A/N: After a long, long, loooooooong time, nakapag-update din! Enjoy guyst! :*
A/N #2: MariaGraciaHiiir, para imo jud ni. Hihi. :3
Nanibago si Arleigh sa lahat ng nakikita niya. Puting mga dingding, kisame, mga cabinet, ang hospital gown at ang swero na nakakabit sa braso niya. Dinama niya ang bandage sa noo niya.
“Anak?” sabi ni Monique sa kanya.
“Kuya?” sabi ni Lorraine.
Tumingin si Arleigh sa kanila. May hinahanap siya pero hindi niya ito makita. And then suddenly, he said something.
“Nasaan si Lujille?”
Nagising siya sa isang mahigpit at mainit na yakap. Ramdam niya ang mainit na hininga ng kung sino man sa mukha niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, only to see someone her eyes have been looking for.
“Mabuti naman, gising ka na.” nakangiting sabi ni Arleigh sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Totoo ba ito o panaginip lang?
“Lujille?” Hindi siya makasagot kay Arleigh. Matagal niyang hinintay ang paggising nito, pero ngayong gising na ang asawa niya, parang ayaw niya tuloy itong paniwalaan. Ngumiti si Areligh at kinurot ng marahan ang pisngi niya.
“Akala mo ba nananaginip ka? Buhay ako.” Napaluha si Lujille at yumakap siya kay Arleigh. Nawala na lahat ng pag-asa sa puso niya pero mistulang nabuhayan siya ngayon. It’s not too late.
“Buti naman gising ka na…” sabi ni Lujille.
Hinalikan ni Arleigh ang mga labi niya. “Ayokong iwan ka, Lujille. Mahirap na eh. Tsaka-“
Mas hinigpitan ni Lujille ang yakap sa asawa at umiyak sa dibdib nito. She could never be this happy. The wait was over. Hinimas-himas ni Arleigh ang buhok niya at napangiti. Maging siya ay masaya rin. He knew deep inside him that he could never afford to lose her.
“Mahal na mahal kita, alam mo ba iyon?” umiiyak na sabi ni Lujille. Lumayo ng konti si Arleigh at hinalikan ang noo niya.
“Mahal din naman kita eh. Hayaan mo, paglabas natin dito, magsisismula tayo ulit. Lalayo tayo kay Leslie. Magiging masaya tayo.”
Nakaramdam ng pag-asa si Lujille. Kung meron man siyang gustong mawala sa buhay niya, si Leslie ang taong iyon.
Ngumiti siya.“Lumabas na tayo dito. Gusto ko nang umuwi.”
He heard the urgency in her voice. Gusto na rin niyang umuwi. Pero may kailangan pa siyang malaman.
“Ano ba’ng nangyari sa iyo?”
She sighed. “Nahilo lang ako dahil ilang araw na akong hindi kumakain. Hinintay ko lang na gumising ka.”
“Hindi ka sana nagpabaya. Tingnan mo tuloy. Mabuti na lang dinala ka agad dito.”
Hinatak ni Lujille palapit si Arleigh sa kanya at niyakap ulit ito. “Sorry na oh. Promise ka sa ‘yo, hindi na mauulit ‘to.”
He gave a low chuckle. Biglang bumukas ang pintuan.
“Kuya, Ate, na-admit daw ditto si Kuya Nathan.” sabi ni Lorraine.
Si Nathan. Agad na bumangon si Lujille.
“Nasaan siya?” tanong niya sa kapatid.
Nararamdaman ni Arleigh ang kaba sa malamig na kamay ni Lujille habang hawak-kamay silang naglalakad patungo sa kwarto ni Nathan. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng asawa.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...