Nathan
Isang lingo na ring tahimik ang buhay namin ni Lujille. Mula nang itaboy niya si Arleigh, wala na kaming narinig na anuman mula dito. He must have realized everything matapos mauntog ulit ang ulo niya. Mabuti na rin iyon para may peace of mind ako.
Kahit anong gawing pagkukubli ni Lujille, halata pa rin sa mukha niya na nami-miss niya si Arleigh. Pinipilit niyang ibuhos ang lahat ng oras niya sa coffee shop at kay Charleigh. Pero nahuli ko siya sa mga sandaling hindi niya namamalayan, nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip. Sana kasama niya si Arleigh. Sana ang lahat ng 'to ay isang panaginip lang.
Sana.
Nang araw ring iyon, nang marinig kong papalayo ang kotse ni Arleigh at nakasandal si Lujille sa pinto habang umiiyak, doon ko na napagpasyahang pakawalan siya. Oo kilala niya ako mula pagkabata, pero mas mahal niya pa rin si Arleigh kahit college na sila nagkakilala. Hindi ko kayang higitan iyon sa kahit anong paraan. And as a living witness sa lahat ng pinagdaanan nila, masasabi kong sila ang itinadhana para sa isa't-isa. Kasi sometimes, friendship is more important than romantic feelings.
Ngayong hapon nakangiti siyang dumating sa coffee shop kasama ang anak niya. Pumasok sila sa loob at hinanap ang upuan ko.
"Mabuti naman nandito ka na. May sasabihin sana ako sa iyo." Sabi niya habang inaayos ang sarili sa upuan. Si Charleigh naman abala sa paglalaro sa tablet niya.
"Ano ba iyan?" tanong ko.
"First honor si Charleigh."
"Totoo ba iyon bunsoy?"
Tumango ang bata. Ginulo ko ang buhok nito.
"Manang-mana ka talaga sa 'kin. Gwapo na, matalino pa." hirit ko.
"Mahiya ka rin no? Kapal mo eh." Sabi niya.
"Tumigil ka nga. Baka marinig tayo ng bata."
Sasagot sana si Lujille nang biglang may sumabog sa kusina. Agad naming pinalabas ang mga customers. Bigla ring umiyak si Charleigh. Pinuntahan ko ang nasusunog na kusina at pinalabas ang mga barista.
Dinig na dinig ko ang pag-iyak ni Charleigh pero unit-unti itong lumalayo. Nakita kong may lalaking naka-itim at kinakarga ang bata palabas ng coffee shop.
"Hoy!" sigaw ko. Lalabas na sana ako nang makita kong nakahandusay sa sahig si Lujille. Pinagtutulungan na rin ng mga guard na apulahin ang sunog.
Ipinasok si Charleigh sa isang puting kotse. Kitang-kita ko si Monique sa passenger seat at yung lalake sa driver's seat. Nasa backseat ang bata at umiiyak pa rin.
Sumakay ako sa kotse nang humarurot sila palayo. Sinundan ko sila kahit saan sila pumunta, napamura ako at tumapak sa accelerator nang bumilis ang takbo nila. Maraming busina na rin ang natanggap ko mula sa ibang motorista.
Tumigil ng ilang minuto ang habulan hanggang sa umabot kami sa isang abandonadong kalsada. Walang sasakyang dumadaan at damuhan lang ang makikita sa magkabilang gilid.
Dito ko na binilisan ang pagtakbo. Hinarangan ko ang kotse nila. Nabangga man ang gilid nito at medyo analog ako ng konti, sapat na iyon para mapahinto sila.
Lumabas ako at hinarap si Monique.
"Ilabas mo ang bata!" sigaw ko.
"Papa Nathan!" sigaw ni Charleigh. Nakatali ang mga kamay nnito ng panyo. Namumula na ang mga braso sa sobrang higpit.
Umusog lang ng konti ang kotse at tumakbo ulit ito palayo s aakin. Sinundan ko sila. Ilang kilometro pa at nagpa-gewang gewang na sila. At doon ako biglang kinabahan.
Umikot-ikot ang kotse at bumangga sila sa isang poste ng kuryente. Pepreno sana ako nang mawalan ako ng control sa brake.
Bago pa man ako bumangga sa kung saan man, nagdilim na ang buong paligid ko.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...