Charlie sa akin ang daan patungo sa isang coffee shop. Nakarating din naman ako doon sa kabila ng maraming pasikot-sikot at mga eskinitang kinailangan naming daanan. Habang palapit na kami, unit-unting nagiging pamilyar sa akin ang destinasyon namin.
Iginarahe ko ang kotse sa tabi ng isang itim na kotse rin. Binuksan ng bata ang pinto ng kotse at lumabas. Sumunod na rin ako.
Na siya namang paglabas ni Nathan sa coffee shop.
"Papa!" masiglang sabi ng bata at tumakbo patungo kay Nathan. Kinarga ni Nathan ang bata at bumaling sa akin.
"Salamat." malamig niyang sabi.
"No problem. Anak mo pala siya." sabi ko.
"Oo. Anak namin ni Lujille."
Lujille? Hindi. Hindi pwede. Pero posible ring totoo ang sinasabi ni Nathan. Maraming mangyayari sa loob ng pitong taon.
"Ah...kaya pala."
Bumaling si Nathan sa batang karga-karga niya.
"Kumain ka na?"
Tumango ang bata at tinuro ako. "I was with him Papa. We ate burger po."
Papa. Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng labis na inggit kay Nathan. Binuo niya ang pamilyang dapat sana ay nabuo ko kasama si Lujille.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Nathan sa akin.
"Muntik ko kasi siyang masagasaan. Mabuti na lang at nakapreno agad ako. He's okay, pare."
Tumango lang siya but his poker-faced façade was unmistakable.
"Salamat sa paghatid, pare. Baka gusto mo munang pumasok." alok niya.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...