Fifty-Two

2.9K 40 5
                                    

Bagaman nakakailang para kay Leslie ang makita si Nathan na nagmamaneho ng kotse at makatabi si Lujille sa backseat, pilit niyang tiniis iyon. Malaya na siya. Ang tangi niyang magagawa ngayon ay ang sabihin ang buong katotohanan.

"In the mean time, sa bahay ka muna tumira. Pinahanda ko na ang kwarto mo." sabi ni Lujille.

Hindi alam ni Leslie kung paano natitiis ni Lujille na magpakabait sa kanya sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila. Tumango na lang siya para wala nang iba pang masabi si Lujille sa kanya.

"Tinawagan ka na ba ni Arleigh? Baka hindi pa niya alam ang nangyayari." sabi ni Nathan.

"Hindi. Ayoko ring tumawag." sagot ni Lujille.

Tumingin si Leslie sa labas. Nagsisimula nang magkatotoo ang lahat ng iniisip niya. si Anita lang ang magiging dahilan ng pagbagsak ng LGV Kingdom. Ito na ang tamang panahon niya para makabawi kay Lujille. Kinakain na siya ng pagsisisi sa loob ng selda.

"Tawagan mo. Pakiramdam ko wala siyang kaalam-alam dito. Baka siya pa yung huling makaalam."

Bumuntong-hininga si Lujille. Hindi niya kaya. Pero alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang mawala si Arleigh.

"Kumain ka na?" tanong ni Lujille kay Leslie.

"Hindi pa."

"Don na kayo kumain sa restaurant. Libre ko."

Napatingin si Leslie kay Nathan. Hindi pa naaayos ang sigalot sa pagitan nilang dalawa. Lalo tuloy siyang nailang.

"Yung paborito ko ha? Alam mo na."

"Sure."

Nang dumating na sila sa restaurant, sinigurado ni Nathan na naunang pumasok si Lujille. Hinila niya si Leslie palapit sa kanya.

"Tatanawin mong malaking utang na loob kay Lujille ang paglaya mo. Ngayon isa lang ang hihilingin ko sa iyo."

"Ano?"

"Wag kang gagawa ng bagay na makakasakit kay Lujille. Maliwanag ba?"

"Sige." mahinang sabi ni Leslie.

"Tsaka wag kang mag-alala, hindi ko lalagyan ng lason ang pagkain mo." sabi ni Nathan at iniwan si Leslie na nakatayo at tulala.

"Lujille, Im sorry."

Biglang napatigil si Lujille sa pag-inom ng kape niya. nasa bahay na sila at hinihintay ang pagdating ni Arleigh. Ibinaba ni Lujille ang tasa niya sa mesa at napatingin kay Leslie. 

"Im sorry sa lahat. Alam kong nasaktan ko kayo ni Nathan at Arleigh dahil sa nararamdaman ko. Mapatawad mo man ako, hindi pa rin mababago non ang katotohanan na naging hadlang ako sa relasyon niyong dalawa. Hindi ko alam kung makikita pa ba tayo pagkatapos niyo kaya sasabihin ko na lahat."

Tumikhim si Lujille at umayos ng pagkakaupo.

"Leslie, pinatawad na kita. Kalimutan na natin ang mga nangyari noon. Wala na sa akin iyon. malumanay na sabi ni Lujille at hinawakan ang kamay niya."

"We can start again as friends. Tayong apat. Hindi pa naman huli ang lahat e."

Pinilit pigilin ni Leslie ang mga luha niya. ayaw niyang magmukhang kawawa kay Lujille. Ngumiti na lang siya at iniba ang usapan.

"Ano nang plano mo ngayon?"

Bumuntong-hininga si Lujille. Mahirap mang sagutin ang tanong ni Leslie, pipilitin niyang makapagsabi kahit na isang plano man lang.

"Wala akong magagawa kung saka-sakaling bumagsak man ang kompanya. Pero hinding-hindi kami maghihiwalay ni Arleigh. Minsan na siyang nawala sa akin at hindi ako papayag na mawala siya ulit."

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon