Thirty

5K 56 9
                                    

Arleigh

Gising na ang mga bata at wala na doon nang buksan ko ang kabilang kwarto. Umupo ao sa gilid ng kama at tiningnan siya. Nagi-guilty ako sa nagawa ko sa kanya. I admit sumobra ako sa galit ko. Napahirapan ko masyado si Bugoy, pero si Basha pala ang may kasalanan. Wala akong mukhang maihaharap sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ako magso-sorry. Tiningnan ko ang sugat ni Lujille. Lalong nagsikip ang puso ko. Ako ang may gawa nito. Ako ang dapat umayos.

Nagising si Lujille at nag-unat ng katawan. Umiwas siya ng tingin nang makita niya ako.

“Galit ka pa rin ba?” tanong ko.

Hindi siya kumibo. Kung pipilitin ko pa, baka magwala siya.

“Ako na ang kakausap sa mga bata.” sabi ko.

“Eh di kausapin mo. Kaya mo naman yan eh.” sagot niya at bumangon. Kinuha niya ang tuwalya niya at pumasok sa banyo.

Nakabihis na kami matapos kumain. Tahimik ang buong bahay dahil alang nagkikibuan sa aming apat. Ako na ang maghahatid sa mga bata.

Ihinagis ni Lujille ang susi ng kotse niya.

“Gamitin mo ang kotse ko. Akin na ang susi mo.”

Ibinigay ko sa kanya ang susi ko. Anuman ang dahilan niya para dito, hindi ko alam. Lumabas kaming tatlo nina Bugoy at Basha.

Habang papunta kami kina Mama Anita, doon na ako nag-sorry sa bata.

“Bugoy, galit ka pa rin ba kay Tito?” sabi ko.

“Ewan.” simple niyang sabi.

“Sorry kung nasaktan kita.”

“Tito, kasalanan ko naman po eh.” sabi ni Basha.

“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin? Kapatid mo tuloy ang nasaktan ko.”

“Natakot po ako eh.”

“Sa susunod huwag kang matakot. Mas mabuti na yung umamin ka kaysa magtago ka.”

Tumango lang si Basha pero si Bugoy nakatingin lang sa labas. Nag-drive na lang ako ng tahimik.

Nakita kong nakasandal si Leslie sa kotse niya. Kung ako na naman ang hinahanap niya, wala siyang mapapala sa akin. Sinadya kong i-park ang kotse ni Lujille sa kotse ko. Lumabas ako at nagpanggap na hindi siya nakita. Dinaanan ko lang siya.

“Ganito mo na lang ba ako itrato ngayon?” sabi niya at sinundan ang paglalakad ko.

Tumigil ako at tiningnan siya.

“Break na tayo, ‘di ba? I don’t have a habit of befriending my exes after the break up. Ayokong umasa ka na magiging tayo ulit.

May sasabihin sana siya kaso biglang napatigil. The look in her eyes spoke of anger and bewilderment. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Arleigh please, wake up. Niloloko ka lang ni Lujille. Wala kang amnesia. Pinapniwala ka niya sa mga kasinungalingan niya. Alam mo naman kung gaano siya kagaling magpaawa ‘di ba?”

Ramdam ko ang despair sa boses niya. Pero matagal na akong gising. The moment na may naalala ako tungkol sa amin ni Lujille, doon ko nalamang niloloko niya ako. She lied to me, saying that she was the woman I’m looking for. Si Leslie ang pumalit sa babaeng nasa mga pinakamahalagang alaala ko. I was so fed up sa paghahabol niya sa akin kaya ko siya hiniwalayan.

Pero mas lalo niya lang akong hinabol.

I gently pulled her away.

“Leslie, wala na tayong dapat pag-usapan. Tinapos ko na ang lahat para sa atin. And you don’t need to wake me up kasi matagal na akong gising. Please stop this.”

“Tell me, are your memories coming back?”

Katahimikan ang nanaig sa aming dalawa. Nakasalalay sa sagot ko ang patutunguhan ng usapang ito. Kailangan ko itong sagutin ng buong katotohanan.

Tumango ako. “Yes. They are coming back.”

Isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ko. Umiiyak si Leslie sa harapan ko, and I’m so surprised na hindi ako nadala o naapektuhan man lang.

“Sinungaling ka.”

“Hindi ako nagsisinungaling. Ikaw ang umasa.” sabi ko.

“I hate you…”

“Shut up.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tinalikuran ko na siya at lumakad na ako palayo.

“You’ll regret this!” sigaw niya.

Napatigil ako at hinarap si Leslie.

“You know what, just leave us alone. Hindi mo naman gugustuhin na kaladkarin kita palabas ‘di ba?”

With that said, iniwan ko na siyang mag-isa.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon