Biglang nagising si Nathan mula sa pagkakatulog sa loob ng selda. Tinapik pa ng kakosa niya ang balikat niya para tuluyang Makita ang dahilan ng pagkagising niya. Tumingin siya sa labas ng rehas. Nagkuyom ang kamao niya pagkakita kay Leslie.
“How’s your life here so far?”
Tumayo si Nathan at kumapit sa mga rehas.
“Hayop ka! Pinakulong mo ko para pagtakpan ang mga kasalanan mo! Gagawin mo lahat masagip lang sarili mo.”
“Sinabihan na kita ‘di ba? Na pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa kin? And now, here we are. Dito ka magtitiis, dito ka mamamatay.”
Tumaas ang kilay ni Nathan. Hindi siya magpapatalo sa demonyong kaharap niya.
“Talaga? I’m so scared.”
“At ikaw pa ang may ganang pagbantaan ako eh ikaw nga ang nakakulong diyan.”
“Yes, kayang-kaya kitang pagbantaan. Dahil kapag nakalabas ako dito, patawarin ako ng Diyos sa mga magagawa ko sa iyo.”
“The prove it. Gamitin mo lahat ng pera para makalabas dito.”
“I will, Leslie. I will.”
Ngumiti si Leslie at tumalikod kay Nathan. But he called out to her before she can even take a couple of steps.
“Leslie.”
Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses.
“Ano?”
“Remember this. Walang sinuman ang magmamahal sa iyo kasi masama kang tao. Kawawa ka. You’re bound to be alone forever.”
Lumapit si Leslie at inilusot ang kamay niya sa pagitan ng mga rehas para sampalin si Nathan. Umurong si Nathan para iwasan ang atake nito.
“Hindi pa ko tapos sa iyo, Nathan.” she said and then walked away.
Nang tuluyan nang makaalis si Leslie, biglang napaisip si Nathan. Paano nga ba siya makakalabas ng kulungan?
“Arkin, may sasabihin ako sa iyo.” Sabi ni Lujille. Nakaupo si Arkin sa silyang kaharap ng mesa sa loob ng opisina niya.
“Ano?”
Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang sabihin iyon. She knew it’s too much. Pero ayaw niyang dalhin ang guilt kapag hindi niya ito nagawa.
“Pwede mo bang…” she began.
“Lujille, sabihin mo na lang. Kaya kitang tulungan kahit ano pa iyan.” sabi ni Arkin.
“Pero sana wag mong isipin na inaabuso kita.”
“I won’t. Just tell me, okay?”
Inalis ni Lujille ang kaba at nagpasyang sabihin sa kanya.
“Ilabas mo si Nathan sa kulungan. Gawan mo ng paraan.”
Hindi agad makasagot si Arkin sa sinabi niya. With the money that he has, alam niyang kaya niya iyon. Pero nagdadalawang-isip siya.
“Kailan mo gustong lumabas si Nathan?”
“As soon as possible. Malaki ang kasalanan ko sa kanya.”
He nodded. “Sige. Ako nang bahala diyan.”
Isa naman itong malutong na balita para kay Leslie. Kanina pa siya palihim na nakikinig sa usapan ng dalawa. Nang makita niya sila na masayang nagtatawanan at hindi nakatingin sa labas, dali-dali siyang umalis at kinuha ang cellphone niya. Hinanap niya ang pangalang Rolly at tinawagan ito.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...