Hinawakan nang mahigpit ni Arleigh ang kamay ni Lujille. Tahimik ang buong boardroom, tila hinhintay na lang na magsalita si Lujille para matapos na ang lahat ng kabang nararamdaman nila. She smiled to assure her husband that it’s all okay. Lumakad siya papunta sa harapan ng projector at binigyan ng go-signal si Monica na buhayin ang makina. She looked at her mother before gathering the courage to speak. Nag-iba na ang pagtingin niya sa taong akala niya isinaalang-alang ang kapakanan niya.
“Pinatawag ko kayong lahat dahil may nangyayaring hindi maganda sa kompanyang ito.” Seryosong sabi ni Lujille. Mabigat sa pakiramdam ang katahimikang natatanggap niya mula sa lahat.
“May nagaganap na nakawan ng pera all this time. I got a report and I need explanations about this.”
Tumingin si Monique kay Anita, while the latter seemed so unmoved.
Pinindot ni Monica ang isang key sa laptop at pinakita na nito ang slideshow ng report na nakuha ni Lujille. Isa itong cash flow ng pera ng kompanya.
Nagkuyom ang kamay ni Anita. Sigurado siyang may kusang nagbigay ng ganitong impormasyon kay Lujille.
“Ayon dito, pantay ang shares ni Mama at ni Mommy Monique. Pero sa paglipas ng mga buwan, unti-unti itong nananakaw at nawawaldas sa di malamang dahilan. Can anybody care to explain this?”
Tumingin si Lujille sa ina. Gusto niyang manggaling sa bibig nito mismo ang sagot sa mga tanong niya.
Pero si Rolly ang unang nagsalita.
“Matagal na ‘tong pinlano ng ina mo Lujille, para makapaghiganti.”
Makapaghiganti.
Natuon ang atensyon ng lahat kay Rolly.
“Yes. Tama ang narinig niyo. Pinlano lahat ito ni Anita. Sadyang baliw siya sa pag-ibig e. Pati inosenteng bata na kaibigan ng anak niya ginamit din. Diba Leslie?”
Tumingin si Lujille kay Leslie. Maging siya ay nagsisimula nang mabaliw sa mga nalalaman niya.
“Sabihin mo sa amin ang lahat, Leslie. Lahat.” Sabi ni Lujille.
Parang umurong ang dila ni Leslie sa kaba. Sana nga lang hindi siya magkamali sa mga sasabihin niya.
“Ganito kasi iyan e…”
“Itigil na natin ‘to! Mali ang mga sinasabi nila tungkol sa ‘kin.” biglang sabi ni Anita at tumayo. Hinigit ni Vicente ang braso niya at hinila siya pabalik sa upuan.
“Stay where you are, Ma.” tiim-bagang na sabi ni Lujille.
Nagsimula nang maluha si Leslie sa mga sasabihin niya. wala na siyang pakialam sa mga mangyayari pagkatapos nito.
“Simula pa lang nung college kami, ayaw na ni Tita Anita kay Arleigh kasi anak siya ni Tita Monique. May history kasi sina Tita Anita at Tito Pocholo e. at nasaktan siya ng labis nang malaman niyang si Tita Monique ang pinakasalan ni Tito Pocholo. Kaya nang naaksidente si Arleigh sa Amerika at nagka-amnesia, pinilit niya akong paitan si Lujille at magpanggap na girlfriend.
“Oo aaminin ko na masyado akong selfish kasi mahal ko si Arleigh and for seven years, ganon ang naging buhay ko. Palagi siyang nasa likod ko at pinipilit akong gawin ang mga bagay na makakasakit kahit kay Lujille. That’s when she came up with the plan.”
Napakuyom si Lujille. Hindi niya inasahan ang mga nalalaman niya.
“Sinasabi ko na nga ba.” Sabi ni Monique. Matalim ang mga tinging ipinupukol niya kay Anita. Tahimik lang ito habang tinitingnan si Leslie.
Nagpatuloy si Leslie.
“Nang lumapit si Tita Monique kay Tita Anita para makipag-merger, she used it as an opportunity para makapaghiganti. Pumayag siya sa merger, given the condition na kapag hindi ito nag-work out, paghihiwalayin sina Arleigh at Lujille at all costs.”
Arleigh sat up straight at her last sentence. Nanlumo naman si Lujille at napakapit sa mesa. Isa-isang tumulo ang mga luha niya.
“Pero ang hindi alam ng lahat, unti-unti nang ninanakaw ni Tita Anita ang pera ni Tita Monique. Pinipilit pa rin akong guluhin sina Arleigh at Lujille. Kaya ako nag-apply dito sa LGV Kingdom. Siya rin ang nag-utos sa akin na kunin ko ang brake ng kotse ni Arleigh at ilagay ito sa likod ng kotse ni Nathan nung birthday niya. At nang sinabi ko sa kanya na ayoko na, pinagbantaan niya ko.”
That explains sa nakita ni Lujille nung Manalo ng award ang LGV kingdom. Mas naawa siya kay Leslie.
“Tumigil ka Leslie!” sigaw ni Anita.
“Ikaw ang dapat tumigil! Bakit, ayaw mo bang sabihin ko sa kanila ang mga kasamaan mo?”
Umiiyak na rin si Leslie, pilit na tinitiis ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib.
“Ako ang inutusan niyang magnakaw ng pera. Nang makarating na ito kay Lujille, ako na rin mismo ang nagbigay ng ebidensya. Para matapos na ang lahat ng ‘to.”
Wala nang halos makita si Lujille nang tingnan ang ina dahil sa mga luha niya.
“Ma, totoo ba?”
Hindi sumagot si Anita. It was enough for her to answer her questions. She screamed and walked out of the boardroom.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...