Fifty-Nine

2.5K 34 1
                                    

Arleigh

Higit pa sa pagkalaglag ang sinapit ng panga ko nang makita ko si Lujille.

Finally, matapos ang ilang taon, nagkita rin kami ulit. Matagal ko na siyang hinanap mula nang magkahiwalay kami. Hindi ko inakalang dito sa coffee shop na pagmamay-ari niya mangyayari ang hindi ko inaasahan.

Pero malaki na ang pinagbago niya. She’s been stronger, fiercer and more beautiful. Iba na sa Lujille na asawa ko noon.

“Ah…” Natatameme na ako sa sitwasyong ito. Ramdam ko na ang bigat ng mga matang nakatingin sa amin.

“Kung nagkamali kayo sa order niyo, make it clear next time. Hindi yung nangbubulabog kayo na parang tanga.”

Mas lalo akong natameme. Kanina ko pa pinapagalitan ang cashier sa counter dahil sa maling order ko ng kape.

“Sir, the next time your order goes wrong, feel free to approach me. Nandito lang ako all the time or you can reach me through my staff. Sila na lang ang tatawag sa ‘kin.”

“I…I’m sorry.” sabi ko at ininom ang mainit kong kape. White chocolate mocha ang in-order ko pero mainit ang ibinigay sa akin. Hindi na lang ako umalma para wala ng gulo.

“If you want, I’ll have your real order for free. I hope in that way, we can make up for the lapse in our service.” she said.

Nang hindi ako makaimik habang nakatingin lang sa kanya, she snapped her fingers at sumigaw sa mga barista niya.

“Give this man the best coffee we have! Now!”

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin then she winked.

“Our best coffee coming right up!”

Tiningnan ko lang siya habang bumabalik siya sa upuan niya.

“Here’s your coffee, sir.” Nakangiting sabi ng babaeng barista sa ‘kin. Tinanggap ko ang malamig na plastic cup ng kape at umalis.

I took a sip and went to my car. Sana hindi ito ang huling pagkakataon na makita ko siya ulit.

Lujille

Nanlambot bigla ang tuhod ko nang umupo ako. Nakita ko ulit ang taong gusto at ayaw kong makita. Parang nanibago siya sa ‘kin, pero gan’on din naman ako sa kanya. So much had changed in him. Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang harapin kanina pero sigurado akong hindi pa iyon ang huling pagkakataon para magkita kami ulit.

Tinawagan ko si Nathan. Nag-pick up ang linya matapos ang tatlong ring.

“Bakit?”

“Nathan, nakita ko siya ulit.” sabi ko.

“Sino?”

“Si Arleigh.”

Bagaman inasahan ko na ang sandaling katahimikan mula sa kanya, nanibago pa rin ako. Pakiramdam ko sinadya ng tadhana ito dahil napag-usapan naming siya kanina.

“Ano?” sabi niya.

“Dito kami nagkita sa coffee shop.”

“Paano nangyari iyon?”

Kahit ako hindi ko rin ma-explain. Basta na lang naglaro ang tadhana sa amin. 

“Ganito kasi iyan e. Pinagsisigawan niya yung isang staff ko kasi nagkamali ang order niya. Pinuntahan ko kasi kanina pa sila nagkakagulo. Then boom! I saw him. Hinarap ko na lang siya in a professional way. Binigyan namin siya ng pinakamasarap naming kape para naman makabawi kami. Pero parang may mali e…”

“Ano na naman bang mali iyan?”

Hinawakan ko ang dibdib ko.

“Ang lakas ng tibok ng puso ko.”

“Tigilan mo nga ako, Lujille! Pag-usapan na lang natin iyan mamaya sa bahay.”

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Sige, mamaya na lang. Bye.”

At nang maputol ang kabilang linya, pumikit ako at nag-isip.

Nathan

Si Arleigh at si Lujille.

Pinagtagpo ulit sila ng tadhana.

Selfish na kung selfish pero kung ako ang papipiliin, ayoko nang magkita sila ulit. At mas lalo akong nasaktan sa sinabi ni Lujille nna lumakas ang tibok ng puso niya pagkakita niya kay Arleigh. Mahal niya pa rin talaga si Arleigh after all these years. Kahit anong iwas niya sa mga tanong ko tungkol kay Arleigh, ito rin pala ang ending. It all boils down to the fact na talo na naman ako.

Pero palagi naman akong talo e. Simula’t-sapul pa lang, nang mapagtanto kong mahal ko si Lujille, alam kong talo na ‘ko. Kahit palamigin ko pa ang araw, hindi pa rin niya ako mamahalin.

Okay naman lahat sa buhay namin. Bumalik pa siya. This time, ayokong magkalapit sila ulit. Kaya na ni Lujille ang sarili niya at nakahanda akong alalayan siya kahit anong mangyari.

Bigla kong naisip si Charleigh. May karapatan din naman siyang malaman at makilala ang tunay niyang ama kahit papano. Ako man ang tumayong ama niya for seven years, hindi ko pwedeng ipagkait kay Chareligh ang pagkakataong iyon. Mahal ko siya na para na ring tunay kong anak.

Ewan. Naguguluhan na ‘ko. Marami akong bagay na gusting gwain pero natatakot ako sa maaaring mangyari.

Ayokong masaktan ulit si Lujille. Ayoko.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon