Seventy-Four

2.3K 29 2
                                    

Arleigh

Umalis ako ng bahay matapos matanggap ang tawag mula sa Makati Medical Center. Isinugod si Mama doon at ako lang ang pwedeng pumunta ngayon. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko habang tinatakbo ang mga pasilyo ng ospital. Sinabi sa akin sa nurses' station ang room number ni Mama.

Nakarating ako ng fifth floor at tinakbo ang sinabing room number ng nurse. Pagbukas ko ng pinto, tinatakpan na ng kumot si mama. Napatakbo ako sa mga nurses at doktor na naroon.

"Teka lang!"

Hinarap ako ng doktor.

"Ikaw ba si Arleigh Llamanzares?"

I nodded.

"Kaano-ano mo ang pasyente?"

"She's my mother."

Huminga siya nang malalim at inayos ang sarili. Kung ito man ay masamang balita, kailangan ko nang maghanda.

"I don't know how to tell you this, pero dead-on-arrival ang ina mo. Naaksidente siya kasama ng isang lalake at isa ring batang lalake."

Anak ko agad ang naisip ko.

"Ano'ng pangalan ng batang lalake doc? Kailan pa po?"

"Just an hour ago. Charleigh ang pangalan ng bata. May isa pang lalake na nakasakay mag-isa sa kabilang kotse. Nathan Buenaventura ang pangalan."

Si Nathan. Pero paano siya nasangkot dito?

"Ano pong nangyari? Kumusta na po siya?"

"Mukhang naghahabulan yung dalawnag kotse at sabay na nawalan ng kontrol sa preno kaya bumangga separately. May konting galos lang sa katawan si Nathan at tulog siya ngayon kasi malakas ang pagkakauntog ng ulo niya."

Kinakabahan man ako, sinubukan ko pa ring itanong ang kinatatakutan ko.

"Anak ko po yung bata doc. How is he?"

Nag-iwas ng tingin ang doktor. Lalo akong kinabahan. Nanginginig ang mga kamay ko.

"I'm sorry, but he's dead. Malakas ang naging pagkabangga ng kotseng sinakyan ng bata kaya nagkaroon ng internal bleeding sa spleen nito. Hindi na namin nagawang agapan. I'm really sorry."

Nanlumo ako sa mga narinig ko. Ang ina kong napilitang gumamit ng dahas para sa sarriling interes niya. ang anak kong hindi ko pa lubusang nakikilala at nakakasama. Wala na sila pareho.

Isang butil ng luha. At hindi ko na napigilang umiyak.

Sa kabila ng panginginig ng mga kamay ko, nagawa kong tawagan si Lujille.


Lujille

Hindi pwede 'to. Malakas ang pakiramdam kong nagsisinungaling lang si Arleigh. Hindi iyon totoo.

Tuluyan nang naapula ang sunog sa kusina ng coffee shop. Maaga kaming nagsara at inaayos ang kung anumang sira. Hilong-hilo pa ako sa pagkakahampas sa akin ng isang lalaki sa ulo ko. Matagal-tagal din bago ako nagkamalay ulit. At hinatid na nga ni Arleigh ang isang masamang balita sa akin.

Patay na si Charleigh. Sugatan si Nathan. Car accident ang nangyari kani-kanina lang. internal bleeding sa spleen ng anak ko. No, not my little man. Ikamamatay koi yon bilang ina.

Tumayo ako mula sa sofa at pumunta sa opisina. Naroon si Erika nag-aayos ng mga gamit at kalat.

"Erika, samahan mo ko sa ospital." Sabi ko sa assistant ko.

Tumigil ang taxi sa mismong harap ng Makati Med. Bumaba agad kami ni Erika at pumasok sa loob.

"Ma'am, saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Erika.

Binasa ko ulit ang text ni Arleigh. Sa morgue ng opsital. Sinabi ko sa kanya iyon. Nagpasama kami sa isang nurse papunta doon.

Tumigil kami saglit ni Erika sa pinto. Nanginginig ang kamay kong inabot ang doorknob. Hindi ko magawang pahinain ang tibok ng puso ko. Takot ang namayani sa buong katawan ko.

"Ma'am, ako na po." Sabi ni Erika at binuksan ang pinto. Timing ring lumingon si Arleigh sa akin. Namumula ang mga mata niya sa labis na pag-iyak."

"Lujille..."

Nakita ko ang maliit na katawang nakabalot ng kumot. Agad ko itong pinuntahan at bahagyang hinawi ang putting tela. There he was, my little man, sleeping like a baby, cold and still. Mas lalo akong humagulgol. Hindi ako makapaniwala at ayokong paniwalaan.

Niyakap ako ni Arleigh nang mahigpit. Agad kaming iniwan ni Charleigh. Ni hindi pa niya natatawag na 'Papa' si Arleigh, maranasang mamulat sa kagandahan ng mundo at masaktan sa sariling pagkakamali, makapagsimula ulit kaming tatlo bilang isang normal na pamilya. Wala akong magawa kundi ang magkulong sa mga bisig niya.

Matapos ang ilang sandali, bumitaw ako sa kanya.

"Nasaan si Nathan?"


Nathan

Umiikot pa ang lugar na kinasasadlakan ko ngayon. Natigil lang ito nang biglang bumukas ang pinto. Umayos ako ng pagkakakhiga at pumasok sina Arleigh at Lujille.

"Tell me everything." she demanded. Kasing tigas ng bakal ang boses niya kahit hindi niya ito itinataas.

"Lujille – "

"Nathaniel now!"

"Ano ka ba, dahan-dahanin mo si Nathan. Sugatan at hilong-hilo pa iyan." Saway ni Arleigh.

Hindi natinag si Lujille. What she wants, she gets.

"Patay na ang anak ko at gusto kong malaman kung bakit."

"A-ano?" Maging ako hindi makapaniwala. Ginawa ko lahat para sagipin ang bata. Paano nangyari iyon?

Sana ako na lang ang namatay.

Baka nadala lang siya ng galit niya. Hindi pwedeng mawala ang isang batang itinuring kong anak all these years.

"Hindi mo ba narinig? Patay na ang anak ko. At gusto kong – "

"Dinukot ni Monique ang anak mo nang nasusunog ang coffee shop. Nakahiga ka sa sahig at hindi ko alam kung bakit."

Biglang tumiim ang bagang ni Arleigh nang binanggit ko ang ina niya.

"Teka –"

"Iyak ng iyak ang bata. Hinabol ko sila. Sinubukan kong iligtas ang bata pero hindi ko nagawa. Naunang bumangga ang kotseng sinasakyan nila. Tapos nawalan ako ng kontrol sa brake kaya nabangga na rin ako."

"Alam mo Nathan, kawawa ka. You're trying to be a hero pero bigo eh. Huwag mo nang pilitin sa susunod." Sabi ni Lujille at umalis. Agad din siyang sinundan ni Arleigh.

Saan ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Ginawa ko lang ang lahat para maisalba ang anak niya. Ano baa ng mali doon? At bakit ako pa ang mali?

Pumasok si Ate Nida makaraan ang ilang oras. May dala siyang pagkain at inilagay niya iyon sa mesa katabi ng higaan ko.

"Ate Nida."

Tumingin siya sa akin.

"Paki-book niyo po ako ng flight patungong Paris. Ang petsa dalawang linggo mula ngayon."

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon