Nathan
"Nathan, ipangako mo sa 'kin na kahit ano'ng mangyari wala kang sasabihin kay Lujille." nagmamakaawang sabi ni Tita Anita habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko. Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Sana hindi na lang kami pumunta ni Lujille sa kasal ni Leslie. Hindi sana niya nakita si Arleigh. He shouldn't have asked her for another chance.
Kumukulo pa rin ang dugo ko habang iniisip ang usapan ni Lujille namin kagabi. Agad naman siyang bumigay kay Arleigh. Habang ako naman ay nasasaktan ng labis.
"Pero Tita, bumalik ulit si Arleigh sa bahay ng anak niyo. And she really likes it."
Napabuntong-hininga si Tita Anita.
"Panibagong gulo na naman 'to. Pag nalaman 'to ni Monique, gagawin niya ang lahat para mawala si Lujille. Masasayang lang ang ginawa ko noon..."
"Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?"
"Balak patayin ni Monique si Lujille nung pupunta sana sila ni Arleigh sa New York."
"W-What?" Hindi ko maitago ang pagkabigla sa boses ko. Ang kilala kong Tita Monique ay mabait at mapagmahal...hindi ganito.
"We made a deal," sabi niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga nalalaman ko.
"Susuko ako sa mga pulis at aaminin ko lahat ng mga kasalanan ko kapalit ng pagpunta nila Arleigh at Lujille sa New York. Pero bigla ko na lang nalaman kay Arkin na ipapapatay niya ang anak ko on the way to the airport. Agad kong tinawagan ang mga tauhan ko para sundan sila.
I had my men bring her to my hotel room. Doon ko na sinabi sa kanyang susuko na ako. Hindi ko na sinabing balak siyang ipapatay ni Monique. In the end, sinisi pa rin niya ako."
"Tita..."
"Alam ko, Nathan. It was really stupid of me. Plus the marriage is null and void."
"You can't be joking about that, Tita." nasabi ko. Parang nawawala na ang lahat sa tamang ayos. Unti-unti nang nagsisilabasan ang mga bagay na matagal nang nakatago.
"Hindi ako nagbibiro, hijo. Malaki ang ibinayad ni Monique sa abogado niya para magawa niya ito. She nullified it seven years ago at hindi nila ito alam."
Para akong nauubusan ng dugo sa mga narinig ko. Lumunok ako para ayusin ang sarili ko kahit sandali.
"Ang alam ni Lujille, kasalanan ko ang lahat. Sinisisi niya ako at kinasusuklaman niya ako. Pero may kasalanan din si Monique dito." dagdag pa niya.
"Tita, natatakot ako para kay Lujille. Ang alam niya kasal pa sila ni Arleigh."
She clutched my hand tighter.
"Nathan, ilayo mo si Lujille kay Arleigh hanggang sa abot ng makakaya mo. Ako ang natatakot sa maaaring gawin ni Monique."
Tumango ako. "I'll do my best, Tita. Makakaasa kayo diyan."
Iginarahe ko ang kotse sa tapat ng coffee shop at bumaba.Dala-dala ko ang isang paper bag na naglalaman ng bagong cellphone ni Lujille. Pumasok ako at pinuntahan siya sa pwesto niya. Natigil siya sa pagta-type sa laptop niya nang nakita ako.
"Napadalaw ka yata?" sabi niya.
"Bakit, di ba pwede?" sarcastic kong sagot.
"Wala akong panahong makipagbangayan sa iyo kung ganyan rin lang naman ang sasabihin mo. Makakaalis ka na."
Nagtiim ang mga bagang ko sa gaspang ng pag-uugali niya. Inilapag ko ang paper bag sa harap niya.
"Ano iyan?" tanong niya.
"Di ba sabi mo sa 'kin sinira ni Arleigh ang cellphone mo? Binili kita ng bago."
"Wag na. Nakabili na 'ko." sano niya at ipinakita ang kanyang bagong cellphone.
"Ibigay mo na lang sa empleyado mo." sabi ko at iniwan siya.
Pero sana hindi na lang ako umalis. Kasi nakita kong lumabas si Charleigh mula sa isang kotseng nakagarahe katabi ng akin.
At kasama niya si Arleigh.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...