A/N: This update is for Jolielaide, na sumusubaybay dito at binasa ang eleven chapters sa maikling oras, at ginawang chatbox ang comment box. Hahaha! Sana magustuhan mo. Still, comments and insights for this chapter are super appreciated. Enjoy! :DDDDDD
Lujille
Palihim ko siyang tinitingnan habang naglalakad kami palabas ng hotel. Ang bait niya ngayon sa akin. Bago iyon sa paningin ko. Kung ganito siya kabait palagi, hindi siguro ako magsisisi na pinakasalan ko siya.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Ni wala akong ginawa para linisin ang sugat ko, pero siya itong nag-effort na gamutin io, kahit panandalian lang. Kahit alaala lang tungkol sa akin ang nawala sa kanya, hindi nawala ang pagiging caring niya. Ganito talaga siya kahit noong college pa kami. Nangyari na ito sa akin at kay Nathan. Maging ang best friend ko ay nagamot na rin ni Arleigh nang minsang magkasugat ito sa binti. At habang ginagamot niya ako kanina, hiniling ko sa Diyos na sana sumakit ang ulo niya at may maalala siya kahit konti. Sana sa keychain, sa sampal, sa pagkadapa ko, at sa sugat ko.
Pero wala. Walang sumagi sa isip niya.
On the other side, na-down ako. Ganon na ba talaga ako ka-burado sa malaking parte ng utak niya? Para akong nagsimula sa wala. Back to zero kumbaga. Kailangan kong mag-isip kung paano niya ako makikilala ulit.
“Sa’n mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain?” tanong niya nang makalabas na kami.
“Gusto ko sanang pumunta sa dagat para maligo kaso may sugat pa ko. Bukas na lang kaya? Okay lang sa iyo?” sagot ko.
Ngumiti siya. “Ayos lang. Limang araw din naman tayo dito eh. Maraming magandang lugar dito. Gusto mo puntahan natin isa-isa?”
“Sira ka ba? Baka abutin tayo ng isang buwan ditio.”
“’To naman. Binibiro lang kita. Baka gusto mong libutin ang buong El Nido.”
Tumawa ako. “Ewan ko sa iyo.”
Dumating kami sa isang barbecue grill sa may malapit sa highway. Napadaan ako dito kagabi habang umuulan. Mabango ang amoy ng mga luto nila, at hindi naman tumutol si Arleigh.
Umupo na kami sa bakanteng pwesto malapit sa pintuan. Amoy na amoy na namin ang barbecue. May kakaibang ngiti sa mukha ni Arleigh na hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin.
“O, ba’t ganyan ka makangiti?”
“Amoy pa lang nabubusog na ako.” sabi niya at ngumiti.
Alam ko na medyo masama kung hihilingin ko pa ito, pero sana, ganito na lang kami palagi. Laging masaya, nakangiti at hindi nagbabangayan. Pero alam kong hindi rin maiiwasan iyon. Mahal pa rin niya si Leslie at mananatili lang akong second option.
“Um-order na tayo. Kanina pa kumakalam iyang sikmura mo.” biro ko sa kanya.
“Aba, nagsalita ang walang tiyan.” sagot niya.
Nagtawanan na lang kami saka siya tumayo para um-order ng makakain. Marami-rami ring barbecue, kanin at side dishes ang kinuha niya para sa aming dalawa lang.
“Wow ha. Sigurado ka bang mauubos natin iyan? Ang dami naman.” sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain. Oo, kanina pa kami gutom, pero good luck na lang kung magkakasya ang lahat ng ito sa mga bituka namin.
“Oo naman, no! Konti lang ang kinain ko kagabi, and if I know, lahat ng kinain mo ay nagamit mo sa pagtakbo pauwi. Misan lang ‘to kaya sulitin mo na, okay?”
“Yes boss.” I replied dismissively at nagsimulang kumain. Nginunguya ko ang pagkain ko nang bigla siyang ngumiti.
“Bakit?”
“Ang cute mo lang kasi tingnan eh. Para kang bata. Mas cute ka siguro kung mataba ka.” pang-aasar niya.
Isinubo ko ang isang tuhog ng barbecue sa bibig niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
“Kumain ka na boss. Gutom lang iyan.”
Kinagat niya iyon at kumain na rin. Humirit pa siya ng isang beses kung gaano ako kataba.
For the next two days, nilibot namin ang mga pinakamagagandang lugar dito sa El Nido. In-enjoy lang namin ang company ng isa’t-isa habang bumabiyahe. Doon ko na rin naramdaman na mas dapat niya akong maalala ngayong hindi na kami masyadong nag-aaway.
Bukod sa total blackout niya tungkol sa akin, wala pa ring nagbago kay Arleigh. Masaya pa rin siyang kasama tulad ng dati at palatawa pa rin. Hindi niya pinababayaan ang isang tao na mabagot kapag kasama niya ‘to. He always tries to find a way para magawa iyon.
At dahil doon, mas lalo ko siyang minahal. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw kong sumuko. Nagiging komportable na kami sa isa’t-isa.
Minsan, nagyaya siya sa akin na maligo sa beach. Ayoko sana pero pumayag na lang ako. Malapit na kaming bumalik ng Maynila kaya susulitin ko na ‘tong bakasyon na ‘to.
Naglakad kami papunta sa beach. Naka-sando at shorts si Arleigh at ako naman, hiniram ko ang isa sa mga malalaki niyang t-shirts. Naka-bra lang ako sa loob tapos maikli pa ang shorts ko. Kanina pa natatawa ang asawa ko dahil mukha daw akong scarecrow. Noong nakaraan lang, ini-insist niya na mataba ako.
Marami-rami na ring tao sa beach. Yung iba, nagsa-sun bathing, at ang iba, naliligo. Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay na magpakita ng katawan sa isang public place. Nakatayo lang kami habang nakatingin sa asul na karagatan.
“Sino ba’ng unang magtatanggal ng damit sa atin?” tanong ni Arleigh matapos niya akong siniko.
I shrugged. “Ewan ko. Kung pwede nga lang lumusong agad-agad, ginawa ko na.”
Lumingon siya sa akin. “Teka, ‘di ba sabi nila, ladies first.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, an evil grin crossed his face. Hinipan ko ang bangs ko at sinagot si Arleigh.
“Okay ka lang? Ayokong mauna ‘no! Ikaw na lang kaya.”
“Eh para saan pa ba iyang undergarments mo kung babasain mo rin lang pala ang t-shirt ko?” katwiran pa niya.
Bumuntong- hininga ako. Kahit kailan talaga, talo ako sa mga ganitong klaseng bangayan.
“Oo na. Ako na ang mauuna.” sabi ko at hinubad ang t-shirt niya. Inilapag ko iyon sa buhanginan at tiningnan siya.
“Satisfied?”
He scanned me from head to toe.
“May konting taba pa rin.” he said.
Hinampas ko ang braso niya. “Mabuti na rin ‘to no. Pampainit ng katawan. Hubarin mo na nga iyang sando mo.”
He smirked. “Relax. Maghuhubad na.”
Right before my eyes, nakita ko kung paano niya itinaas ang sando niya hanggang sa tuluyan itong mahubad. Napanganga ako sa gulat. Toned down na ang katawan niya. Mula dibdib, barso at six pack abs, wala na akong hahanapin pa. Para akong natuyuan ng laway. Hindi pa ganyan kaganda ang katawan niya nung kami pa. Pero ngayon, wala ng bakas ng pagkapayat niya. Lahat ng sulok ay naihugis na ng exercise. Mas mukha pa siyang may-ari ng isang fitness gym kaysa sa isang negosyante. Halos hindi na matanggal ang mata ko sa kanya.
“Itikom mo nga iyang bibig mo. Baka pasukan iyan ng langaw.” sabi niya to bring me back to reality.
I blinked at inilayo ang tingin ko sa kanya. May mga nagtitiliang babae sa may di kalayuan. Malagkit ang tingin nila sa asawa ko. Nag-hi pa si Arleigh sa kanila. If I know, katawan lang ang habol nila sa kanya. Nang dumapo ang tingin nila sa akin, nag-iba ang expression ng mga mukha nila. Parang nagunaw ang mundo nila dahil na-gets na nilang mag-asawa kami.
May isang babae na humirit pa ng sigaw sa likuran namin.
“Kahit may asawa ka na, you’re still so hot! Will you marry me?”
Tinapunan ko ng masamang tingin ang babaeng iyon at nanahimik na siya. Bumaling si Arleigh sa akin.
“Tayo na.”
Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako at hinawakan iyon.
Isa lang ang masasabi ko ngayong mga sandaling ito. Perfect. Everything between us is perfect.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...