Five

8.7K 104 9
                                    

Tumango ako.

“Gets ko. Gets na gets ko. Hindi naman mahirap intindihin eh. Tsaka hindi rin ako ganun kabobo.” sabi ko at tinalikuran siya. Tumakbo ako papunta sa kwarto at padabog na isinara ang pinto. Umupo ako sa sahig at umiyak na parang walang bukas. Naramdaman ko ang hapdi ng mga sinabi niya, at hindi ko man gustuhin, umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

Nang sumunod na umaga, natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa kama. Masakit ang katawan ko dahil sa pagod, at namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Lumaki na rin ang eyebags ko, mistulang multo na.

Pumasok si Lorraine sa kwarto ko at dinalhan ako ng agahan. Nagulat ako dahil hindi iyon ang mga karaniwang kinakain ko. May tatlong slice ng wheat bread, limang strips ng bacon, omelette at isang baso ng gatas.

“Good morning, ate! Kain na. Male-late ka na sa opisina niyan eh. Baka himatayin ka pa.” sabi niya at inilatag ang tray sa harapan ko.

Imbis na barahin siya, napangiti na lang ako.

“Thanks. Baon lang ang kapalit nito eh.” biro ko.

Napangisi ang nakababata kong kapatid. “Nakahingi na ako kay Mama kaya steady ka lang diyan. Kanina pa naghihintay ang sikmura mo. Kumain ka na.”

“Okay.” sabi ko at sinimulan ang pagkain.

Nang kumibo ulit si Lorraine, naging seryoso ang boses niya. “Ate, kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, si Kuya Arleigh ang dahilan ng pag-iyak mo kagabi.”

“Ganon ba talaga ako ka-obvious?” tanong ko habang nginunguya ang bacon. In fairness, masarap siya.

“Oo. Halata naman eh. Ate, huwag na tayong maglokohan dito. Alam nating dalawa na mahal mo pa siya.”

Napatigil ako sandali. Hindi ko naramdaman ang galit sa sinabi niya. Pati sarili kong kapatid, tinitira ako, at may point ang mga sinasabi niya. Napabuntong-hininga ako at mataman siyang tiningnan.

“Lorraine…” tanging nasabi ko.

“Twelve years old ako nun, at twenty years old ka. Kahit sa ganung edad ate, naintindihan kita. Hindi mo nga lang ako napapansin.”

“Tama na.” mariin kong sabi.

Uminom ako ng kaunting gatas at sinagot siya.

“Oo. Mahal ko pa rin siya! Kahit na hindi niya ako maalala, okay lang. Basta ang alam ko mahal ko pa rin siya. He’s not my first love, but I love him more than anything in this world! Satisfied?” pasinghal kong sabi.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

“Huwag kang mag-alala ate, nandito lang ako para sa ‘yo.”

Tumayo na siya at naglakad palabas. Akmang bubuksan niya ang pinto nang nilingon niya ako at nagsalita muli.

“Siya nga pala, si Kuya Arleigh ang bumuhat sa iyo mula sa sahig papunta diyan sa kama mo.”

Isinara niya ang pinto at iniwan akong nakatingin sa kawalan.

“Ma’am, kailan niyo po ba pipirmahan ang mga papeles?” tanong ni Monica na kanina pa nakatayo sa tagiliran ko.

“Mamaya na siguro. May iniisip pa ako.” sagot ko habang nakatingin sa mga folders. Tambak-tambak pala ang mga pipirmahan ko.

Matapos ang ilang minuto, sinimulan ko nang pirmahan ang mga papeles. Kahit iyon lang ang ginagawa ko, blangko pa rin ang utak ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Lorraine. Si Arleigh ang  naghatid sa akin sa kama ko kagabi. Bakit naman niya gagawin iyon? Hindi na niya ako naaalala ‘di ba? Imposible ring naawa siya sa akin.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon