Fourteen

7.1K 79 17
                                    

A/N: This chappie is for elaineloves1d. Hehe. May One Direction kasi na song sa gilid kaya ibibigay ko 'to sa yo. :)

Yo people! Another chapter na naman ang naisulat ko. Hahaha. It's Nathan's time to shine para ma-gets niyo ang iba pang angles ng story. Hope you like it and don't forget to enjoy!

Nathan

“Talaga? Kailan kayo uuwi? Mabuti naman. Sige, ingat.”

Ibinaba ko na ang cellphone ko matapos ang tawag na iyon. Huminga ako ng malalim at napatingin sa mesa. Uuwi na sina Lujille at Arleigh mula sa honeymoon nila sa El Nido. At kapag nakita ko sila ulit, abot-langit na hirap at dusa na naman ang aabutin ko. Oh well, that’s life. Sanay na akong nasasaktan dahil sa pagmamahal ko kay Lujille. Sanay na rin akong tinitingnan siya mula sa malayo, naghahangad na sana balang araw mahalin niya ako.

Alam kong corny at gasgas nang pakinggan ito, pero nagsimula ang patagong pag-ibig ko kay Lujille noong mga bata pa kami. Matagal ng magkaibigan ang mga parents namin, kaya namulat ako na lagi ko siyang kasama. Siya na ang kalaro at karamay ko sa lahat ng bagay. Ewan ko ba kung bakit ganito siya ka-special sa akin. In my opinion, dahil lagi ko siyang nakikita, hindi naman siya kagandahan, pero palagi niyang ipinagsisigawan na maganda siya. Matalino pero may konting sayad ang utak.  Mabait pero ‘pag napa-away, goodluck na lang kung makakahinga ka pa. She’s unique, one of a kind, and my ideal type of girl. I don’t know what’s holding me back para ligawan siya. Naduduwag ako na aminin ang matagal ko ng kinikimkim. Siguro I don’t want to mess things up, to put our friendship at risk, dahil ayokong mawala ang maganda naming samahan. Ayokong manlamig siya sa akin kaya ko ito tinatago.

In the course of our lives, mas minahal ko pa siya ng sobra. She’s the one sister I never had, and I’m the brother she desperately wishes to have. Sabay kaming namulat sa mundo, pinagsaluhan ang mga trip na maisipan namin, at dinamayan ang isa’t-isa tuwing senti moments na. Gustong-gusto ko na talagang aminin sa kanya na mahal ko siya pero naduwag na naman ako. There was one time nung high school kami, sasabihin ko na sana sa kanya. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya, but I braced myself, usually for the goodbye friendship thing.

“Lujille.” I started.

She noticed the expression on my face.

“Bakit? May masakit ba sa iyo?” tanong niya at ipinatong ang kamay niya sa noo ko. “Wala ka namang lagnat ah.”

“Wala nga pero may sasabihin ako sa ‘yo.” sagot ko.

She blinked. “Okay. Spill.”

Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, tinutulak ako na sabihin na sa kanya ang matagal ko nang itinatago. Pero kinakabahan pa rin ako.

“Ano?” sabi niya nang mapansin ang matagal kong pananahimik.

“Bakla ako.”

Imbis na matawa siya, binatukan pa niya ako.

“Akala mo ba maniniwaka ako sa iyo? Gago ka pala eh! Hindi mo ko maloloko, dre. Hindi ka bakla. Mas bakla pa nga ako kaysa sa iyo eh.”

Hinimas ko ang ulo ko.

“Ang sakit non, ha? Kumu-quota ka na.”

“Ikaw naman kasi. Ke gwapo mong bata, magpapakabakla ka lang? Sa tingin mo ba may maniniwala sa iyo?”

I grinned. “Sorry na. binibiro lang naman kita eh.”

“Baliw.”

A few minutes later dumating si Rex, classmate namin. Pero alam ko namang si Lujille lang ang pinunta niya.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon