Seventeen

6.7K 75 27
                                    

A/N: Pa-thank you ko na rin 'to kay YhelleBManalang for reading my story. Hehe. Enjoy! :*

Umupo ako sa gilid ng kama at hinayaan ang mga luha na kusang dumaloy sa mga pisngi ko. Hindi ko inakala na sasabihin iyon ni Arleigh ng harap-harapan. Babes. Paano niya nagawang ipamukha sa akin na iyon ang tawagan nila ni Leslie? Ganoon na ba talaga kalala ang lason na kumalat sa utak niya? How horrible. I never thought his guts would lead him to say that.

Bumangon ako sandali at nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng kape para gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Sumandal ako sa counter, at kitang-kita ko silang apat na masayang nagkukuwentuhan. Isa-isa kong tiningnan si Lorraine- ang kapatid ko na laging full-support sa akin, si Nathan- ang original kong best friend, si Arkin- ang best friend number two, at si Arleigh- ang asawa ko.  Sa mga ngiti pa lang niya, I can really tell it’s genuine. Tinatanong ko ang sarili ko kung kalian niya ako ngingitian ng ganyan. I smile to myself at the very thought of it. Or there have been instances na totoo ang ngiti niya sa akin, hindi ko lang namamalayan.

Nahuli ako ni Arleigh na tumitingin sa kanya. Yumuko ako ng konti para umiwas. Ininom ko na lang ang kape ko at nanahimik.

Tumingin ako ulit makaraan ang ilang sandali. My lips curved up in a smile while gazing at how beautiful my husband was. Everything about him might have changed, pero ang ngiti niya ay katulad pa rin ng dati. Masaya at puno ng buhay. Minsan ko lang makita sa lalaki ang ganyang klaseng attitude.

Sa kasamaang palad, nahuli niya ulit ako. Tumayo siya at pumunta sa kinaroroonan ko. Muntik nang mahulog ang tasa mula sa pagkakahawak ko habang nakikita kong papalapit siya.

Tumigil siya mismo sa harapan ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, dahilan para bahagya akong mapaurong.

“Kanina ka pa nakatingin, ah. May problema ba?” tanong niya.

Napalunok ako at naramdaman ang isang butil ng pawis na lumabas mula sa noo ko.

“Wala naman. Kailangan ko pa ba humingi ng permiso para tingnan ka?”

He grinned. “Oo, dahil ang gwapo ko.” he said.

“Yabang mo.” bulong ko sa sarili ko.

“I know.”

Ipinatong ko ang kkape sa counter at nag-isip ng palusot para ulitin ang mga ginawa ko noon. Itinulak ko siya ng dahan-dahan at kumuha ng mineral water sa ref. Iniabot ko ang malamig na plastic bottle sa kanya.

“Babes oh. Inom ka muna. Para ma-refresh ka naman.”

Kinuha niya ang bote at uminom. Sa bawat lunok, dinarasal ko na sana maalala niya ako.

Pinauwi namin si Lorraine dahil uulitin namin ang inuman session noon. Natalo si Nathan kaya nagawa akong ligawan ni Arleigh. Dahil na-realize niya na magkahiwalay kami ng kwarto ni Arleigh, bagong pakulo ang naisip niya.

“Pare alam mo, dapat tabi kayo ni Lujille matulog eh. Mag-asawa kayo di ba? Dapat may love.” sabi ni Nathan na may halong pang-aasar. Ngumiti lang si Arkin na tahimik na iniinom ang iced tea. Pinagtimpla ko siya ng isang pitsel para hindi siya malasing.

“Alam ko yun pare pero hindi ako komportable. Naiintindihan din naman ni Lujille iyon eh. Kaya okay lang.”

Nakisakay na rin ako sa kanya, kahit na ayoko.

“Oo nga naman, Nathan. Ayos lang no.”

“But still, tama pa rin si Nathan.” sabi ni Arkin at tumingin sa kapatid niya. “Kilala kita. Hindi ka nangangagat.”

Kumuha si Nathan ng isang bote ng Red Horse.

“Ganito ang deal natin, Arleigh. May sampung bote ng beer dito, at bawat isa sa atin dapat uminom ng lima. Kapag ako ang unang nalasing, tatabi sa iyo si Lujille. At kapag ikaw ang unang nalasing, matutulog siya sa kabilang kwarto. Malinaw ba?”

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon