Seventy-One

2.1K 29 3
                                    

Arleigh

That morning ako lang mag-isa sa bahay. May lakad sina Kuya at Mommy, kasama ang kasambahay naming si Ate Choleng. Nag-decide akong maligo sa banyo ng kwarto ni Mommy dahil sira ang shower sa banyo ko.

Nagpupunas na ako ng buhok nang may makuya akong mga litratong nakakalat sa kama. It's funny na sa sobrang pagmamadali ko hindi ko ito napansin. Pinuntahan ko iyon at tiningnan. Pero sana pala hindi ko na ginawa iyon.

Napakaraming developed pictures namin ni Lujille ang nakakalat. Yung pagpunta niya sa condo ko, pag-speech niya sa UST, candid shots nila ni Nathan na masaya sa coffee shop, pati na rin yung kasal ni Leslie. Kung sino man ang inutusan ni Mama na kumuha nito, magaling sa photography at pagtatago. Hindi ko namalayang sinusundan nap ala kami.

Pinulot ko rin ang isang makapal na file sa may unan. Mga certificate na hindi ko maintindihan. At tumambad din sa akin ang itinatago ni Mama.

Annulment papers ng kasal namin ni Lujille. With forged signatures.

Ni hindi ko namalayan 'to. Masyadong nakakabigla.

Napaupo ako sa kama at napahilamos sa sarili kong palad. Everything was a lie. Hindi nagtatapos sa pagkakulong ni Anita ang lahat. My mother has been scheming things to fit her taste. Para sa ikasasaya niya 'to.

Kinolekta ko ang mga pictures at files. Sakto ring dumating sina Mama at Ate Choleng. Bumaba na ako ng kusina.

"Ano'ng ibig sabihin nito?!" galit kong tanong at itinapon ang mga pictures at files sa harap ni Mama.

Tiningnan niya ito.

"Huwag na huwag kang magkakamaling itanggi ang mga iyan! Kasalanan mo ang lahat ng 'to!"

"Anak..."

"Tumigil ka! I need an explanation now, kung gusto mo pa akong makita."

"Tama ka. I did all of these para mas lalo pang makapaghiganti kay Anita. She's rotting in jail, so Lujille has to suffer. I guess nauto ko siya sa pagbabait-baitan ko."

"Ikaw ba ang nag-utos na sirain ang kotse niya?"

Ngumiti siya. "And I'm bound to do more things. That bitch is no good for you!"

"Don't you dare call her a bitch! You don't know what you're talking about."

Nagtangka siyang lumapit sa akin. Humakbang ako paatras.

"Anak, gusto ko lang naman – "

"Huwag mong sabihin sa akin na hindi ko siya dapat mahalin. Loving her is the best thing that ever happened to me." Sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Humakbang ako papuntang hagdan, still unable to contain my anger. Biglang nagsalita si Mommy.

"Leave this house and you'll never see me again."

And I said, "Stop me and I'll never forgive you for everything."



"Mabuti naman pumunta ka dito." Sabi ni Nathan nang pumunta ako sa coffee shop. Sa labas lang kami nag-usap. Wala si Lujille at marami-rami ring tao sa loob. Matapos ang naging tensyonadong usapan namin ni Mama, nakatanggap ako ng text mula sa kanya. Kailangan namin mag-usap lalaki sa lalaki.

Nakasandal ako sa isang dingding. Ganon din siya.

"Ano ba'ng gusto mong sabihin?" tanong ko.

"Layuan mo na si Lujille."

That was too straightforward. Limang salita lang iyon pero malaki ang nagawang pinsala sa ego ko. I love her. She loves me. Masyadong halata na ginagawa niya 'to para sa sarili niya. Na kaya niyang hingin kay Lujille ang pagmamahal na binibigay nito sa 'kin.

"Pa'no kung ayoko?"

"Gagawin ko ang lahat. Kung kailangan kitang patayin, gagawin ko."

Hinarap ko siya at tiningnang mabuti. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

Sinuntok ko siya sa panga. Napaluhod siya sa lupa.

"Gago ka pala eh! Kung akala mo madadaan sa limos ang pagmamahal, mali ka! Kusang binibigay iyan."

Tinulak niya ako at sinuntok sa pisngi.

"Wala ka nang ibang binigay kay Lujille kundi sakit! Paulit-ulit siyang nasasaktan dahil sa iyo."

"But she still loves me, di ba? Gumising ka nga, Nathan! Mahal ka niya pero bilang kaibigan lang. Hanggang kailan mo ba ipagpipilitan ang sarili mo? Mas paulit-ulit kang nasasaktan dahil sa kanya!"

Sinuntok niya ulit ako at gumanti rin ako ng suntok. Sinipa ko siya sa tiyan at tadyang. Nakatingin na halos lahat ng tao sa amin. Parating na rin ang mga sekyu para awatin kami.

"Tama na yan! Tigilan niyo na iyan!"

Napalingon kaming dalawa nang makita naming parating si Lujille. Pinaglayo niya kami sa isa't-isa.

"Ano ba naman kayo! May mga taong nakatingin sa inyo tapos nag-aaway kayo na parang mga bata. Mahiya naman kayo!" sigaw niya.

Bumaling siya kay Nathan. "Pumasok ka na sa loob. Ako na'gn bahala sa kanya."

Matalim ang mga tinging ipinukol ni Nathan sa akin bago siya pumasok sa loob. Bumaling si Lujille sa akin.

"Umuwi ka na." sabi niya.

It's too useless kung makikipagbangayan pa ako. I turned away from her at umuwi na lang. 

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon