A/N: This is for NicaNixe. Presenting Leslie's angle in the story, in the hopes of making the story to you, my dear readers. Hope you enjoy.
Leslie
Mabuti na lang at nasa pinakadulo ng restaurant yung CR. Masyado itong tago mula sa mga mesa at kusina. Tinapos ko na ang pag-aayos ko tapos tumingin sa salamin. Masakit para sa akin ang makita ulit sina Arleigh at Lujille. Hindi ko pa rin matanggap na kaya sila kinasal ay dahil lang sa pera. Kung hindi lang din mapilit itong si Nathan, hindi sana ako pumunta dito. Nasa kuwarto sana ako ngayon, nag-e-edit ng photos para i-submit sa Inquirer kinabukasan.
Hanggang kalian ko ba matatagalan ito? Hanggang saan ang kaya kong tiisin para balikan ako ni Arleigh? Nangako siya sa akin na babalikan niya ako kapag kasal na sila ni Lujille. Hindi ko nga rin alam kung darating pa ba ang araw na iyon.
At ngayong bumalik na sila, handa na akong kunin ang nawala sa akin. Aagawin ko ulit si Arleigh mula kay Lujille. Dahil akin siya- sa akin lang.
Binuksan ko ang pinto at nakita si Arleigh na papasok sa Male CR. Nagmadali akong lumabas at iniwang bukas ang pintuan. Hinila ko ang braso niya at hinalikan ang mga labi niya. He was surprised that he took a step back, but I still managed to lock my lips with his. I kissed him with all the love that I could give, wanting to make up with the short loss of time between us.
When our lips parted, we both craved for air. Mabibigat ang ginawa naming mga paghinga. Gulat na gulat pa rin siya sa ginawa ko.
“Leslie...”
“I miss you.”
Isang pilit na ngiti ang namuo sa mga labi niya, at hindi ko alam kung bakit. Baka mahal na niya si Lujille kaya ganon.
“How have you been? Hindi ka man lang nagparamdam, ah. Ganon ka na b aka-busy sa honeymoon mo?” tanong ko at ipinatong ang mga kamay ko sa balikat niya.
Tinanggal niya iyon at biglang sumeryoso ang mukha niya.
“Look, let’s just talk next time. Okay?” sabi niya at lumakad palayo.
Hinila ko ang braso niya. “Ang laki naman yata ng pinagbago mo. Sabihin mo sa ‘kin, mas masarap ba siyang magmahal, ha?”
He gently put my hand down. “Alam mo, huwag kang makulit. Let’s talk some othet time, okay?”
Lalakad na sana siya nang halikan ko ulit ang mga labi niya.
“Okay. Sabi mo eh.” I said and we both parted ways. Nakita ko si Lujille na nakatayo di kalayuan sa pwesto naming ni Arleigh. Alam ko kanina pa siya nakamasid sa amin. Nakita niya kaming naghalikan ng dalawang beses, at wala akong pakialam doon. Problema na niya iyon.
“Hi, Lujille.” sabi ko at kumaway pa sa kanya.
“Galing mo rin, no? Taken na pala ang lips ng asawa ko. Ang saya-saya.” she replied sarcastically.
Nagkibit-balikat ako. “Oh well. Sino ba ang hindi niya nakikilala? Di ba ikaw? Kaya kawawa ka.”
Ngumiti siya. “Kahit na hindi mo sabihin ng harapan sa ‘kin, alam ko na ang ginawa mo. Sabihin na nating, you took advantage of his memory loss, kaya wala na ako sa utak niya. Simple as that. Iyan lang naman ang laban mo against me di ba? Kaya mas kawawa ka.”
Natahimik ako sandali at mataman siyang tiningnan. Matalino rin ang bruhang ito.
“Babalikan ako ni Arleigh, Lujille. Magtiwala ka lang. At iiwan ka niyang luhaan.”
“Then go. I don’t care. Basta gagawin ko ang lahat para maalala niya ulit ako.”
Grabe. Hindi pa rin siya natitibag. Ibang klase.
“Desperada ka, Lujille.”
“Mas desperada ka, Leslie. Hindi ko na dapat ipaliwanag kung bakit. At tama ka, desperada ako kasi mahal ko siya. Kung kailangan kong iuntog ang ulo niya sa pader para matauhan siya, gagawin ko.”
I smirked. “Kung kaya mo.”
Her smile grew even wider.
“Talaga. Kilala mo ko Leslie. Kapag sinabi ko, gagawin ko.”
“Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo.”
“Okay, tingnan natin. Don’t be so padalos-dalos, my dear.”
Biglang bumukas ang pintuan, at nakita naming lumabas si Arleigh. Matalim ang tingin na ipinukol ni Lujille sa kanya, tsaka bumalik sa akin.
“Excuse me.” sabi niya at lumakad papuntang Female CR. Padabog niyang isinara ang pinto na muntik ko pang ikabingi.
“Arleigh.” tawag ko sa kanya nang mapadaan siya, pero hindi niya ako pinansin. Sinundan ko na lang siya hanggang sa upuan namin.
Isinara ko ang pinto ng apartment ko at umupo sa sofa. Nabwisit ang gabi ko sa dinner na iyon, at bahagya kong pinagsisishan ang pakikipagsagutan ko kay Lujille. She’s just the way she is- palaban at hindi natitibag. Nung college kami, ganyan na ang attitude niya. Hindi na talaga magbabago iyon.
Pero si Arleigh, malaki ang ipinagbago niya. Malaking-malaki.
Kung noon, sinabi niya sa akin na ako lang ang mahal niya, ngayon mistulang nagdududa na siya sa mga sinabi niya. Ako lang ang nasa puso niyo, at nagbabadya itong wakasan ni Lujille ngayong kasal na sila. It’s downright threatening, and I have to do everything to keep him by my side.
Kahit na hindi mo sabihin ng harapan sa akin, alam ko na ang ginawa mo. Sabihin na nating, you took advantage of his memory loss, kaya nawala ako sa utak niya. Simple as that. Iyan lang naman ang laban mo against me, ‘di ba? Kaya mas kawawa ka.
Paulit-ulit na bumubulong sa akin ang mga salitang iyon. Galing pa sa bibig ni Lujille, na siyang pinaka-taklesang babae na nakilala ko kapag ginalit mo lang ng konti. Kahit na totoo ang mga sinabi niya at hindi ko maikakaila iyon, masakit pa rin sa damdamin. Ginawa ko lang naman iyon dahil mahal ko si Arleigh. Mahal na mahal.
And, as if by some natural reflex, bumalik lahat sa alaala ko ang mga nangyari noon, when Arleigh was fresh from the car accident. Pitong taon na ang nakakaraan nang madisgrasya siya sa Amerika at nawala lahat ng alaala niya. He was tormented, at para siyang itinapon sa impiyerno habang nasa lupa.
Ako ang unang nakabalita sa nangyari, kaya agad akong pumunta sa hospital. Doon ko nakita ang pagod at sugatang pagkatao ni Arleigh. And all he was saying was that he needs to find the woman she loves. Alam ko, si Lujille iyon, pero sinabi ko sa kanya na ako iyon. And he believed me. Mahal ko na si Arleigh mula ng maging kabarkada kami noong college, along with Lujille and Nathan. I’ve always been jealous of her, kasi mahal siya ng lalaking iniibig ko.
Since then, naging kami na ni Arleigh. Pinunan ko ang puwang na iniwan ni Lujille. Itinago ko rin sa kanila ang pagkaka-amnesia ni Arleigh. At simula noon, pag-aari ko na siya. Hindi ako papaya na mawala siya sa akin, lalo na kung si Lujille lang ang makakalaban ko.
Pinahid ko ang mga luhang basta na lang tumulo mula sa mga mata ko. Ganito pa rin pala kasakit. Halos ibaon ko na sa limot na nasasaktan nap ala ako dahil sa pag-ibig. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa harapan ng computer ko. Kailangan kong mag-edit ng mga pictures. Ipapasa ko pa sa Inquirer bukas.
Sa sobrang lutang ng utak ko, hindi ko namalayan na maling photo ang na-open ko. Sina Arleigh at Lujille, kuha noong reception nila. Stolen pero sweet. Namuo na naman ang mga luha, at kasabay nang pag-close sa window na iyon ay ang pagpahid ko sa pisngi ko. Hoping that one day, things would go back to the way they used to be.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...