Sixteen

6.8K 82 21
                                    

A/N: Dear Sai, babawi na ako sa dedications mo sa akin. Hehe. Para sa iyo itong next chapter at sana mag-enjoy ka kahit nase-stress ka na kay Arleigh. And for the other readers, I give you Shotgun Wedding's sixteenth chapter. God speed everyone.

Lujille

Tumigil ang kotse sa isang high-rise building. Matutulog muna ako ngayon sa condo unit ni Arleigh habang hindi pa kami nakakahanap ng malilipatan. Nauna akong lumabas ng kotse at naglakad papasok ng building habang iginagarahe niya ang sasakyan. Hindi ko na siya hinintay at sumakay na ako ng elevator.

Bumukas ang mga pintuan at lumabas ako. Hinanap ko ang kwarto niya na nasa pinakadulo. Tumayo lang ako doon hanggang sa dumating siya.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating din si Arleigh dala ang high-tech na susi niya. Binuksan niya ang pinto at pumasok na kami.

“Ba’t ang tahimik mo yata? Ang daldal mo lang kanina, ah.” Tanong niya habang naglalakad ako patungo sa kusina. Hindi ko muna siya pinansin. Uminom ako ng tubig na kinuha ko sa ref tsaka pabagsak na inilagay ang baso sa mesa.

“Lujille?” untag niya.

Pinunasan ko ang mga labi ko.

“Wala lang. Masama ang pakiramdam ko.” sagot ko. Ngayon ako itong desperadong lumusot sa pang-iintriga niya. Ayokong isipin ulit ang nangyari kanina. Sumakit ang mga mata ko doon. Mas sasakit lang kung papansinin ko pa.

“Sigurado ka? Mukha ka ngang galit eh.”

Tiningnan ako ni Arleigh sa mga mata. Parang mahihirapan ako dito. Kailangan kong mag-isip ng paraan.

“Kung galit ako, sira na sana lahat ng mesa sa restaurant ni Nathan kanina. At malamang pati siya binugbog ko na rin.” biro ko with a slight mix of sarcasm.

He shook his head and smiled.

“Baliw ka talaga.” tugon niya at tumalikod sa akin. Subukan niyang humarap ulit. Baso na ang sasalubong sa gwapo niyang mukha.

“Matutulog na ko. Goodnight. Pakihugas na lang ng baso.” sabi ko at naglakad papuntang kwarto. Hindi mismo sa kwarto niya kundi sa guest room ako tumuloy. I don’t like the notion na kahit mag-asawa na kami ay iisa lang ang kwarto namin. Our marriage is not like the usual, at wala akong nakikitang dahilan para makiuso kami sa ganyang klaseng kakyemehan. Sa honeymoon lang iyon mangyayari dahil wala kaing choice, but in reality, mas malayo pa dapat sa magkabilang dulo ng magnet ang mga kwarto at damdamin namin.

I slammed my body on the huge bed and spread my arms and legs widely. Bumuntong-hininga ako para kumalma ng konti. At kahit na ayaw ko nang isipin ang nakita ko, bumabalik pa rin. It’s replaying in my mind para saktan ako.

Akala ko, okay na lahat. Akala ko masasanay na ako sa ganitong pakiramdam pero mali ako. Maling-mali. Nung makita ko mismo na naghalikan sina Arleigh at Leslie, nabasag ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag, at naguguluhan ako kung may karapatan ba akong magselos o wala. Nakakailang sa pakiramdam eh. Pretending that you don’t care pero mag-aalala pa rin pala. Sasabihin na sarili na wala lang ito pero deep inside hindi na pala kaya. I find it ironic sometimes. Ang gulo.

Mabuti na lang nakapagpigil ako kanina. Kung pwede ko nga lang kalbuhin si Leslie o bangasin ang pagmumukha niya gamit ang kamao ko kanina pa nangyari iyon. Inis na inis ako sa ginawa niya at kay Arleigh na nagoyo sa simpleng halik. Well, hindi pala simple dahil mas malala pa sa laplapan iyon. At mabuti na lang din natumbok ko si Leslie na sinamantala lang niya ang amnesia ni Arleigh para makapagpahaba siya ng papel sa buhay nito. Ewan ko nga lang kung kaya niyang tapusin ang gulong sinimulan niya matapos kaming magkahiwalay ni Arleigh noon.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon