Shotgun Wedding Plus: A New Beginning

3.5K 30 0
                                    

September 16, 2020. Three days after the wedding. Paris, France.

Minamasdan ko ang pagkahulog ng mga dahon mula sa mga puno sa loob ng aking hotel room. Nakatayo ako sa harap ng bintana at nakahalukipkip, iniisip pa rin kung paano ako umabot sa ganitong yugto ng aking buhay. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi lang talaga ako makapaniwala. Tatlong araw na rin simula nang ikasal ako kay Corrine, and I tell you, it's the happiest moment of my life. Hindi ko inakalang darating siya sa panahong lugmok ako sa kalungkutan, sa mga panahong nagpakatanga ako ng labis dahil sa pag-ibig. She brought sunshine into my life at siya ang naging dahilan kung bakit kaya kong ngumiti ulit.

Leaving Lujille was the hardest and the most difficult decision I ever had to do. Considering na kilala ko siya mula pagkabata at ang tanging babaeng pinaglaanan ko ng aking buhay. Dahil sa kanya, ilang ulit akong muntik mamatay para lang mailigtas siya. Umabot sa puntong handa na akong iwan ang lahat, isuko ang lahat ng meron ako at kalimutan ang dignidad ko para makatanggap ng pagmamahal. I was so dumb, at nang hindi ko na kinaya ang mga kalokohan ko, hanggang sa maibunton sa akin ang sisi sa pagkamatay ni Charleigh, nagpasya akong iwan siya. She loves me as her best friend. She will always be my friend, kahit ilang ulit nang napako ang pantasya ko na sana kami ang magkatuluyan. Wala talaga eh, kaya lumayo na ako.

Masakit, kung tutuusin. Nasa tabi ko na siya buong buhay ko eh. Nakakapanibago pero kailangan kong tiisin kung gusto ko talagang maka-move on. Hindi rin madaling mag-move on, lalo na't may mga panahong naiisip ko siya bigla at nababanas na lang ako sa sarili ko. Wala namang switch ang utak na pwedeng paandarin o patayin kung kailan natin gusto. Kung meron man, masisira rin ang switch dahil paaandarin at papatayin ito ng paulit-ulit. But I made a firm decision to start over because I knew it wasn't too late.

Nang makarating ako ng Paris, sinundo ako ng kaibigan kong si Daniel. Nagpapatakbo siya ng isang French cuisine restaurant sa downtown kasama ng asawa niyang Pinay. Sa Paris na rin sila naka-base. May pinauupahan siyang apartment katabi lang ng bahay niya. Doon niya ako pinatuloy. Okay lang sa kanya na hindi ko muna bayaran ang upa. Siya na rin ang nagpapasok sa akin sa restaurant. Doon na rin ako nagtrabaho.

Then came one cold night. Papauwi ako galing trabaho nang may makita akong Pinay na hina-harass ng mga Pranses. Lasing ang babae at hinihipo na ang buong katawan niya ng mga ugok na lalakeng iyon. Nakipagbugbugan ako para lang mailigtas ang babae.

Dinala ko siya sa apartment niya. Itinuro niya sa akin ang daan, at doon ko nalaman na magkatapat lang pala yung mga unit namin. Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. Naitulak ko siya ng malakas at nakatulog lang siya sa sahig. Ako na ang nagbukas ng unit niya at ihiniga siyang mabuti.

Corrine Gonzales is her name. Sinabi niya sa akin iyon nang magkita kami kinabukasan. Wala siyang maalala sa halik and I tried hard not to look at those lips that crashed with mine under the influence of alcohol. Awkward pero kakayanin. Ngumiti na lang ako at umalis.

Maingay siya at unlady-like. Si Lujille may pagka-unlady-like pero mas malala ang babaeng 'to. Mas alam pa niya ang mga salitang kalye kesa sa akin. Twenty-five years old siya n'on at nagtatrabaho bilang isang barista sa coffee shop. Pumunta siya ng Paris para takasan ang kalokohan ng pamilya niya na gawin siyang pambayad-utang sa Intsik nilang family friend through fixed marriage. Doon pa lang nakita ko na si Lujille sa kanya. She was brave enough na takasan ang buhay na inihain sa kanya ng pamilya niya, unlike my best friend. I never stop telling her how brave she is.

Minsan nakakainis na ang kaingayan niya. Minsan mas malala pa kung mag-mood swing kesa sa akin. Palagi niya kong tinatawag na 'beh' kahit hindi niya ko boyfriend. At napakalakas niyang kumain. Minsan noong nag-celebrate ako ng Pasko at New Year dito sa Paris, inubos niya ang isang malaking bandihado ng pansit na niluto ko para sa kanya. Nangatwiran pa siya na buong magdamag siyang nagtrabaho sa coffee shop. She's the total opposite of my best friend and it helped me na maka-move on agad.

Doon ko lang na-realize na sumasabog na ang sparks sa pagitan naming dalawa. I'm drawn to her in ways I cannot imagine. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na layuan siya. At sa bawat araw na nakakasama ko siya, hindi ko mapigilan ang puso ko na mahulog nang tuluyan.

We shared our first kiss a few days after New Year hanggang sa naging kami na rin officially. Pinakamalaking away na siguro namin si Clark, yung lalakeng dapat sana ay pakakasalan ni Corrine. Paulit-ulit niyang sinabi kay Clark na ayaw niyang magpakasal dahil mahal niya ako. Good thing he gave up.

Pero hindi ko inasahan na si Lujille ang mas matindi pa naming pag-aawayan. Nanaginip ako isang gabi na binaril siya sa harapan ko at naisigaw ko ang pangalan niya. Ilang araw kaming hindi nag-usap ni Corrine dahil akala niya mahal ko pa rin si Lujille. Buti na lang naayos din namin iyon.

Ang pinakamatindi na siguro ay ang pamilya niya. Sinabi ni Clark sa pamilya ni Corrine ang tungkol sa relasyon namin. Pinauwi agad kami ng Pilipinas para makausap. Muntik pa akong kuyugin ng tatlong kuya ni Corrine na puro sundalo. Ilang buwan din kaming naghiwalay. Kaya ayaw ng pamilya ni Corrine sa akin kasi sa age gap namin na 9 years at dahil hindi raw ako 'good enough for their daughter'. Dapat magpakasal si Corrine sa isang lalaking mas mayaman pa sa pamilya nila.

I was disheartened kaya nagpursigi ako to prove them wrong. And after quite some time, I earned her family's approval. Wala na akong dapat ipangamba pa. I can be with the woman I love.

Speaking of the beautiful angel-slash-devil, lumingon ako at tiningnan siya habang natutulog. Akala ko dati hindi ko na makikita ang taong para sa akin kasi masyado akong nabulag sa pagmamahal kay Lujille. Akala ko dati palaging ako na lang ang maghahabol. Pero ngayon, iba na. Naghahabol man ako, maaabutan ko rin naman ang hinahabol ko.

She's beautiful, and all the good things I can add up to. Hindi ko naisip kung paano kami umabot sa ganito. But I know na pareho naman kaming masaya.

Nagising siya at tiningnan ako. Humikab siya at nag-unat ng katawan.

"O, ang aga mo naman yata nagising." Sabi niya.

"Ewan ko. Ganito na talaga ako eh. Gutom ka na?"

Tumango siya. "Nagluto ka ba beh?"

Natawa ako ng konti. Hindi pa rin niya napipigil ang kanyang 'beh' habit.

"Hindi. Nag-order lang ako ng room service. Aakyat na yun dito anytime."

"Halika ka nga dito." Sabi niya.

Umupo ako sa gilid ng kama.

"Bakit? May masakit ba sa iyo?"

Niyakap niya ako. "Wala naman. Dito ka lang sa tabi ko."

Napangisi ako. Sweet din ang lukaret na 'to kahit papano. Hinalikan ko siya sa noo, sa ilong, at sa labi. Soft, tender kisses on the lips. Full of love and respect. Full of all the good things I can give her for the rest of her life.

Tumunog ang doorbell sa panahong lumalalim na ang halikan namin. Bumitaw si Corrine.

"Panira naman eh!" inis niyang sabi.

Ngumiti na lang ako. "Room service na iyan. Ako na kukuha." Sabi ko.

"Diyan ka lang beh. Ako na kukuha sa pagkain. Tatadyakan ko si Kuya sa ginawa niya. Ang sarap pa naman ng lips mo!"

Napatawa na lang ako habang naglakad siya patungo sa pinto. Kung siya ang makakasama ko araw-araw, no dull moments for sure.

Kumain na kami. Of course after that, we made love. Hindi na namin kayang hintayin pa ang gabi. 



Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon